You are on page 1of 2

COVID Taxi sa Dubai, laking

tulong sa gitna ng pandemya


Rachel Salinel | TFC News UAE
Posted at Jan 31 2022 07:43 PM

DUBAI - Sa muling pagtaas ng mga kasong nagpositibo sa COVID-19 sa United Arab Emirates dala
ng Omricon variant, isang espesyal na taxi na kilala bilang COVID Taxi sa Dubai ang namamasada
para isakay ang mga may COVID-19, nakarecover na, o may close contact sa taong nagpositibo sa
virus anumang variant nito.

Sa unang tingin, mukhang normal taxi na may regular taxi rate ito na Dhs 12.00 o PhP 167.47 at may
flag down fee na Dhs 5.00 or PhP 69.78.

Ang pinagkaiba nito, selyado ng plastic ang pagitan ng driver’s area sa harap at pasenger’s side.
Tanging may maliit na butas lang ito para daanan ng bayad ng pasahero sa gitna ng harang na plastic.
Kapansin-pansin din ang mga driver na nakasuot ng Personal Protective Equipment o PPE, may face
mask at may malaking hand sanitizer sa console ng sasakyan.

May disinfectant solution din na ginagamit pang spray ng driver sa upuan at pinto ng taxi matapos
bumaba ang pasahero.

Pahayag ng Indianong driver nasi Peter Thomas, “kampante siyang protektado naman siya at ilan pa
niyang kasamahang nagmamaneho ng COVID Taxi.”

Aniya dahil ito sa suot at gamit na protective gears maging ang pagiging bakunado na nila ng
dalawang beses ng Sputnik vaccine para hindi mahawa.

Nagmalaki rin siyang nagsabi na mula nang inilunsad ang COVID Taxi ay hindi pa siya nahawa
kahit na may pito hanggang walong pasaherong may COVID kada araw ang isinasakay niya.

Tuwa at pampalakas ng loob ang hatid ng COVID Taxi sa mga pasaherong may COVID.

“Masaya ako at di makukunsensiyang baka ma infect ko ang driver sa pagdala sa akin sa hospital.
Walang usap-usap diretso lang sa emergency room entrance,” ayon kay Mario Sta Ana.

Ang Dubai Road Transport’s Authority (RTA) ay nagtalaga ng 40 na sasakyan para ekslusibong
magsakay ng pasyenteng may COVID, nakarecover na sa virus o may close contact sa taong
nagpositibo sa virus anumang variant nito.

Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan ng RTA sa Dubai Health Authority noong Abril 2020
pa. Ayon sa RTA, ito ay ang kanilang hakbang para suportahan ang “first line of defense against
coronavirus pandemic.”

Kaugnay nito isang hotline ang itinalaga ng RTA para matawagan ang Dubai Supreme Committee of
Crisis and Disaster Management para malikas sa mga quarantine facilities ang mga naging positibo.

Ang COVID Taxi ay maari matawagan para magpa-book sa numerong 04-2080190.


Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC
News sa TV Patrol.

You might also like