You are on page 1of 1

PANALANGIN NG KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHEN NG

SOLEDAD
Oh kabanal- banalan at nahahapis na Birhen ng Soledad, ikaw na
nagbantay sa may paanan ng Krus at nakamasid sa paghihingalo ng
Iyong Anak, Ikaw na nag-iisa at nangungulila samantalang buong
pagmamahal kang nakatunghay sa koronang tinik at mga pako na
siyang gamit sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Iyong Anak. Kami
ay abang nakaluhod sa Iyong harapan upang magbigay galang sa
Iyong mga hapis at maghandog ng kahilingan, puno ng pananalig sa
santuwaryo ng Iyong sugatang puso. Ihandog mo, isinasamo namin,
ang kahilingang ito kay Hesukristo alang-alang sa mga
kapakinabangan ng Kanyang banal na pagpapakasakit, kalakip ang
Iyong mga hapis sa paanan ng Krus, at sa buong bisa nito ay ipagtamo
sa amin ang biyayang hinihiling namin.
(dito titigil sumandali at babanggitin ang mga kahilingan)
Kanino pa ba kami dudulog sa gitna ng aming mga pangangailangan
at paghihirap kundi sa Iyo, o Ina ng awa? Ikaw na lumagok sa kalis ng
Iyong Anak at may pusong maawain sa mga hinaing ng mga
naglalakbay pa sa bayang ito ng hapis. O Mahal na Ina, na ang
kaluluwa'y pinaglagusan na sundang ng hapis sa pagkakita sa
pagpapakasakit ng Iyong Anak, ipanalangin mo kami at ipagkamit sa
amin kay Hesus ang aming mga kahilingankung nauukol sa lalong
ikararangal at ikaluluwalhati Niya at sa kagalingan ng aming
kaluluwa. Siya nawa.

Kamahal-mahalang Hesus, masdan mo po kaming Inyong mga anak


na humahandog sa Iyong banal na harapan sa kasamahan ng Iyong
Mahal na Inang si Maria, ang Mahal na Birhen ng Soledad de Porta
Vaga. Ipagkaloob mo po sa amin , sa pamamagitan Niya ang lahat ng
mga biyaya, tulong at pagpapala para sa aming angkan at mga mahal
sa buhay. Siya nawa.
Dito manalangin ng tatlong (3) Aba Ginoong Maria.

You might also like