You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

EsP Grade 9 – 1st Quarter

GAWAIN Blg. 8

Paksa: Lipunang Pang-ekonomiya


Pamantayan sa Nakikilala ang katangian ng isang mabuting ekonomiya
Pagkatuto: EsP9PL-Ie-3.1
Layunin: Naipapaliwanag ang dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao.
Sanggunian: DepEd EsP 9 LM, pp. 42-43

Ang tao ay masasabi nating pantay-pantay dahil lahat tayo ay likha ng Diyos, dahil
tao tayo. Sa kabilang panig, masasabi nating hindi pantay-pantay ang mga tao dahil may mga
taong mayayaman at mahihirap.
Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging
isang sino.
Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng
bayan. Tugma ito sa tinatawag ni Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Hindi man pantay-pantay ang mga tao,
may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.

Pagsasanay:
1. Bakit hindi naging pantay-pantay ang mga tao sa kabila ng katotohanan na tayo ay
likha ng Diyos?
2. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang magiging pantay-pantay ang mga tao sa
kabila ng kanilang magkaibang lakas at kahinaan?
3. Ano ang dapat basihan ng pagbabahagi ng yaman sa lipunan?

You might also like