You are on page 1of 4

The United Methodist Church

THE CAUAYAN MESSIAH CHRISTIAN SCHOOL,INC.


#81 Dist.II, Cortez Street, Cauayan City, Isabela
Telephone No. (078) 652 – 1190

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN V
PANGALAN:_____________________________________ MARKA:
ANTAS AT SEKSIYON:____________________________ PETSA:________

A. PAGSUSULIT NA MAY PAMIMILIAN


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

______1. R-Ang kwentong “Naging Sultan si Pilandok,” ay halimbawa ng isang Parabula.


X- Ang tulang pasalaysay ay halimbawa ng akdang tuluyan.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______2. R- Ang alamat ay mga salaysay na patungkol sa mayamang guni-guni ng manunulat..
X- Ang parabula ang pinag-ugatan ng akdang alamat.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______3. R-Ang pahayag na nagpapakita ay hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo.
X- Ang pahayag ay ginagamit sa mabisang pakikipagtalastasan.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______4. R-Ang akdang “Bakit dala-dala ni Pagong ang kaniyang Bahay,” ay akdang kuwentong-bayan.
X-Ang kuwentong-bayan ay binubuo ng ilang tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______5. R-Ang pabula ay mga kuwento na hango sa bibliya.
X- Ang kuwentong bayan ay akdang tuluyan na sumasalamin sa paniniwala at tradisyon.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______6. R-Ginagamit ang parabula noong unang panahon upang maiwasan ang pagkakagalit at pagtatalo-
talo ng mga tao.
X- Ang pabula at parabula ay parehas lamang ang pinag-ugatan o pinagmulan.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______7. R-Si Sophocles ang itinuturing na “Ama ng Sinaunang Pabula.”
X- Si Aesopo ay nakapagsulat ng 200 na parabula.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______8. R-Ang burador ay isa sa mahahalagang elemento ng pabula.
X-Ang kakalasan at kasukdulan ay kabilang sa elemento ng dula.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______9. R-Batay sa kwentong “Bakit dala-dala ni Pagong ang kaniyang Bahay,”ang isinugo ni Bathala upang
tignan ang mga tao sa kanilang nasasakupan ay si Bangalaw.
X- Ang kuwentong-bayan ay ay halimbawa ng akdang patula.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.
______10. R-Ang mitolohiya ay salaysay na pinagmulan ng mga bagay-bagay.
X- Ang dula ay hinahati sa pamamagitan ng bawat yugto at ito ay itinatanghal.
a. Ang R ay tama at X ay mali c. Parehas na mali ang R at X
b. Parehas na tama ang R at X d. Ang R ay mali at X ay tama.

______11. Ito ang tawag sa mga salaysay na pinagmulan ng isang bagay, lugar at pangyayari.
a. Kuwentong- Bayan b. Pabula c. Parabula d. Dula
______12. Sa bahaging ito ng pabula, ipinapakilala ang tauhan at paglalarawan ng tagpuan.
a. Tunggalian b. Kakalasan c. Kasukdulan d. Simula
______13. Ito ang itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan.
a. Kuwentong- Bayan b. Pabula c. Parabula d. Dula
______14. Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o maipamulat ang
kagandahang-asal.
a. Kuwentong- Bayan b. Pabula c. Parabula d.Dula
______15. Ito ay bahagi ng pabula na itinuturing na pinakamakulay o pinakamataas na bahagi ng kuwento.
a. Tunggalian b. Kakalasan c. Kasukdulan d. Simula
______16. Ito ay bahagi ng pabula na kung saan ipinapakita ang pababang aksyon o pangyayari sa pabula.
a. Tunggalian b. Kakalasan c. Kasukdulan d. Simula
______17. Ito ay bahagi ng pabula na kung saan ipinapakita ang salungatan ng pangunahing tauhan sa iba pang
tauhan ng pabula.
a. Tunggalian b. Kakalasan c. Kasukdulan d. Simula
______18. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang elemento ng pabula.
a. Banghay b. Tauhan c. Manunulat d. Akda
______19. Ang sumusunod ay layunin at katangian ng Pabula maliban sa________.
a. makapagbigay aliwa sa mga bata c. ang pangunahing tauhan ay mga hayop
b. nagbibigay ng aral at gabay sa buhay d. lahat nang nabanggit
______20. Siya ang itinuturing na sinaunang Ama ng Pabula.
a. Esopo b. Aesop c. A at B d. Wala sa nabanggit
______21. Ang sumusunod ay nagpapakita ng sanhi o dahilan na panandang maliban sa_____.
a. palibhasa b. kaya c. dahil d. pagkat
______22. Ang sumusunod ay nagpapakita ng bunga o resulta na panandang maliban sa_____.
a. naman b. bunga nito c. tuloy d. kasi
______23. Ang layunin ng akdang ito ay sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang
damdamin ng mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon.
a. Kuwentong-Bayan b. Pabula c. Parabula d. Alamat
______24. Itong uri ng akdang tuluyan ay maaaring saligan ng mga kuwentong pambata at kasaysayan ng isang
lugar.
a. Kuwentong-Bayan b. Pabula c. Parabula d. Alamat
______25. Ito ay pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya.
a. nagpapakita b. nagpapahiwatig c. kapani-paniwala d. katunayan
______26. Ito ang mga pahayag na ginagamit kapag nais magsabi o magbigay ng pananalig sa isang pahayag o
ideya.
a. nagpapakita b. nagpapahiwatig c. kapani-paniwala d. katunayan
______27. Ito ay pahayag na nagbibigay suporta sa isang bagay o ideyang pinatutunayan o pinatototohanan.
a. nagpapakita b. nagpapahiwatig c. kapani-paniwala d. katunayan
______28. Ito ang pahayag na ginagamit kung nais sabihin na ang ebidensiyang ipinapakita ay makatotohanan.
a. nagpapakita b. nagpapahiwatig c. kapani-paniwala d. katunayan
______29. Kitang-kita sa dokyumentaryong palabas ang mga isyung kinahaharap ng maraming Pilipino. Anong uri
ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. dokyumentaryo b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. katunayan
______30. Ang patuloy na pagtaas ng kanyang grado ay nagpapahiwatig ng kanyag kahusayan at kasipagan. Anong
uri ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. dokyumentaryo b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. katunayan
______31. Ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ay nagpapakita ng kabutihan at bayanihan. Anong
uri ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. dokyumentaryo b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. katunayan
______32. Madaling naniwala ang pulis dahil sa ebidensiyang hawak niya. Anong uri ng pahayag ang isinasaad ng
pangungusap?
a. katunayan b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. kapani-paniwala
______33. Maraming Pilipino ang dumalo sa unang araw ng simbang umaga nagpapatunay lamang ito ng pagsunod
ng bawat Pilipino sa nakagawian o tradisyon. Anong uri ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. katunayan b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. kapani-paniwala
______34. Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng trabaho ay nagpapahiwatig ng magandang daloy ng ekonomiya,
Anong uri ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. katunayan b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. kapani-paniwala

______35. Ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa ay nagpapakita ng kabutihang-asal at kababaang loob.


Anong uri ng pahayag ang isinasaad ng pangungusap?
a. katunayan b. nagpapakita c. nagpapahiwatig d. kapani-paniwala
______36. Ito ang pagbibigay-puna sa mga bahaging bumubuo sa isang pelikula.
a. Pagsusuri ng Pelikula b. Suring-basa c. Pagbabalangkas d.,Pagbubuod
______37. Ito ang kaluluwa at kasaysayan ng isang pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad ng pelikula kasama
ang detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon.
a. Musika b. Iskrip c. Direktor d. Artista
______38. Siya ang nagbibigay pagpapakahulugan o interpretasyon sa isang iskrip.
a. Artista b. Iskrip c. Direktor d. Musika
______39. Ito ang bahaging tunog ng pelikula at paglalapat ng magandang tunog sa bawat tagpo.
a. Musika b. Iskrip c. Direktor d. Artista
______40. Ito ay bahagi ng pelikula na tumutukoy o tumatalakay sa aspektong teknikal.
a. Musika b. Iskrip c. Direktor d. Sinematograpiya
______41. Ang epikong Indarapatra at Sulayman ay nagmula sa _________.
a. Visayas b Mindanao c. Luzon d. Sulu
______42. Sa epiko, siya ang matapang na hari ng Mantapoli.
a. Sulayman b. Bantugan c. Indarapatra d. Lam-ang
______43. Batay sa epikong Indarapatra at Sulayman, sa bundok matutum matatagpuan ang halimaw na si______.
a. Tarabusao b. Pah c. Kurita d. Pitong Ulo
______44. Batay sa epiko, siya ang halimaw na may maraming paa at ganid na hayop.
a. Tarabusao b. Pah c. Kurita d. Pitong Ulo
______45. Batay sa epiko, siya ay isang halimaw na may mukhang tao na nakakatakot kung ito ay pagmamasdan,
ang sinomang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapa at ang laman nito’y kanyang kinakain.
a. Tarabusao b. Pah c. Kurita d. Pitong Ulo
______46. Batay sa epiko, siay ay isang halimaw mula sa bundok bita na kung saan isang malaking ibon at may
matutulis na kuko at matang malinaw.
a. Tarabusao b. Pah c. Kurita d. Pitong Ulo
______47. Batay sa epiko, siya ay isang halimaw mula sa bundok kurayang na kung saan may matalas na kuko.
a. Tarabusao b. Pah c. Kurita d. Pitong Ulo
______48. Ito ang nangibabaw na tema sa epikong “Indarapatra at Sulayman.”
a. Pag-ibig b. Katapangan c. Kadakilaan d. Pagmamalasakit
______49. Ito ang naging dahilan ng kaguluhan, pangamba at problema sa kaharian ng Mantapoli batay sa epikong
nabasa.
a. Ang mga halimaw b. Sakuna c. Kahirapan d. Kalupitan ng Raja
______50. Ito ang nangibabaw na paksa sa epikong “Indarapatra at Sulayman.”
a. Pag-ibig sa kapatid b. Pag-ibig sa bayan c. Pag-ibig sa kapwa d. Pag-ibig sa Sarili
______51. Mahabaging langit! Santa Maria! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang
nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______52. Maaari po bang makisakay. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang
nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______53. Bumabagyo! Sunog! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______54. Lumilindoll! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______55. Pumanta ka rito! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______56. Pumarito ka! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pakiusap b. Padamdam c. Penomenal d. Pautos
______57. Bukas ay linggo! Gabi na.! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang
nasalungguhitan?
a. Pormulasyong Panlipunan b. Temporal c. Pamanahon d. Eksistensiyal
______58. Umaaraw na! Makulimlim na! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang
nasalungguhitan?
a. Pormulasyong Panlipunan b. Temporal c. Pamanahon d. Eksistensiyal
______59. Magandang umaga! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pormulasyong Panlipunan b. Temporal c. Pamanahon d. Eksistensiyal
______60. May bata! Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salitang nasalungguhitan?
a. Pormulasyong Panlipunan b. Temporal c. Pamanahon d. Eksistensiyal

______61. Ito ay pahayag na ginagamitan ng may at mayroon.


a. Sambitla b. Temporal c. Eksistensiyal d. Pamanahon e. Pahanga
______62. Ito ay mga pahayag na ginagamit upang magpahayag ng damdamin na paghanga.
a. Sambitla b. Temporal c. Eksistensiyal d. Pamanahon e. Pahanga
______63. Ito ay mga pahayag nan a tumutukoy sa oras o uri ng panahon.
a. . Sambitla b. Temporal c. Eksistensiyal d. Pamanahon e. Pahanga
______64. Ito ay mga pahayag na nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian.
a. .Sambitla b. Temporal c. Eksistensiyal d. Pamanahon e. Pahanga
______65. Ito ay karaniwang binubuo ng isa o dalawang pantig na nagsasaad ng matinding damdamin.
a. Sambitla b. Temporal c. Eksistensiyal d. Pamanahon e. Pahanga
______66. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na may maraming tagpo.
a. Pelikula b. Dula c. Tanghalan d. Sarswela e. Drama
______67. Sa bahaging ito matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian at kasukdulan.
a. Wakas b. Tagpo c. Simula d. Gitna e. Kongklusyon
______68. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula.
a. Artista b. Aktor c. Tagpuan d. Iskrip e. Manonood
______69. Ito ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan ng mga suliranin at pag-ayos sa tunggalian.
a. Wakas b. Kakalasan c. Kasukdulan d. Tunggalian e. Simula
______70. Sa bahaging ito matatagpuan ang kakalasan at ang kalutasan.
a. Wakas b. Tagpo c. Simula d. Gitna e. Kongklusyon
______71. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Anong uri ng pangatnig ang isinasaad ng pangungusap?
a. Panlinaw b. Panubali c. Panapos d. Panulad e. Pamanggit
______72. Hindi raw makakarating sa patimpalak si Rose. Anong uri ng pangatnig ang isinasaad ng pangungusap?
a. Panlinaw b. Panubali c. Panapos d. Panulad e. Pamanggit
______73. Sa lahat ng ito makikita natin ang kabutihan ng tao. Anong uri ng pangatnig ang isinasaad ng
pangungusap?
a. Panlinaw b. Panubali c. Panapos d. Panulad e. Pamanggit
______74. Sakaling hindi ibigay, marami ang magrereklamo. Anong uri ng pangatnig ang isinasaad ng
pangungusap?
a. Panlinaw b. Panubali c. Panapos d. Panulad e. Pamanggit
______75. Siya ay ay nagnanais ng kapayapaan at nang maayos na kalakaran. Anong uri ng pangatnig ang isinasaad
ng pangungusap?
a. Panlinaw b. Panubali c. Panapos d. Panulad e. Pamanggit
______76. Ang sumusunod na salita ay kabilang sa pangatnig na pamukod maliban sa________.
a. o b. ni c. man d. maging e. daw
______77. Ang sumusunod na salita ay kabilang sa pangatnig na paninsay maliban sa________.
a. bagaman b. kaya c. kahit d. ngunit e. datapwat
______78. Ang sumusunod na salita ay kabilang sa pangatnig na pananhi maliban sa________.
a. sapagkat b. dahil sa c. mangyari d. samakatwid e. mangyari
______79. Ang sumusunod na salita ay kabilang sa pangatnig na pamanggit maliban sa________.
a. Di umano b. raw c. Kung ano d. Sa ganang akin e. Sa ganang iyo
______80. Ang sumusunod na salita ay kabilang sa pangatnig na panimbang maliban sa________.
a. at b. ngunit c. sapagkat d. kaya e. sa wakas

GOD BLESS 

Inihanda ni:

ROGER D. SALVADOR
Guro sa Filipino

You might also like