You are on page 1of 2

INAUGURATION YEAR 2022

“Sa pangarap na maging mapayapa ang ating bansa! Ang pangarap niyo
ay pangarap ko! [cheers] Sa pangarap na maging maunlad ang ating
bansa! Ang pangarap niyo ay pangarap ko! [cheers] At sa pangarap na
maging mas masinang ang kinabukasan natin at ng ating mga anak, ang
pangarap niyo ay pangarap ko!”

- President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos

Bukod sa iba’t ibang kaalamang ating natuklasan sa likod ng pahayag na ito


nang bagong halal na Pangulo, nasaksihan at narinig din natin ang iba’t ibang
kasinungalingang kanyang sinambit sa nagdaang inagurasyon nya nitong
katapusan ng Hunyo. Sinasabi na ang ilan sa kanyang pahayag ay nagmula o
hango rin sa kanyang namayapang ama, ang dating diktador na si Ferdinand
E. Marcos Sr.

Maganda naman ang konsepto na ito sapagkat nababalik tanaw kung ano
ang lumabas sa bibig ng dating pangulo lalo pa at anak naman nya ang
mauupo ngayon, ang kaso ay hindi naman maganda ang alaala na iyon para
balikan pa. Naghirap at naghihirap parin ang Pilipinas ng dahil sa
pamamahala ng pamilyang Marcos sa ilang dekada na naupo ito sa palasyo.

Ilan sa mga kasinungalingan kanyang pinahayag ang iconic na Windmills sa


Ilocos na sya o sila ng kanyang pamilya ang nagtayo at gumawa non, kahit na
hindi naman, at kahit na sa isang search mo lang sa internet at makikita ang
impormasyon sa kung ano at sino ang nagtayo at namahala noon. Isa ang
malinaw sa pangyayari na ito. Simula noon pa naman ay marami na ang
nagsasabi o nakakakita ng hinaharap kung si Marcos nga ang muling mauupo
sa palasyo. Pinupuno na naman tayo ng maling imporamasyon na atin
namang nilulunok at pinaniniwalaan. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung
sino ang dapat sisihin kung bakit ganito parin ang Pilipinas. Noong araw na
idineklara na sya ang may pinakamaraming boto sa halalan, ay ani mong
tumigil ang oras ko, tumigil ang oras ng pag-asa. Ngayon ay nagmamasid na
lamang at nag-aabang sa kung ano pang pasakit ang mararanasan ng inang
bayan.

Maidagdag ko rin ang ilang bagay na napansin ko sa paligid ng ginanap na


inagurasyon. Ito ay isinagawa sa establisyimento ng National Museum sa
Maynila na isinara pansamantala nang ilang araw para nga paghandaan ang
nasabing pambansang okasyon. Bukod pa rito ay napansin ko rin ang
pagkanta sa Lupang Hinirang ni Ms. Toni Gonzaga, na akin namang
pinagnilay-nilayan at pinakinggang mabuti dahil nag-iba ang aking pananaw
sa pagkanta nito noong napanood ko ang pahayag at performance ni Mr.
Joey Ayala na talaga namang nagbigay hustisya sa kung paano ang tamang
pagkanta ng pambansang awit. Kung ikukumpara ito sa naawit o sa
komposisyon ni Gonzaga eh may ilang di tugma at hindi kagandahang
pakinggan o mali ang ilang pagbigkas sa mga ito. Para sa akin kung may
gantong kalaking pagtitipon at naatasan ka na kantahin ang Lupang Hinirang
isa itong karangalan at habang buhay na pagkakataon kung saan marami ang
makakakita at makakarinig, kung kaya’t dapat paghandaan na hindi lamang
enensayo kundi isinapuso at isinaalam ang tamang proseso sa pag-awit nito,
hindi yung parang isinisigaw mo lang sa hangin. Marapat na kakitaan ito ng
pagmamahal at paggalang, na kahit kinanta lang ay mararamdaman at
tatagos sa puso ng bawat isa.

Nawa’y sa mga nabanggit nyang pasilip na adhikain at layunin nya para sa


bansa ay matupad. Nawa’y panindigan nya na ang pangarap nya ay
pangarap natin. Sa kabutihan ay nainiwala ako na sana’y iba sya sa kanyang
ama, ngunit parang nakakapagduda parin lalo pa at paano nyang magiging
pangarap ang pangarap ng iilan, kung mismong ang nasa laylayan ay di nya
kayang pakisalamuhaan. Paano nyang magiging pangarap ang pangarap ko,
kung sya ay nasa marangyang kama at ako ay di makatulog sa init ng aking
hinihigaan. Paanong magiging isa ang pangarap nya sa atin kung malayong
malayo naman sya para abutin. Pagpalain nawa ng Diyos ang Pilipinas…

You might also like