You are on page 1of 9

1

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

ARLENE S. GAYADOS
FILIPINO 8
Module 2

Filipino 8
Modyul 2

QUALITY life begins with QUALITY education


2

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

Mga Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naisasalaysay ang kaligirang kasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon;
b. nakikilala ang ilan sa mga tanyag na manunulat ng tulang Tagalog;
c. napaghahambing at naipapaliwanag ang mga naging paksa ng tula sa bawat panahon; at
d. nasusuri ang tula batay sa elemento nito.

TULA
- isang paglalarawan na likha ng guni-guni na ipinararating sa mambabasa sa pamamagitan ng
ng masining na pananalita
- akdang nagpapahayag ng masidhing damdamin sa pamamagitan ng matatayog na kaisipan at
larawang diwa na nakapaloob sa mga saknong, ganun din ang mga salitang patalinhaga

 Layunin: upang pukawin ang damdamin ng isang nakikinig o bumabasa upang maihatid sa
tulong ng mayamang guni-guni ang mensahe hinggil sa buhay at mga bagay-bagay

I. Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula


A. Panahon ng mga Katutubo
 may konsepto na ng sining ng panulaan
 ang bugtong, salawikain at bulong ay patula kung bigkasin
 ang bugtong ng ating mga ninuno - ang kauna-unahang katutubong tula (Lope K. Santos)

B. Panahon ng mga Espanyol


 Sinimulang suriin ang mga likhang panitikan ng mga sinaunang Pilipino
 Nagbagong bihis ang panulaan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat sa alpabetong
Romano
 Ang pagsimula ng pagsulat ng tula sa alpabetong Romano

 Padre Francisco de San Jose


- “Ama ng Topograpiya
- siya ang nagsulat ng unang aklat na nailimbag sa paraang tipograpiko
 Alonzo de Santa Ana
- May akda ng Explicacionde la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala,
nagtataglay ng tugmaang paliwanag ukol sa mga aral ng Diyos na nilalaman ng aklat ng
Doctrina Cristiana
 Pero de Herrera
- Nakilala siya dahil sa kanyang dalit
 Tomas Pinpin
- “Ama ng Limbagan sa Pilipinas”
- “Como con dios”
 Pedro Suarez Osorio
- Pinapalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang
Tagalog
QUALITY life begins with QUALITY education
3

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

 Filipe de Jesus
- Taga San Miguel, Bulacan
- May akda ng tulang “Ibong Camunti sa Pugad”
- Nakilala siya sa pagsusulat ng dalit na pinamagatang Dalit na Pamucao sa Taung Babasa
Nitong Libro
- Ang kanyang tula ay kakiikitaan ng mga talinhaga

C. Panahon ng Propaganda
 Isinilang ang mga ilustrado o middle class, ang mga Pilipinong nakapag-aral sa mga
unibersidad at kolehiyo sa loob at labas ng bansa
 Pinuna ng mga ilustrado ang kabuktutang nagaganap sa lipunan
 Naging malaking impluwensiya para sa iba pang mga Pilipino ang tulang isinulat na
tumutuligsa sa Espanyol
Halimbawa:
 “Sa Kabataang Pilipino” ni Rizal – nanghikayat para manindigan at makibahagi sa mga
usapin ukol sa bayan
 “Dasalan at Tocsohan” ni Graciano Lopez Jaena – nagpamulat sa mga Pilipino ukol sa mga
maling gawain ng mga taong simbahan
 “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio – pumukaw sa damdaming makabayan ng
mga Pilipino

D. Panahon ng Amerikano
 Binigyang laya na ang pagpapahayag ng saloobin, damdamin, kurokuro at pananaw sa ano
mang paksa sa pagsulat ng tula
 Umusbong ang tula ukol sa pagmamahal sa bayan, pagkamit ng kalayaan, at maging sa
karansan ng mga tao sa lipunan
 Naging paksain ng tula ang nasyonalismo, pagkamakabayan at karanasan

Halimbawa:
“Kabayanihan”
ni Lope K. Santos
Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya,minsang kusang loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani't iba ang kakain
datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay....


pinapupuhunan mo at inaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinan

QUALITY life begins with QUALITY education


4

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

ay makatubos ka ng aliping bayan

Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo'y naging mulat ang mulala,
tapang mo'y sa duwag naging halimbawa't
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao'y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo:
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

E. Panahon ng Hapones
 tinaguriang “Pamumulaklak ng Panitikang Tagalog”
 higit na namalasak ang tulang nasulat sa Tagalog sapagkat pinagbawal ng mga Hapon ang
Ingles
 ang mga palimbagan na naglalabas ng Ingles ay isinara
 ang mga tulang Ingles ay isinalin sa tulang Tagalog
 naging paksain ng panulaan ang kagandahan ng buhay sa nayon, pagmamahal sa bayan,
pagmamahalan ng pamilya, at pagmamahalan sa kapuwa
 namalasak din ang tulang haiku bunso sa impluwensiya ng bagong mananakop

F. Panahon ng Paglaya sa mga Mananakop


 Ang mga paksain ng tula ay ukol sa paglaya at kalayaan
 Nahati sa dalawang pangkat ng makata ang manunulat ng tula
1. Makaluma o konserbatibo
- hindi bumibitaw sa paraan ng pagtulang hinango sa Balagtasismo
- Lope K. Santos, Jose Villa Panganiban, Ildefonzo Santos, Rufino Alejandro, Iñigo Ed
Regalado at Teoddoro Agoncillo
2. Makabago
- unti-unti humulagpos sa tradisyunal na paraan ng pagtula
- ilan sa mga manunulat sa panahong ito ay sumubok na sumulat sa malayang taludturan
at nagtagumpay naman sila sapagkat kakikitaan pa rin ng kasiningan at kakintalan ang
kanilang obra
- Jose Corazon de Jesus, Cirio H. Panganiban, Alejanro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo
at iba pa

G. Panahong Kasalukuyan
 Umusbong ang napakaraming manunulat ng tula
 Kalimitang paksain ng tula ang mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan, pangangalaga sa
kalikasan, edukasyon, at kung ano-ano pang nangyayari sa buhaya ng tao
 Nakilala ang mga modernistang manunulat na kiling sa kaisipan, diwa at kariktan ng tula
 Namalasak ang tulang walang sukat at tugma ngunit hitik sa talinhaga at kaisipang matimyas

QUALITY life begins with QUALITY education


5

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

 Nakilala sina Virgilio Almario, Roberto Anonuevo, Patricio Villafuerte, Rogelio Mangahas at iba
pang mambeberso
 Nag-usbungan na rin ang mga nagsusulat ng tula at inaawit sa anyong rap, dito nakilala si
Francis Magalona
II. Elemento ng Tula
1. Sukat
 bilang ng mga pantig sa bawat taludtud ng saknong
*Sesura – saglit na tigil sa pagbasa ng tula

Hal.
Kung tatanawin mo sa malayong pook, (12)
Ako’y tila isang nakadipang kurus; (12)
Sa napakatagal na pagkakaluhod, (12)
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. (12)
- “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

2. Tugma
- ang pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod
- ang panghuling pantig ay maaaring nagtatapos sa paying o katinig
a. tugmang Ganap – pare-pareho ang tunog at titik ng huling salita as bawat taludtod
hal.:
Walang utang na di magbayad na buo
Akong nagmasaya ngayo’y iang bungo.
Huwag mong salangin sa bahayagyang bungo
Sa puso’y nanatak ang saganang dugo.
- “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus
b. Tugmang Di ganap – pare-pareho ang tunog bagaman magkakaiba ang huling titik
ng bawat taludtod
hal.:
Taong kakawati ang Mayo pagdatal
Balot ng bulaklak ang aking katawan,
Saka sa pagpasok ng pagtatag-ulan
Ang mga sanga ko’y lanta’t namamatay.
- “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus
3. Talinghaga
- ang natatagong kahulugan ng tula
- tinatawag itong tayutay sa panulaan
hal.
 Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan
 Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya
 Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala

4. Larawang – diwa (Imagery)

QUALITY life begins with QUALITY education


6

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

- Mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng


mambabasa
Hal.
Ganito ang pagkain ng paksiw na ayungin:
Bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan at ang natirang tinik)
At ilapat sa labi ang ulo at sipsipin
Ang mga matang dilat;
Pagkatapos ay mismong
Ang ulo ang sipsip
Hanggang sa maubos ang katas nito.
- “Paksiw na Ayungin” ni Pete Lacaba

5. Simbolismo
- Mga salita na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa
Hal.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Pangalan: ______________________________ Petsa: ____________

Antas at Seksiyon: _______________________ Iskor: ____________

Mga Gawain

QUALITY life begins with QUALITY education


7

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

I. Paghambingin ang mga paksang namalasak sa kasaysayan ng pagsulat ng tula.

Tula sa panahon ng: Pagsusuri sa tema


1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

Konklusyon:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

II. Basahin at unawain ang tula. Gawin ang nakasaad sa bawat panuto.

Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan


Usman Awang (malayang isinalin ni A.B. Julian)

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,


Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na pumapailanlang.

Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan 


Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala 


Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula 
Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan

Ngunit ikaw na palamara 


Tulad ng alabok,humayo ka't mawala 
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda 
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa
QUALITY life begins with QUALITY education
8

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

A. Talasalitaan
Isulat ang kahulugan ng bawat salita.
1. Agam-agam - _______________________________
2. Pumapailanlang - ____________________________
3. Panariwain - ________________________________
4. Pamukadkarin - _____________________________
5. Pumipintig - ________________________________
6. Palama - ___________________________________
7. Bantayog - _________________________________
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang tulang binasa?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ano ang sinisimbolo ng kalapati?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Ano raw ang gagawin ng kalapati sa pagllibot nito sa mundo?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Masasabi mo bang payapa o tahimik ang mundo natin sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Sino kaya ang itinuturing na taksil sa tula?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
6. Nakaranas ka na bang pagtataksilan? Ano ang naging epekto sa iyo?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
C. Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa elemento ng tula.
1. Pumili ng ilang talutod na magpapatunay ng pagkakaroon ng aliw-iw o indayog ng binasang
tula.
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Magtala ng tatlo matatalinhagang pahayag na nakapaloob sa tula. Ibigay ang kahulugan at
ipaliwanag.
a. ___________________________
QUALITY life begins with QUALITY education
9

BATAAN MONTESSORI SCHOOL, INC.

BMSI
Maluya Cor., A. Banzon Street, Central, Balanga City, Bataan

_______________________________________________________________________
b. ___________________________
_______________________________________________________________________
c. ___________________________
_______________________________________________________________________

3. Ibigay ang kahulugan ng taludtud na:

Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda


Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa

_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita ang kariktan ng tula?
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Magbigay ng reaksiyon sa pagbibigay ng depinidyon kung ano ang kapayapaan.
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

D. Pagsulat ng sanaysay
Sumulat ng 1 o 2 talata tungkol sa kapayapaan. Gumamit ng panibagong bond paper
at ilakip dito.
Mga gabay na tanong:
1. Paano magkaroon ng kapayapaan ang isang bayan?
2. Ano-ano ang mga epekto ng kapayapaan sa isang bayan?

QUALITY life begins with QUALITY education

You might also like