You are on page 1of 3

PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSYO NG

PAGKAKAISA
Isang pagpapabaya ang isipan na ang mga Tonio at Aling Cora na lamang ang dapat magpatakbo
ng lipunan, na iasa na lamang sa kanilang mga kamay ang kasalukuyan at kinabukasan nating
lahat dahil sa pagtitiwalang sila ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Ang proyekto ng
pinuno ay hindi proyektong para sa kanilang sarili. Ito ay proyekto para sa kaniyang
pinamumunuan.
Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan
Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangla sa pananagutan ang pananagutan ng
pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Kasama nito ang pananagutan
ng mga kasapi ang lipunan (kanilang papel, kung hindi sila) na maging mabuting kasapi sa
lipunan. Ang pang-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno gawa ito ng pagaambag ng
mga talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.
Ang Pananagutan ng mga Pinuno
Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa hulit huli ay ang mayorya
naman ang masusunod. Sasabihin niya, hindi rin naman mahalagang magsalita pa, nag-iisa
lamang ako. Ang masusunod naman ay ang marami.

LIPUNANG POLITIKAL, PRINSIPIYO NG SUBSIDIARITY AT


PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
Isa sa mga pinakamasayang bahagi ng buhay ay ang paghahanap ng mga matalik na kaibigan sa
Junior High School. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging kaibigan mo na, tuloytuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming karanasan, mga kabiruan at
kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang
kasamang pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay.

ANG PAMAYANAN AY ISANG MALAKING BARKADA


Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang kanilang
pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan nga pamamaraan
ng pagpapasiya, at mga hangarin ng kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit
ang mga ito sa mga awit, sining at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay ang mga tradisyong
ito sa mga hamon sa kinabukasan. Babalikan nila ang nakaraang nakaukit sa kanilang kulturang
upang makita ang mga landas a mainam na tahakin sa kinabukasan.

LIPUNANG POLITIKAL
Habang lumalaki ang mga pangkat, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin
ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensyahan. Kung ang magkakabarkada ay
nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa sa
isang lipunan, nagngangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasiya at
pagpapatakbo. Hindi ang madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at
tuparin ang makabubuti sa nakrarami ang pagpapatakbo ng lipunan.

ISANG KALOOB NG TIWALA


Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan ang pamahalaan
bilang nasa itaas ng mga tao. Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala
ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa
pamumuno at pangangasiwa.

LIPUNANG SIBIL
PAKI LANG may natatandaan ka bang pagkakataon na kailangan mong sabihin ito sa isang
taong kalapit mo. Ganito rin isung toka mong maglaba pero deadling ang araw na iyon para sa
isang proyekto mo sa paaralan. Alam mong magagawa mo naman, kaya lang may dahilan kung
bakit kailangan mong ipagawa sa iba at kailangan mong sabihing, PAKI LANG.
Kung alam mo kung ano-anu ang kaya mong gawin, alam mo rin kung ano-anu ang hindi.
Maaring marunong kang magsaing, halimbawa, pero marunong ka bang magsaka at mag-ani ng
isasaing mo. Wala ka mang kilalang magsasaka, gusto mong patuloy silang magsaka upang may
kaisaing ka, at masasabi mo rin sa kanila, PAKI LANG at marami ka pang kailangang ipagawa
sa iba upang mabuhay, mga pangngailangang hindi mo magagawa nang mag-isa.
Kailangan mong pasalamatan ang napakaraming tao at kailangan mo ring sabihin sa kanila,
PAKI LANG sasabihin mo halimbawa sa karpintero PAKIAYOS LANG PO ANG BUBONG
NAMIN, o sa tubero PAKIAYOS LANG PO ANG BANYO NAMIN. May mga batas
tungkol sa pagkain, sa tubog, sa lupa, sa pag-aaral, sa paghahanap-buhay, sa lahat halos ng
bahagi ng ating mga sarili tungo sa samsamang pagtawag sa isat isa ang tinatatawag nating
lipunang sibil.
Noong 1994, halimbawa, inorganisa ng simbahang katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-Tawi
at Sulu ang Consultation on Peace and Justice , noong Setyembre 2013, idinaos ng paz ang
Forum on Rehabilitation and Reconciliation nang sumunod na buwan.

You might also like