You are on page 1of 2

Sana Po…

Sa isang estasyon ng radio, nagbabalita si Ronnie Sebastian, isang anawnser. Pakinggan


natin siya:

Magandang umaga po, Bayan!

Naiiba po ang unang tatalakayin natin sa umagang ito. Sa halip na mga pangunahing balitang laman
ng mga pahayagan sa araw na ito ang pag-uusapan natin ngayon, ako po’y babasa ng isang liham
mula sa isang kabataang may labing-isang taong gulang. Lubos na nakatawag ng aking pansin ang
liham na ito, kaya naipasiya kong ibahagi ito sa inyo bago ang lahat.

Narito po ang kaniyang liham:

Mahal na G. Ronnie Sebastian,

Ako po si Mercedes Santos, Grade 5, labing-isang taong gulang. Proyekto po namin sa


paaralan ang sulat na ito. Si Titser lang po sana ang babasa nito pero naisip ko pong ipadala na rin
sa inyo. Gusto ko po kasing basahin niyo ito sa inyong programa sa radyo para mapakinggan ng mga
nakikinig.Sayang naman po kung hindi ito malalaman ng maraming taong puwede kong bahagian ng
aking iniisip, hindi po ba? Kasi po, gusto ko sana’y talagang mangyari ang mga sasabihin ko ngayon.

Unang-una, sana naman po’y hindi magulo sa ating bayan. Kasi po, pagnanonood ako ng
balita sa telebisyon kasama ng aking tatay, bakit po kaya bihira akong makarinig ng magandang
balita? Nakawan, awayan, patayan, iba-ibang gulo! May labanan pa sa ibang lugar ng Pilipinas, gaya
ng Mindanao! Bakit po ba ang gulo-gulo yata sa ating bansa?Bakit po nag-aaway ang ibang Pilipino e
pare-pareho naman tayong mga Pilipino? Sana naman po’y maging payapa na sa ating buong bansa.

Ang pinakagrabe pa, sabi nga ng tatay ko, sobra daw ang korupsiyon sa gobyerno. May mga
opisyal daw na korap. Ninanakaw daw nila ang pera ng bayan. Marami raw mahihirap sa Pilipinas
kasi ang perang dapat mapunta sa dapat puntahan, ay napupunta sa bulsa ng mga korap na opisyal
ng gobyerno. Napapag-usapan din po namin ang ganitong pangyayari sa klase kapag kami’y nag-
uusap tungkol sa current events. Grabe naman po talaga iyon, di ba? Sana naman po, maisip din ng
mga opisyal na iyon ang kabutihan ng maraming Pilipino.

Gusto ko rin pong banggitin ang tungkol sa problema ng baha. Narinig ko po kasi ang kuwento
noong isang batang tulad ko. Namatau raw ang kaniyang kuyya sa baha dahil sa pagliligtas nito sa
isang bata. Alam ko po ang nangyari sa Tacloban at sa iba pang lugar sa Kabisayaan at Mindanao.
Gayundin po dito sa Metro Manila, lalo na sa Marikina. Grabe din po ang mga nagyari sa mga lugar
na iyon, di po ba? Sabi nga ng titser ko, nasa 20 bagyo o higit pa ang dumarating sa Pilipinas taon-
taon. E di babaha ng babaha sa maraming lugar! Kawawa naman ang mga Pilipino, lalo na ang mga
mahihirap.

Sana naman po, masolusyonan na ng pamahalaan ang mga trahedya sa baha. Sana
makagawa na ng paraan para mabawasan ang mga pangit na nangyayari dahil sa bagyo at
napakalakas na ulan.

Pero sana rin, maisip ng mga tao na kailangan din silang tumulong para hindi na mangyari ang
mga trahedya. Sana matuto na silang na silang magtapon ng basura sa tamang lugar. Sana wala
nang magpuputol ng mga puno sa kabundukan para may sisipsip sa malakas na ulan sa mga gubat.
Isa pa po. Alam n’yo po, di naman po kami mahirap pero hindi rin kami mayaman. Pero may
nakikita po akong mga squatter’s area. Marami rin po akong nakikitang mga batang kalye kaya alam
kong maraming mahihirap sa ating bayan. Tiyak, hindi maibibigay ng kanilang tatay at nana yang
marami nilang kailangan. At dahil laging nasa kalye, hindi sila nakakapag-aral!

May napanood din po ako sa telebisyon minsan, may mga batang kailangan pang tumawid sa
ilog bago marating ang kanilang paaralan. At halos limang kilometro raw, o mas malayo pa, ang
distansiya ng kanilang bahay sa paaralan. Kaya naman pagtag-ulan, hindi sila makapasok. Pero dahil
gusting-gusto nilang mag-aral, nagtitiyaga sila. Gusto nilang mgakaroon ng mabuting edukasyon.
Gusto nilang gumanda ang kanilang buhay.

Sana naman, magkaroon na mas malawak na scholarship program ang gobyerno para sa mga
batang mahihirap. Pati na sana ang ibang organisasyon, ano po ba ‘yon… NGOs? Pati na sana ang
mayayamang tao. Sana rin magtayo pa ng mas malapit na paaralan sa malalayong lugar ang DepEd.
Mas marami pa sanang paaralan ang magkaroon ng feeding program. Kawawa naman po talaga ang
mahihirap, di po ba?

Alam n’yo po, G. Sebastian, kahit po bata pa ako, marami na po akong naiisip para sa ating
bayan. Lagi po kasi akong nanonood ng telebisyon at nagbabasa ng diyaryo. Lagi rin kaming nag-
uusap ni Tatay tungkol sa mga balita.

Paborito ko pong subject ang Araling Panlipunan kaya sabi nga ni Nanay, “Aba, may social
consciousness na ang anak ko, a!” Alam kong natutuwa sila sa akin kasi alam ko, mahal na mahal
nila ang Pilipinas. Nasa Amerika nang lahat ang kanilang mga kapatid pero sabi nga ni Tatay, “Kung
pupunta rin tayo sa Amerika, sino pa sa ating pamilya ang magmamalasakit at magmamahal sa ating
bansa?”

A, anak po kasi ako nina Tatay at Nanay kaya siyempre, mana ako sa kanila!

Sige po, salamat po sa pagbasa ninyo sa aking mahabang sulat. Sana nga po’y mababasa o
maririnig din ito ng marami.

Gumagalang,

Mercedes Santos

Narinig n’yo bang mabuti ang sinabi ni Mercedes Santos sa kaniyang liham? Tandaan ninyo,
nasa Grade 5 lamang siya pero kung mag-isip para sa bayan, talo pa ang ibang matatanda, hindi ba?

Mercedes, ipinagmamalaki kita. Saludo ako sa iyo! Tiyak, tuwang-tuwa nga ang mga
magulang mo sa iyong talino at malasakit sa bayan. Bihira na ang mga kabataang tulad mo. At kung
marami kang “sana”, ako rin, may napakahalagang “sana.”

Sana…. Dumami pa ang batang Pilipino na tulad mo.

At ngayon, narito po ang mga balita sa umagang ito.

You might also like