You are on page 1of 1

Ang Kaligiran Kasaysayan ng AlamatAng salitang alamat o legend sa Ingles na mula naman sa salitang

Latin na legendus, na
ang kahulugan ay upang mabasa.
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito aynagsasaad kung paano
nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mgakababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng mga alamatay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandangkatangian tulad ng kalinisan ng kalooban,
katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay rin samga alamat ang hindi mabuting katangian tulad ng
kasakiman, kalupitan, paghihiganti,pasumpa, at iba pa. Karaniwan itong kapupulutan ng aral at
nagpapakitang ang kabutihan aylagging nananaig laban sa kasamaan.Noon pa mang unang panahon,
ang ating mga ninuno ay nagkaroon nan g karunungan-
bayang kinabibilangan ng mga alamat. Ang mga itoy
lumaganap sa paraang pasalita; atnagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan.Sa pagdating naman ng
mga lahing nakipagungnayan at kapagkalakalan sa ating mganinuno tulad ng mga Tsino, Indian, at
Arabe, nagdala ang mga ito ng kani-kanilang kulturangnakap-ambag sa patuloy na pag-unlad ng mga
alamat sa ating kapuluan. Sa mga panahong ito,
higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno kayat marami sa alamat
ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga taumbayan.Sa pagdating ng mga mananakop na Espanol sa ating bansa, pinalaganap nila
ang
pananampalatayang Katolisismo, kayat sa panahong ito, saglit na napigil ang paglaganap ng
mga katutubong karunungang-bayan at panitikang katulad ng mga alamat. Sinasabingipinasunog ng mga
Espanol ang mga naisulat ng panitikan ng ating mga ninuno. Ang ibayipinaanod sa ilag sapagkat ayon sa
kanila, ang mga iyon daw ay gawa ng demonya. Ngunitgayon paman, ang patuloy na pagsasalin-dila nito
ay hindi napatay, kaya buhay pa rin angALAMAT hanggang sa kasalukuyan.

You might also like