You are on page 1of 3

JESUS:THE TRUE VINE

(7 I AMS OF JESUS SERIES 6)

Sa Pagpapatuloy ng ating Series ng The 7 I ams of Jesus. Pag uusapan natin ngayon yung Jesus the True Vine. Si
Hesus,ang tunay na puno ng ubas.

Medyo napapanahon ngayon ang usaping ito,dahil panahon ng ubas. May seedless, may seeded, may fresh,
may panat din(pasas). Sa Israel, Normal na makakita ng Ubas,lalo nung panahon ni Jesus.Ito ang ginawa niyang
Illustration at nagbitaw siya ng napakagandang katotohanan.

Alalahanin natin na ang purpose ng pagkakasulat ng aklat ng Juan ay upang ipakita na si Jesus ang Messiah at
maniwala ang mga tao sa kanya.Ang setting ng usapang ito ay malapit ng hulihin si Jesus.

Juan 15:1-8 MB 1Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapagalaga. 2Pinuputol niya ang
bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga
upang lalong dumami ang bunga. 3Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. 4Manatili
kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa
puno. Gayon din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin. 5Ako ang puno ng
ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana;
sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. 6Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at
matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. 7Kung nananatili sa akin at
nananatili sa inyo ang mga salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo.
8Napararangalan ang Ama kung kayo'y namumunga nang sagana at sa gayo'y napatutunayang mga alagad ko
kayo.

Galing mismo sa bibig ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito. May mga katotohanan tayong pag uusapan
mula sa mga talatang ito at atin din titignan kung paano ba natin maisasabuhay ang mga katotohanang ito.

1. THE SOURCE OF FRUITFUL LIFE (ANG PINAGMUMULAN NG MABUNGANG BUHAY)


 Sino ang Source na tinutukoy dito?Walang Iba kundi ang Panginoong Jesus.Siya ang Source ng lahat.
 1Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapagalaga.
 4Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi
nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo
mananatili sa akin.
 Para maunawaan natin ang Konteksto nito. Ang Israel ang tinukoy na puno ng ubas sa Old
Testament.Ngunit sila ang puno ng ubas na hindi naging faithful at walang fruitfulness na nakita.
 Isaias 5:7 MB 7Ang ubasang ito'y ang bayang Israel at si Yahweh naman ang siyang nagtanim; ang mga
Judiong kanyang inaruga ang mga puno ng ubas. At kanyang hinintay na ito'y gumawa ng mabuti
ngunit naging mamamatay-tao, Inaasahang magpapairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang
ginawa.
 Dahil sa hindi naging fruitful ang bayang Israel bilang isang Puno ng Ubas. Isinugo ang Panginoong Jesus
bilang Tunay na Puno ng Ubas, hindi lamang para sa mga Israelita kundi sa lahat ng mananalig at
sasampalataya sa kanya.
 At Dahil ang Panginoong Jesus ang Tunay na Puno ng Ubas, Siya ang Source,pagmumulan ng ng isang
mabungang buhay.Ang sinumang naka konekta sa kanya ay dadaluyan ng isang mabungang buhay.
 Si Jesus ang Source ng lahat.Dapat sa kanya nakasalig ang ating pag asa at pananampalataya.
 Napaka inam na isipina na ang Panginoon ang ating Source. Kasi Siya yung Source na kailanman ay
hinding hindi mauubusan.
 Siya dapat ang Source ng buhay,kagalakan,kapayapaan,kasiyahan, kasigasigan.
 Bilang Application sa katotohanang ito, Ang sinumang na kay Jesus, ay mamumuhay ng mabungang
buhay dahil si Jesus ang Source niya sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras, sa lahat ng sitwasyon, sa lahat
ng pagkakataon.

2.THE SYSTEM OF FRUITFUL LIFE (ANG PAMAMARAAN NG MABUNGANG BUHAY)


 Ang tanging paraan para dumaloy ang mabungang buhay mula sa source(Ang Panginoon) ay dapat
Manatiling Konektado tayo sa kanya.
 5Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang
namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.
 Ano ang Sistema ng Diyos upang tayoy makapamunga?KAILANGAN TAYONG KONEKTADO AT
NANANATILI SA KNYA.
 MGA PANGANIB NG HINDI PANANATILI SA KANYA.
 A.)KAWALANG BUNGA (FRUITLESS)
 4Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi
nananatiling nakakabit sa puno.
 Walang kakayahang mamunga at magparami ng bunga ang Hindi nananatili.
 Ang halaga ng sanga ay nasa pamumunga niya.Kung ito ay hindi nagaganap, ito ay nawawalan ng
pakinabang.
 ANG TOTOONG KONEKTADO, NAMUMUNGA NG SAGANA.
 Hindi pipilitin ang sanga na mamunga.Kusa itong mamumunga,kapag konektado ito dahil dumadaloy
ang buhay mula sa ugat,tungo sa mga sanga.
 B.)KAWALANG KAPANGYARIHAN (POWERLESS)
 Sabi sa English v5 “ apart from me , you can do nothing”
 “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang
nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. (Juan 15:5
MBB05)
 Kapg Hindi tayo mananatili sa kanya ay wala tayong magagawa Denisenyo tayo na dapat laging naka
depende sa kanya.
 Powerless ibig sabihin parang celfon na lowbat.Kahit gaano ito ka ganda o ka high tech ang celfon Kung
walang power walang maitutulong ito.
 C.)KAWALANG PAKINABANG AT HALAGA (USELESS AND WORTHLESS)
 6Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay
titipunin at susunugin
 KAPAG HINDI KONETADO,TIYAK MATUTUYO.
 Ang sangang hindi konektado sa Puno ay natutuyo at itinatapo na lang kasi ito ay walang
pakinabang(kalat na lang) at ito ay nawawalan ng halaga.

3.THE STRIVE OF FRUITFUL LIFE (ANG HANGARIN NG MABUNGANG BUHAY)


 Ano nga ba dapat ang hangarin, goal ng isang fruitful life?Bakit tayo maghahangad na maging
mabunga? Basahin natin yung Verse.
 8Napararangalan ang Ama kung kayo'y namumunga nang sagana at sa gayo'y napatutunayang mga
alagad ko kayo.
 May 2 mahahalagang Hangarin ng mabungang buhay(Fruitful Life)
 A)NAPAPARANGALAN ANG AMA.
 Dahil sa ating pamumunga,ang Diyos Ama ay napaparangalan.Ang pangalan niya ay naitataas. Ito dapat
ang desire ng bawat mananampalataya. Ang parangalan ang Diyos Ama.
 B)NAPAPATUNAYANG TAYO AY MGA TAGA SUNOD NIYA.
 Isa sa mga magpapatunay na tayo nga ay mga alagad,taga sunod ni Cristo ay ating pamumunga. Kapag
konektado sa Knya,namumunga, at bunga ay magpapatunay na legit ang pagiging tagasunod niya kay
Jesus.

MAY MGA PANGAKO SA MGA TALATANG ITO KAPAG TAYO AY KONEKTADO SA KANYA.
THE PROMISE OF THE TRUE VINE (ANG PANGAKO NG TUNAY NA PUNO NG UBAS)

1.UNHINDERED PRAYERS (WALANG HADLANG NA PANALANGIN)


 7Kung nananatili sa akin at nananatili sa inyo ang mga salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at
ipagkakaloob sa inyo.
 Napakaganda ng Pangakong ito ng ating Panginoong Jesus, Ang Tunay na Puno ng Ubas.
 KAPAG KONEKTADO,KASAGUTAN AY SIGURADO.

2.UNENDING LOVE (WALANG KATAPUSANG PAG IBIG)


 Juan 15:9 MB 9Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa
aking pag-ibig.
 Mararanasan ng bawat konektado sa Tunay na Puno ng Ubas ang isang pag ibig na walang katapusan.
 KAPAG KONEKTADO, PAG IBIG NIYAY MARARANASAN MO.

3.UNCOMMON JOY (WALANG KATULAD NA KAGALAKAN)


 Juan 15:11 MB 11Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at
malubos ang inyong kagalakan.
 Walang katulad, walang kapantay, walang kapares na kagalakan ang ipinangako ng Tunay na Puno ng
Ubas, sa simunang mananatili sa kanya.
 KAPAG KONEKTADO, KAGALAKAN AY MAPUPUNO.

You might also like