You are on page 1of 1

TEENAGE PREGNANCY

Ang Teenage Pregnancy ay isa sa mga issue o problema sa ating lipunan. Naitala pa ang Siuyad
ng Cauayan na isa sa nangunguna sa Rehiyon 2 na may mataas na bilang ng mga nabubuntis na may
edad na 20 pababa.

Nakalulungkot na isipin na pataas ng pataas ang bilang ng mga nabubuntis sa batang edad o
wala pa sa tamang edad upang magkaroon na ng anak o tinatawag na “Batang Ina”.Wala pang sapat
na kaalaman kung paano ito magagampanan at naisasakripisyo ang kinabukasan ng anak at ng ina.

Anu-ano nga ba ang dahilan ng maagang pagbubuntis? Marahil isa na rito ang kawalan o
kulang ng paggabay ng magulang, epekto ng social media o mabilis na access sa internet na
nagdudulot ng curiosity sa mga kabataan, impluwensya ng mga hindi mabubuting kaibigan,
naghahanap ng pagmamahal o kalinga ng ibang tao na hindi maramdaman sa loob ng pamilya.

Paano nga ba ito masusulusyonan? Isa sa pinakamabisang solusyun ay ang tamang paggabay
ng mga magulang sa kanilang anak, pakikinig ng mga anak sa mga magulang, iwasan ang pag access sa
internet ng hindi nararapat na napapanood upang maiwasan ang curiosity at pagpili ng tamang mga
kaibigan upang maiwasan ang kapahamakan at isa na rito ang “Teenage Pregnancy” na nagdudulot ng
pagkasakripisyo ng mas magandang kinabukasan.

COVID - 19

Ang Covid-19 ay isang sakit na dulot ng isang coronavirus.Kalimitang naiuugnay ito sa


karaniwang sakit gaya ng sipon, ubo, lagnat, hirap sa paghinga,pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Lilitaw ang mga sintomas ng Covid sa loob ng labing apat na araw kung ikaw ay nahawaan.
Kumakalat ito mula sa may sakit sa pamamagitan ng droplets,pakikipagkamay o pakikipagbeso
beso,paghawak sa mga bagay na nahawakan ng may sakit na Covid na maaaring may naiwan na virus.

Upang makaiwas sa pagkahawa sundin ang mga sumusunod na paalala.Ugaliin ang


paghuhugas ng kamay ng sabon at tubig.Gumamit ng alcohol.Iwasan ang paghawak sa ilong,mata at
bibig. Magsuot ng facemask at faceshiels.Umiwas sa matataong lugar at sundin ang pinapatupad na s
healt safety measures.

Lagi nating tatandaan na “Prevention is better than cure”. Labanan ang sakit na Covid 19 at
magkaisa tayo upang malagpasan natin ang pandemyang ito.

Hermanne Carl M. Concepcion

You might also like