You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

EsP Grade 9 – 1st Quarter

GAWAIN Blg. 7

Paksa: Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan


Pamantayan sa Napapatunayan na kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga
Pagkatuto: pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na
sap ag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kanyang pag-unald sa
pag-unlad ng lipunan.
EsP9PL-Id-2.3
Layunin: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pakikibahagi ng bawat tao sa pag-
unlad ng lipunan.
Sanggunian: DepEd EsP 9 LM, pp. 30-31

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng
talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. Kailangang magsalita kahit
isang mumunting tinig lamang ang sa iyo dahil hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan.
Sa kabila ng dunong ng pinuno at ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na
opinyonisinisilang ang pinakamahusay na karunungan.
Sa Lipunang Pampolitikal, ang ideal ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang
mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang
kabutihang panlahat at ang pag-unlad ng bawat isa.
"Boss" ng bayan ang pinuno— magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil
may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.
"Boss" naman ng pinuno ang taumbayan— walang gagawin ang pinuno kundi ingatan,
payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan.
Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

Pagsasanay:
1. Sino- sino “boss” sa isang lipunan?
2. Bakit mahalaga kahit na ang maliit na tinig?
3. Bakit mahalaga ang pakikibahagi ng bawat tao sa lipunan?

You might also like