Professional Documents
Culture Documents
Department of Education: Homeroom Guidance V Quarter 1 Week 5
Department of Education: Homeroom Guidance V Quarter 1 Week 5
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
KATAASAN ELEMENTARY SCHOOL
DINALUPIHAN, BATAAN
HOMEROOM GUIDANCE V
QUARTER 1 WEEK 5
Date: October 15, 2021
MODYUL 5
Tandaan:
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang Karapatan. Ikaw, ako, tayo ay tinatamasa ang mga
karapatang ito. Subalit, ang bawat Karapatan ay may responsibilidad o may pananagutang kaakibat.
Hindi sapat na alam mo lang ang iyong mga karapatan. Ang Karapatan rin ng iba. Kaya’t nararapat na
isaalang-alang natin ang karapatan ng iba. Kung gaano natin ipinaglalaban ang ating mga karapatan ay
gayon rin ipinaglalaban ng iba ang kanilang mga karapatan kaya’t huwag nating ialis sa ating mga isipan
na ang iba ay karapatan din na dapat isaalang-alang.
Kahit ikaw ay isang bata ay karapatan ka pa ring dapat mong tinatamasa katulad ng:
Maisilang at magkaroon ng pangalan
Magkaroon ng nasyonalidad
Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon
Mabigyang proteksyon laban sa pang-aabuso at karahasan
Matuto ka ding igalang ang mga karapatan ng iba sapagkat kung paano mo ito pinahahalagahan
ay gayon din naman sila.
I.Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung nagpapakita ng iyong Karapatan at tasulok ( ) naman kung hindi.
_______1. Karapatan na magkaroon ng pangalan.
II. Paano mo maaaring isabuhay ang kasabihang. “ Igalang mo ang iyong sarili at igagalang ka ng iba.”
Magbigay ng halimbawa ng karanasan nito sa iyong buhay.
Parent Signature
____________________________