You are on page 1of 3

1

PANALANGIN KAY SAN JUAN PABLO II


Triduo: Oct. 19-21
Kapistahan: Oct. 22
Namumuno:
O Banal na Santatlo, pinasasalamatan ka namin sa pagkakaloob
mo sa amin kay San Juan Pablo II na isang biyaya para sa
Simbahan.
Lahat: Sa pamamagitan niya minarapat Mong
magningning ang magiliw na pagmamahal ng
Ama, ang kaluwalhatian ng krus ni Kristo, at
ang kadakilaan ng Espiritu Santo.

Namumuno:
Bunga ng kanyang pagtitiwala sa Iyong walang hanggang habag at
sa maka-Inang pamamagitang na Mahal na Birheng Maria,
ibinigay nya sa amin ang isang buhay na larawan ni Hesus, ang
Mabuting Pastol.
Lahat: Ipinakita nya na ang kabanalan ang
mahalagang sukatan ng tunay na buhay
Kristiyano at ang daan sa pagkakamit ng walang
hanggang pakikiisa sa Iyo.

Namumuno:
Ipagkaloob mo nawa na sa tulong ng kanyang mga panalangin, at
ayon na rin sa Iyong kalooban, ay makamit naming ang mga
biyayang aming hinihingi.
Tahimik po nating banggitin ang ating mga kahilingan.
(tumahimik sandali)
2

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo.


Lahat: Amen.

Namumuno: Ama namin...


Lahat: Bigyan mo po kami ngayon...

Namumuno: Aba Ginoong Maria...


Lahat: Santa Maria...

Namumuno: Luwalhati sa Ama...


Lahat: Kapara ng sa unang una...

Namumuno: San Juan Pablo II


Lahat: Ipanalangin mo kami.
3

You might also like