You are on page 1of 9

NOBENA SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo


AMEN.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Buksan Mo Panginoon ko ang mga labi namin. Palusugin ang
aming mga loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang mahalay at
likong akala. Liwanagin Mo ang aming bait, papagningasin ang aming
mga puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang kamatayan,
sampu ng kapait-paitang dinaralita ng Iyong marangal na ina. At maging
dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong ‘di matingkalang
kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari magpasawalang
hanggan.
SIYA NAWA.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo;
gumawa at sumakop sa akin; ang pagka-Ikaw nga; ang iniibig Kitang lalo
sa lahat. Nagsisisi ako sa buo kong loob at puso ng pagkakasala ko sa
Iyo. Nagtitika ako Panginoon ko na ‘di na ako magkakasala sa Iyo
kailanman sa tulong ng Iyong grasya; at iilagan ko na ang dilang
ipagkakasala ko sa Iyo; at magkukumpisal ako, magbabago na ako ng
asal at tutupdin ko ang parusang iaatas sa akin dahilan sa mga
kasalanan ko. At inihahain ko sa Iyo, Panginoon ko ang aking buhay,
mga gawa at kahirapan na kabayaran ng lahat kong mga kasalanan. At
kung ano ang pag-aamo ko sa Iyo ay gayun din naman ang pananalig ko
sa Iyong kagalingan. At walang ulat na ako ay patatawarin Mo,
pagkakalooban Mo ng Iyong grasya nang ako ay magbagong-asal at
manatili sa mahal na paglilingkod sa Iyo. Hanggang sa kamatayan at sa
katapusan nito ay sa Iyong grasyang walang hanggan.
SIYA NAWA.

PANALANGIN PARA SA PAGSISIYAM


UNANG ARAW
Panginoon kong Diyos na naglagak sa amin ng mga tanda ng Iyong
kasakitan sa mahal na saplot Mo, na ibinalot sa kamahal-mahalan Mong
katawan. Alang-alang sa pagkamatay Mo at pinagbaunan, ay malipat
kami sa kaluwalhatian ng pagkabuhay Mong mag-uli na tinatahanan Mo
at pinaghaharian kasama ng Diyos Ama sa pakikipagkaisa ng Diyos
Espiritu Santo, Diyos na magpasawalang hanggan.
SIYA NAWA.

IKALAWANG ARAW
Panginoong lubhang maawain, masintahing tanto sa ikagiginhawa
ng tao, ipinag-aamo-amo ko sa Iyo, alang-alang doon sa hapis ng
kabanal-banalang ina Mo, nang nagpakasakit Ka at naghihingalo sa
kamahal-mahalang kahoy na Krus, na ang mga banal na kaluluwa na
matimawa doon sa mga kasakitan sa purgatoryo. At lalong-lalo na yaong
mga kaluluwang ipinag-aamo-amo ko sa Iyo sa nobenang ito, na
papakamtin Mo sila ng patawad na ipinagkaloob ng lubhang magaling
na pontifices, sa ikagiginhawa at kapisanan; at iuwi Mo sa totoong
pagkakilala ng kanilang mga kasalanan at naglulubos dito. At
ipagkaloob sa akin ang hinihingi ko sa Iyo sa nobenang ito sa lalong
kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKATLONG ARAW
Makapangyarihan sa lahat, Diyos at Panginoon na kailanman ay
‘di hihingin kung walang asang makamtan nila ang makaawas doon,
alang-alang sa tulong ng maluwalhating ama na poong si San Jose. At
alang-alang naman sa saklolo ng Iyong mahabaging ina. Tanging
pakundangan doon sa hapis na kinamtan nang makita Ka niyang
naghihingalo sa Krus. At iuwi Mo sa Iyong grasya ang nasasalat nito
dahilan sa kasalanan. Ako ay pakamtin Mo ng pinagnanasaan ko sa
lalong kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKA-APAT NA ARAW
Kataas-taasang Diyos na dahilan sa awa Mo, nahihimbing sa
kaluwalhatian ang mga santos Mo. Ipinag-aamo-amo ko sa Iyo, alang-
alang sa pag-ampon ni San Joaquin at poon Santa Ana, ay matimawa sa
kasakitan niya yaong mga kaluluwa, lalong-lalo na yaong idinadalangin
sa hapis na lubhang matamis na kinamtan ng na lulunasan Mong ina;
nang marinig yaong malait na kamurahan at mga wikang
karuwanhaginang malay sa kasalanan. At mahabag sa nagsisitungo sa
kanilang ikapasasama na ipagbalik Mo baga sa Iyong grasya; at
pakamtan Mo sa akin ang idinadalangin sa siyam na araw na ito sa
lalong kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKALIMANG ARAW
‘Di matingkalang Panginoon na dating maawain, pakundangan sa
tulong ng Arkanghel San Miguel, at doon sa mga hapis na dinalita ng
kabanal-banalan Mong ina; nang sulain ng sibat niya ng mabangis na
soldado ang kagalang-galang Mong dibdib at sugatan ang masintahing
puso Mong mahal. Ipinag-aamo-amo ko sa Iyo na sila ay magkamit ng
kaluwalhatian Mong walang hanggan at mahabag ka sa mga
makasalanan. Dakila at ipagkaloob sa akin ang hinihingi ko sa
nobenang ito sa lalong kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKA-ANIM NA ARAW
Katamis-tamisang Hesus ng aking buhay, ihingi Mo ako ang Iyong
awa sa mga pagdaing ko, at inihihingi ko sa Iyo ng pagkakamit ng mga
awa Mo ang mga banal na kaluluwa sa purgatoryo. At bukod din yaong
pinagtutungkulan ko ng nobenang ito, alang-alang sa mga kasakitang
dinalita sa apoy ng Kaniyang kahirapan ng maluwalhating San Lorenzo.
At lalo pa naman sa mga tiniis ng Iyong mahal na inan nang makita ka
niyang tanggalin sa Krus, at korona at mga pako na nagpipigta ng mahal
Mong dugo at kahabagan Mo ang nagpapaluwal sa Iyong grasya. At
paghanguin Mo sila sa lagay na kahabag-habag at tanggapin Mo naman
sa akin ang iniaamo ko sa Iyo sa siyam na ito sa lalong kapurihan Mo.
SIYA NAWA.

IKAPITONG ARAW
Lubhang maawaing Panginoon, alang-alang sa tulong ng mga
angheles, at lalong bukod ang sa mga tagapag-ingat doon sa mga
nahahapis na kaluluwa na nagiging dahilan na ginagawa ko ang
nobenang ito. At alang-alang doon sa sakit na kinamtan ng Iyong
kabanal-banalang ina, nang mangyayari na mahagkan at sambahin ang
korona at mga pako Mo. At gawaran ka Niya sa Kaniyang malinis at
kundangang ina, na pinanood ang winindang na kabanal-banalan Mong
katawan. Ipinag-aamo-amo ko sa Iyo ng totoong kapakumbabaan na sila
ay kalagan Mo sa mga bilangguang apoy na nagpapasakit sa kanila, na
nakasanlang pagharap sa Iyo; na hahanguin Mo sila, at nang makamtan
ang pakikiharap sa Iyo at iuuwi Mo sa totoong pagkadakila ang
nagpaluwal sa Iyong grasya. At tanggapin Mo sa akin ang idinadalangin
ko sa Iyo sa nobenang ito sa lalong kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKAWALONG ARAW
Katamis-tamisan at kaibig-ibig Kong Hesu, alang-alang sa tulong
ng kalinis-linisang sinisinta Mong si San Francisco, at ng maluwalhati at
Lubhang masintahing San Nicolas de Tolentino, idinadalangin ko sa Iyo
na kahabagan Mo yaong mga banal na kaluluwa na ang mga kasakitan
nila ay tantong makapagparamdam sa pag-ibig nitong mga lingkod Mo at
lalong-lalo bukod, alang-alang doon sa pusong pinagtausan ng Iyong
kabanal-banalang ina, na naliligo sa agos ng mga luha nang ilagay sa
mukha Mong mahal ang pamahid-pawis at ng saputan ang mahal Mong
katawan, na umaantabay sa paglilibing sa Iyo hanggang sa baunan.
Doon ilalagak sa Iyo ang kaniyang puso at iuwi Mo sa pagsisisi sa mga
kasalanang dakila. At ako ay pagkalooban Mo ng idinadalangin ko sa Iyo
sa nobenang ito sa lalong kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

IKASIYAM NA ARAW
Gumawa at sumakop sa lahat ng tao, alang-alang sa dilang hirap
ng Iyong buhay, pagdaralita at kamatayan, iniaamo ko sa Iyo na
ipagkaloob Mo sa mga kaluluwa, at lalo pa doon sa mga
pinagkakadahilanan na iginawa ko nitong nobenang ito, ang patawad at
indulhesiyas na parating pinagnanasaan nila. At alang-alang sa
panalangin at karapatan ng lubhang nalulumbay Mong ina. Bukod na
lalo, alang-alang doon sa kasakitan ng tanang mga sakit nang lisanin Ka
niyang nababaon, manumbalik na wala na ang liwanag ng kaniyang
puso. Na Ikaw baga Hesus Ko, iniaamo ko sa Iyo na kahabagan Mo sila
ng mapasalangit at kamtan Kang walang hanggan, at ang kalunos-lunos
na lagay na pagkakaalipin sa demonyo, ng magsibalik sa Iyong grasya.
At ipagkaloob sa akin ang hinihingi ko sa nobenang ito, sa lalong
kapurihan at kaluwalhatian Mo.
SIYA NAWA.

PAGKATAPOS NG PANALANGIN NG PAG-AALAY SA SIYAM NA ARAW:


2 Ama Namin… 2 Aba Ginoong Maria… 2 Luwalhati…

PANALANGIN AT PAG-AALAY PARA SA ARAW-ARAW


LINGGO
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit ang kaluluwang ulilang walang nag-aalala, na ipatungkol sa
kaniya ang tinanggap na komunyon kung makinabang sa araw na ito.
Sapagkat kung gaano kalaki ang kailangan, gayun din naman ang
pasasalamat sa kawanggawang tinanggap. Ipanalangin naman sa Diyos
doon sa langit ang sa Kaniya ay gumawa ng magaling.
AMEN.
LUNES
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit ang nauumang na sa paglabas doon. Sapagkat lalong dakila ang
nag-aalab na nasa, na siya ay napisan sa Diyos, kung malapit ng tunay
ang kahangganan ng kaniyang pagdurusa, saka naman gagantihin ng
kaluluwang ito ang kawanggawang ikinandili ng kaniyang pagdurusa sa
idadalangin sa Diyos, na hulugan ng grasyang nagkawanggawa s lupaing
pita at ikalalago nila sa mga bagay na nakahahadlang sa ating tunay na
sumasa-Diyos. At dito marahil magmumula ang ating ikapasasalangit.
AMEN.

MARTES
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit ang kaluluwa na naglabas doon sa maralitang pinaglilinisan. Ang
kahirapan at katiningan ng loob ng pag-amin, at ngayon, sa gayon
habang nagdurusa, siyang maging ikasusulong natin sa paglungoy sa
Diyos ng awa, na loobin na siyang putulin ang gayong habang
karalitaan, laki ay ang kapasalamatan ang itutugon ng kaluluwang ito
ay mapasakaluwalhatian. Idalangin naman siyang papagkamtin ng
kababaan ng loob at pag-ayon sa kalooban ng Diyos.
AMEN.

MIYERKULES
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at lalo ang lubhang mayaman sa karapatan. Siya ay sa lahat ang higit,
masintahin at sinisinta naman ng Diyos. Kung gaano ang laki ng
kaniyang magiging kaluwalhatian sa langit, gayun din naman ang lakas
ng kaniyang dalanging ikapagkakamit sa mga nagsisipagkawanggawa sa
kaniya, ng isang lubos na pagsita sa Diyos na lalo na sa lahat, kung
wala ito ay wala naming tunay na karapatan at hindi makakaasa ng
anuman liban sa walang hanggang kamatayan.
AMEN.
HUWEBES
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit yaong naging maalala at masintahin sa Santisimo Sakramento.
Siya, dahil dito ay lubhang sinisinta ng ating Panginoong Hesukristo at
hindi magpapabaya na dili idalangin ang nagsipagkawanggawa sa
kaniya, ng grasyang ikatatanggap ng lalong dapat sa komunyon sa
buhuay nila at sa oras ng kanilang kamatayan. Parang tandang tunay ng
kanilang ikapapasalangit.
AMEN.

BIYERNES
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit ang mga kaluluwang katugkulan nating idalangin para ng mga
kaluluwa ng mga kamag-anak natin, ng mga taong nabigyang daan at
naakay sa pagkakasala. Sapagkat ng idalangin natin sila ay isang
katungkulang hinihingi sa atin ng katauhan ng pag-ibig sa kapwa-tao,
ng pagganting loob at ng kat’wiran. Ang pagliban-libanin ang pagganap
sa katungkulang ito ay maging dahilang madalas ikagising ng bagsik ng
higanti ng Diyos sa mga tamad tumupad, na ang Kaniyang madlang
halimbawang kakila-kilabot.
AMEN.

SABADO
Ipanalangin sa Diyos ang lahat ng kaluluwa sa purgatoryo, tangi
at higit yaong naging maalala sa masintahin sa Birhen Santisima. Ang
kaluluwang ito ay lubos na iniirog ni Santa Maria, sapagkat itong ina ng
pagsinta kalinis-linisan ay umiibig sa lahat ng gumigiliw sa kaniyang
anak kung mapasalangit ang kaluluwang ito. Pagsikapang ihingi sa
Diyos ang magsisipagkawanggawa sa Kaniya ng grasyang ika-pagiging
anak na tunay ng reyna ng awa, na ikalilinis ang pagpapasalangit nila sa
ilalim at pagtatangkilik ng ina ng Mananakop.
AMEN.

PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO PARA SA KALULUWA NI…


Banggitin ang Misteryo ng Rosaryo sa Araw na ito…

Namumuno
Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin Mo ng matang maawa ang
kaluluwa ni… nabininyagang namatay, na dahil sa kaniya ay
nagpakasakit ka at nagpakamatay sa Krus.
SIYA NAWA.

ANG SAMPUNG PANALANGIN


*Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni… sa purgatoryo.

Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin


Ka sa halamanan.*
Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na
mukha.*

Hesus ko, alang-alang sa masakit na hampas na Iyong tiniis.*

Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santuhan


Mong ulo.*

Hesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan na ang Krus


ay Iyong kababaw-babaw.*

Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha ay naligo sa dugo sa


birang ni Veronica.*

Hesus ko, alang-alang sa damit Mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at


hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan.*

Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na napako sa


Krus.*

Hesus ko, alang-alang sa Iyong kasantu-santuhang paa at kamay na pinakuan


ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit.*

Hesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim


na sibat at binukalan ng dugo at tubig.*

Namumuno: Diyos na Poon, saklolohan Mo siya.


Tugon: Hesukristo, maawa Ka sa kaniya.

Namumuno: Diyos na Poon, kahabagan Mo siya.


Tugon: Kristo pakinggan Mo siya.

Namumuno: Kristo, mahabag Ka sa kaniya.


Tugon: Pakapakinggan Mo siya.

Namumuno: Diyos Ama sa langit.


Tugon: Maawa Ka sa kaniya.

Namumuno: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan.


Tugon: Maawa Ka sa kaniya.

Namumuno: Santa Trinidad na Tatlong Persona sa Iisang Diyos.


Tugon: Amen.

LITANYA KAY SANTA MARIA


Panginoon Maawa Ka sa kaniya.
Kristo Maawa Ka sa kaniya.
Panginoon Maawa Ka sa kaniya.
Kristo Pakinggan Mo siya.
Kristo Pakapakinggan Mo siya.
Diyos Ama sa Langit Maawa Ka sa kaniya.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan Maawa Ka sa kaniya.
Diyos Espiritu Santo Maawa Ka sa kaniya.
Santisima Trinidad na Tatlong Persona Maawa Ka sa kaniya.
Santa Maria Ipanalangin mo siya.*
Santang Ina ng Diyos makusaing sumunod sa Panginoong
Santang Birhen ng mga Birhen Diyos
Ina ni Kristo Rosang bulaklak na ‘di mapuspos
Ina ng grasya ng Diyos ng bait ng taong halaga
Inang kasakdal-sakdalan Torre ni David
Inang walang malay sa kahalayan Torreng Gareng
Inang ‘di malapitan ng masama Bahay na Ginto
Inang walang karamdaman sa Kaban ng Tipan
kasalanan Pinto ng langit
Inang kalinis-linisan Talang maliwanag
Inang Imaculada Mapagpagaling sa mga maysakit
Inang kaibig-ibig Pagsasakdalan ng mga taong
Inang kataka-taka makasalanan
Ina ng mabuting kahatulan Mapang-aliw sa mga
Ina na may gawa sa lahat nagdadalamhati
Ina ng Mananakop Mapag-ampon sa mga Kristiyano
Birheng kapaham-paham Hari ng mga anghel
Birheng dapat igalang Hari ng mga patriarka
Birheng lalong bantog Hari ng mga propeta
Birheng maawain Hari ng mga apostol
Birheng makapangyayari Hari ng mga martir
Birheng matibay na loob sa Hari ng mga confesor
magaling Hari ng mga Birhen
Salamin ng kat’wiran Hari ng mga santo
Luklukan ng karunungan Haring ipinaglihi na ‘di nagmana ng
Mula ng tuwa namin salang orihinal
Sisidlan ng kabanalan Haring iniakyat sa langit
Sisidlang bunyi at bantogSisidlang Hari ng kasantu-santuhang Rosaryo
bukod na mahal na loob na Hari ng kapayapaan

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan;


Tugon: Patawarin Mo po siya, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan;


Tugon: Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit;


Tugon: Maawa Ka sa kaniya.

Sa ilalim ng iyong pagkakandili, o santang ina ng Diyos, kami ay lumililong;


huwag mong talikdan ang aming pag-aamo-amo kung dinaratnan ng
kasalatan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib, birheng mahal at
maluwalhati.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, santang ina ng diyos.


Tugon: Nang kami ay maging dapat na makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon.

Tatlong ulit na dasalin…


Panginoon namin, dinggin Mong malugod ang aming pag-aamo-amo, at
dumating sa Iyong tainga ang aming pagdaing.
PANALANGIN
Ipinagtatagubilin sa Iyo, Panginoon namin ang mga kaluluwa sa purgatoryo,
lalo na ang kaluluwa ni… na sa pagkapanaw dito. Alang-alang sa walang
katapusan Mong awa ang mga kasalanang nagawa at laging mabuhay sa Iyo,
magpasawalang hanggan.
SIYA NAWA.

PANALANGIN
Panginoon kong Diyos na makapangyarihan sa lahat, ipinag-aamo-amo ko sa
Iyo, na alang-alang sa kamahal-mahalang dugong bumukal sa tagiliran ng
Iyong Anak na si Hesus, na nakita at ipinagdalitang lubos ng Kaniyang
kamahal-mahalang ina, iligtas Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo tangi at
higit yaong naging maalala at nananalangin dito sa dakilang poong birhen
nang agad mapasa-Iyong kaluwalhatian at ipagdangal Ka nawa.
AMEN.

HULING PANALANGIN
Panginoon kong Diyos na gumawa at sumakop sa lahat, Ikaw nga ang humatol
sa mga nabubuhay at namamatay. Mapagkumbabang inihahain namin sa Iyo
ang aming mga panalangin. Buong pagsuyo at mga gawaing kabanalan lalo na
ang sa pagsisiyam na ito. Sa pagkakawanggawa sa lahat ng kaluluwang
napipit sa purgatoryong kakila-kilabot. Tangi at higit sa pinagkakautangan
namin, sa aming mga katoto at sa mga katungkulan naming idalangin.
Tanggapin Mo po, Panginoon ko, pakundangan sa ‘di mamagkanong dinalita
Mo sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, at sa pitong sakit ng Iyong
maluwalhating ina. At sa pamamagitan ng marangal na si San Jose at ng iba
pang santong kanilang pintakasi. Kalugdan Mo nawa itong pagsisiyam na dahil
sa kanila ay inihahain namin sa Iyo. Yayamang ang dahilan ng aming paggawa
ay ang paggunam-gunam sa kamahal-mahalan Mong dugo at hindi ang aming
karapatan. Kasakdalan man ay hindi kami nararapat na Iyong dinggin,
datapwat sila ay Iyong mga katoto na hindi mo sukat itakwil. O Dakilang Diyos
sa Iyong pag-ibig, huwag nawang makapigil sa pagkakamit nila ng
kaginhawahan ang aming mga kasalanan, kawalan at kakauntian sa harapan
Mo, sapagkat kailanman ay hindi Mo pinagkaitan ng lingap ang pusong
nagsisisi at nagpapakumbaba. At mahabag Ka naman sa mga natatakot sa Iyo
at pagkilala sa kanilang karupukan at kaabahan. Para ng pagkahabag ng
isang ama sa kaniyang anak. Bigyan Mo sila ng katiwasayang walang hanggan,
pagkatapos ng kara-karaka at magsipasok sa kaharian ng Iyong
kaluwalhatian. At doon ay sambahin Ka at purihin ng walang likat sa
kasamahan ng mga mapapalad at idalangin kaming makasalanan.
SIYA NAWA.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo


AMEN.

You might also like