You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

EsP Grade 9 – 1st Quarter

GAWAIN Blg. 3

Paksa: Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


Pamantayan sa Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang
Pagkatuto:
panlahat
sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan
EsP9PL- Ia-1.2
Layunin: Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ukol sa mga hadlang sa paggamit
ng kabutihang panlahat.
Sangggunian: EsP 9 Modyul 1, pp. 12-13

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit
tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
Ang mahalaga sa kaniya ay ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang
panlahat na nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang
siya subalit walang ambag o pakinabang na nanggagaling sa kaniya. Ang nakababahala
dito ay kapag dumami ang taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang
kabutihang panlahat na nakasalalay sa suportang manggagaling sa kanila.
2. Ang indibidwalismo, ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Ito ay ang
pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang
ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang
kaniyang personal na buhay at pansariling interes para sa kapakanan ng kabutihang
panlahat.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya
kaysa sa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa
ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, upang
kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tangggapin ng
negosyante ang mababang tubo o kita mula sa mga produkto.

Pagsasanay:
Magbigay ng isang sariling halimbawa basi sa inyong pagkakaintindi sa mga naibigay
na hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

You might also like