You are on page 1of 1

PANALANGIN NG PAGTATALAGA KAY SAN JOSE ANG

MANGGAGAWA

Sa Iyo, O, Banal na Jose ang Manggagawa, kami ay lumalapit dala ang aming mga
hinaing, at kalakip ang aming pagsamo sa iyong Banal na Kabiyak, kami ay
humihiling ng iyong pamamatnubay.

Sa pamamagitan ng pag-ibig na siyang nagbubuklod sa iyo sa Kalinis-linisang


Birheng Ina ng Diyos, at sa pamamagitan ng maka-amang pag-ibig na iyong
ipinaranas sa iyong Anak na si Hesus, mapagpakumbabang hinihiling naming
alalahanin ang minanang makasalanang kalagayan na tinubos sa pamamagitan ng
dugo ni Hesukristo at sa iyong kapangyarihan at lakas ay matulungan kami sa
aming mga pangangailangan.

O, dakilang tagapangalaga ng Banal na Mag-anak, ipagtanggol mo ang mga


piniling anak ni Hesukristo; O, mapagmahal na ama, ilayo mo kami sa bawat
pagkakamali at nakasisirang kapangyarihan; O, aming tagapagtanggol, maging
mabuti ka sa amin at sa langit ay alalayan kami sa aming pakikipagtunggali sa
kapangyarihan ng kadiliman.

Minsang iniligtas mo ang iyong anak na si Hesus sa kamatayan, sana ay


ipagtanggol mo ang Inang Simbahan mula sa paninira ng kaaway; ipagtanggol mo
rin ang bawat isa sa amin sa pamamagitan ng iyong patuloy na proteksiyon nang sa
gayon, sa pamamagitan ng iyong halimbawa at tulong, kami ay makapamuhay sa
pananalangin, mamatay nang may kabanalan, at matamo ang walang hanggang
kaligayahan sa langit. Amen (Panalangin ni Papa Leo XIII at isinalin ni Reb.
Pdre. Juan E. Flores)

You might also like