You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

EsP Grade 9 – 1st Quarter

GAWAIN Blg. 1

Paksa: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


Pamantayan sa Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
Pagkatuto: EsP9PL- Ia-1.1
Layunin: 1. Nabibigyang kahulugan ang salitang lipunan.
2. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng lipunan na kinabibilangan.
Sanggunian: EsP 9 Modyul 1, pp. 6-9

Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang-ugat na “lipon” na nangangahulugang

pangkat.

Itinuturing ang lipunan bilang isang pangkat ng tao na nag-uugnayan at pinagbubuklod

ng mga layunin tutugon sa kanilang pangangailangan.

Halimbawa:

1. Ang pangkat ng mga mamamahayag na mayroong iisang tunguhin o layuning maghatid

ng mga bagong balitang nagaganap sa bansa at maging sa daigdig.

2. Ang pangkat ng mga guro na may iisang layuning magbigay ng kaalaman/edukasyon sa

mga mag-aaral.

Ngunit hindi lamang basta pinagsama-sama ang mga tao. Nabubuklod din sila ng mga

batas at patakaran na kanilang ginawa, tinanggap at sinusunod para sa kagalingan at

kabutihan ng lahat.

Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na The Person and the Common

Good (1966), hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang

dahilan:

1. Ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas para

sa kanya ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.

2. Ito ay dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.

Pagsasanay:
1. Ano ang kahulugan ng lipunan?
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?
3. Anong lipunan ang iyong kinabibilangan? Ano ang inyong nagkakaisang layunin?

You might also like