You are on page 1of 7

Sezar Jae Grande Flores

Full Sermon

(San Juan 4: 1-25)

PAGLILINGKOD, PAGKUKUSANG-LOOB, AT PAGKAPIT SA DIYOS

TUNGO SA KABUUAN NG ATING BUHAY.

+++

GREETINGS

Feeling incomplete kaba?

Yung tipong mapapakanta ka nalang ng “kulang ako kung wala ka hindi ako

mabubuo kung di’ kita kasama”o di kaya’y “Even though it seems I have

everything I don’t want to be a lonely fool all of the women, all of the expensive

cars, all the money don’t amount to you” Inihihahayag sa atin ng ebanghelio

ngayong gabing ito ang tungkol sa kabuuan o completeness ng ating buhay ,

katulad na lamang ng babaeng samaritana na kung ating narinig kanina sa

Ebanghelio na siya ay nag-asawa na ng lima at may kinakasama, ngunit sa dami na

niyang nagawa, naranasan o napagdaanan sa kaniyang buhay hindi parin niya

mahanap ang kabuuan ng kanyang buhay.


Nasasaad rin sa ating ebanghelio ang tungkol sa balon kung saan nagkita si Jesus at

ang samaritana, at sinabi na ito pa ay pamana ng kanilang ninuno na si Jacob, at

dito rin nahanap ni Jacob ang kaniyang asawa. Nahanap niya sa balon ang

kabuunan ng kanying buhay.

Sa ating buhay mga Kapatid tayo ay nakatuon sa mga bagay sa ating buhay, na

magpapaganda ng ating pamumuhay. Nakatuon tayo sa mga bagay at paraan upang

maging maayos ang ating sarili. For example, kung may kinainisan tayong kapwa

natin, iiwasan natin o hindi natin papansinin, kumbaga she/he can no longer fulfill

our happiness, at iiwan nalang natin ito at maghahanap ng taong makapagbibigay

sa atin ng kasiyahan. Ang buhay nati’y naghahanap ng DA-BEST, siya na ang

babaeng perpekto para sa akin, siya na ang lalaking perpekto para sakin, gagawin

natin ang lahat ng paraan upang makuha lang ang Pinaka DA-BEST sa ating

buhay. Kasi (LBC) we find ways. Ngunit hindi na natin napapansin ang tanong sa

alikod ng ating paghahanap sa bagay na DA-BEST o makapagbibigay ng kabuuan

ng ating mga sarili.

Naghahangad tayo ng kasiyahan, pagmamahal at iba pa na makikita natin sa ating

kapwa, sa isang lugar at sa isang bagay. Gayunpaman, madalas ay hindi natin

nakikita na ang kasiyahang nais natin ay mapupunan lamang ng isang Mesiyas na

nagsasalita sa espiritu at katotohanan.


Ngunit ano nga ba ang gustong ipahiwatig sa atin ng Ebanghelio sa araw na ito?

UNA- PAGLILINGKOD

Sinasabi sa pangalawang pagbasa sa talata labing tatlo hanggang labing apat, ang

tungkol sa sinungaling na saksi laban kay Esteban at sinasabi ni Esteban ang

tungkol sa paggiba ni Jesus sa templo at ang pagpapalit ng kaugaliang ipinamana

pa ng kanilang ninuno na si Moises. Sa talata pito naman ay ang patuloy na

paglaganap Diyos at pagdami ng alagad sa Jerusalem.

Ang Diyos ay hindi matatagpuan sa isang lugar, o isang panahon. Sa halip,

nabubuhay siya sa lahat ng mananampalataya, saan man sila naroroon.

Ipinapahayag ni Jesus na ang templo ay hindi ginagamit bilang isang lugar kung

saan dapat pumunta ang isang tao upang matubos ang kasalanan. Ang tunay na

espirituwal na paglilinis ay dumarating sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus at

muling pagkabuhay.

Tayo bilang mga seminarista, ay napapadpad o mapapadpad sa mga iba’t-ibang

diyosesis upang mag serve o tumulong sa isang Parokya, at magbigay ng mga

magagandang aral sa mga miyembro. Sa ating paglilingkod mararanasan din nating

ang naranasan ni Esteban sa kaniyang pagmiministriya, sa Parokya mararanasan

natin ang false accusation o masulsulan, gayonpaman sa mga pangyayaring ganon

ay kailangan natin pagtibayin ang ating sarili dahil ang completeness o kabuuan ng
ating ministriya ay ang paglilingkod sa kanila, pagkaisahin sila, pagtibayin ang

kanilang pananampalataya, at ipadama na nabubuhay sa kanilang mga sarili ang

Diyos saan man sila naroroon. Hindi yung ikaw pa ang magiging dahilan ng

kanilang pag-aaway.

PANGALAWA-PAGKUKUSANG-LOOB

Sinasabi ng unang pagbasa sa talata labing lima na “Huwag po muna kayong aalis

at ipagluluto ko kayo ng ng isang batang kambing”sa sinabi ni manaoa dito ay

nagpapakita ng isang pagkukusang loob na kahit hindi pa nila nakikita ang

kabuuan ng kanilang pagmamahalan o buhay kasama ng kaniyang asawa ay handa

silang maghandog kung ano ang nasa kanila.

Sa mga kasamahan ko na nasa ikatlong taon, ganun narin sa dalawang M.Div at

kay padre. Rey, magandang pagnilayan natin itong salitang pagkukusang-loob.

Lalo na’t pinag-aaralan natin ang subject na CPE, bilang isang tagapakinig,

kailangan natin ang pag-kukusang loob lalo na sa mga kapwa nating

nangangailangan ng kausap o mapagsasabihan ng kanilang problema. Ngunit pano

natin maidudugtong sa ating sarili ang salitang Pagkukusang-loob? Katulad nga ng

sinasabi ng unang pagbasa na kahit hindi pa ni manoa at ng kaniyang asawa ang

kabuuan ng kanilang buhay ay handa silang maghandog ng kung anong meron sila.

Kung kaya’t magandang isabuhay natin ang salitang pagkukusang-loob na kahit


may sarili din tayong iniisip o dinaramdam yung tipong incomplete din tayo,

kailangan nating magkusang-loob na tumulong sa mga kapwa nating kailangan ang

ating presensya. Kumbaga huwag tayong mawalan ng oras o huwag magsasawang

tumulong sa ating kapwa kahit na hinahanap din natin ang kabuuan ng ating sarili.

Kagaya na lamang ng palala satin ni House master tuwing may nanaganap na

assembly hindi na naman masasayang ang ating konting lakas at oras sa

pagkukusang isarado ang pintuan sa hallway kung tayo man ay lalabas sa

kalagitnaan ng gabi diba? Sa madaling salita maghandog tayo, maghandog ng may

pagkukusang-loob.

PANGATLO- PAGKAPIT SA DIYOS

Gayunpaman sa ating pagkukusang-loob at paglilingkod masasabi na ba natin na

sapat ba ito upang mahanap natin ang kabauuan ng ating buhay?

Mga kapatid katulad nga ng sinasabi sa atin ng ebanghelio, sa talata labing apat

“Ang sino mang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling

mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko’y magiging batis sa loob niya, at

patuloy na bubukal at magbibigay sa kaniya ng buhay na walang hanggan.

Ipinapahiwatig sa atin ng talatang ito na si Hesus ang siyang natatanging kailangan

natin sa ating buhay, dahil siya ang nag-iisang bukal ng buhay. Ating pagtibayin
ang pagkapit natin kay Hesus, dahil sa panahon na ang ating sarili ay nasa kawalan

siya ang magpupuno nito.

Kung ating babalikan ang nasabi kong kanta kanina, na sinasabi doon “kulang ako

kung wala ka hindi ako mabubuo kung di’ kita kasama”at “Even though it seems I

have everything I don’t want to be a lonely fool all of the women, all of the

expensive cars, all the money don’t amount to you”

Napaka ganda ng ibig sabihin ng dalawang kantang ito KULANG AKO KUNG

WALA KA HINDI AKO MABUBUO KUNG DI KITA KASAMA, hindi

magiging buo ang ating buhay kung wala si Hesus, hindi tayo makakagawa ng

maayos at hindi rin tayo makakagawa ng tama sa ating mga tungkulin kung wala

sa ating puso’t isipan si Hesus.

Even though it seems I have everything I don’t want to be a lonely fool all of the

women, all of the expensive cars, all the money don’t amount to you, kahit nasa

atin na ang lahat ng bagay sa mundo makikita na ba natin ang tunay na kabuuan ng

ating buhay dito? Masaya man tayo sa kung anong bagay ang meron tayo, ngunit

ang lahat ng ito’y walang silbi sapagkat ang mga ito’y pansamantala lamang. Ang

totoong kailangan ng ating buhay ay si Hesus na siyang pumupuno sa ating buhay.

Siya ang tubig na patuloy na bubukal sa atin at magbibigay ng buhay na walang

hanggan. Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa kanya


bilang buhay na tubig. Ang balon ay hindi matutuyo, hindi siya mapapagod sa atin

at hinding-hindi tatalikuran. Nasakanya ang unending source of life.

Bilang hamon sa atin ngayong gabi mga kapatid nais ipabatid ng ebanghelio sa atin

na, ang tunay na kabuuan ng ating buhay ay hindi matatagpuan sa mga bagay na

pansamantala lang, kundi matatagpuan natin ito kay Hesus.

Mahahanap natin ang kabuuan ng ating buhay sa pamamagitan ng

PAGLILINGKOD, at PAGKUKUSANG-LOOB sa ating kapwa, ng may patuloy

na PAGKAPIT SA DIYOS, na siyang nagbibigay ng kabuuan ng ating buhay,

dahil Siya ang tubig na patuloy na bubukal sa atin at magbibigay ng buhay na

walang hanggan. + + +

You might also like