You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL
Puerto Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan
Banghay Aralin sa MAPEH (Health)
sa Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan
I.LAYUNIN:
1. Masabi ang mga karaniwang maling kaisipan sa pagdadalaga at pagbibinata at;
2. Mailarawan ang epekto sa kalusugan ng mga karaniwang maling kaisipan

II.PAKSANG ARALIN:
Mga Maling Kaisipan sa Pagdadalga at Pagbibinata H5GD-Icd-3,H5GD-Icd-4

III.SANGGUNIAN:
Learner’s Module (SLM), Learner’s Activity Sheet (LAS)
IV. KAGAMITAN:
Powerpoint Presentation, Video Lesson, Larawan ng mga Babae at Lalake

V.PAMAMARAAN:
A. BALIK-ARAL:
Magtanong sa mga bata tungkol sa kanilang konsepto sa nakaraang modyul sa mga pagbabago sa
pagdadalaga at pagbibinata;
1.Ang paglapad g balikat ng isang lalaki ay nagpapakita ng pagbabagong PISIKAL.
2.Madaling mairita ang isang binate o dalaga dahil na rin sa pagbabagong EMOSYONAL na nagaganap sa
kanila.
3. Nagsisismulang bumuo ng grupo ng kaibigan o barkada at posibleng makaranas ng Peer Pressure ang
isang dalaga o binata, ito ay maituturing na pagbabagong SOSYAL.
B. PAGGANYAK:
SUBUKIN:Ganyakin ang mga bata sa isang mabilis na pagsusulit na may kinalamn sa kanilang aralin
upang magkaroon sila ng ideya sa kanilang gagawin.

C. PAGLALAHAD:
PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL
Pto Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan
Telephone No.: (047) 791-5302
Email: puertorivases.balanga@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL
Puerto Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan

Itanong sa mga bata ang naoobserbahan nila sa


larawan.Pagkatapos nito ipaliwnag sa kanila ang mga
nararansan ng isang dalaga at binata

itanong sa mga bata ang:


1. Anu-ano ang mga paniniwalang ipinamulat sa kanila ng kanilang mga magulang?
2. Nagawa ba nila ang lahat ng ito?
3. anu-ano ang mga maling kaisipan tungkol sa pagdadalga at pagbibinata? at ang mga katotohanan
ukol dito?

D.PAGLALAGOM:
May mga iba’t ibang tradisyunal na paniniwalang pangkalusugan sa pagdadalaga at pagbibinata
ngunit dapat malaman ang katotohanan sa mga pangyayaring ito upang magawa natin ang tama.

E.PAGLALAPAT:
Ipaliwanag ang mga maling paniniwala at siyentikong paliwanag tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata.

F. PAGTATAYA:
Sagutin ang Maikling Pagsusulit.
Panuto: Isulat ang S kung nagsasaad ng pagsang-ayon ang pangungusap at DS kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno
1. Ang nakararanas ng “wetdreams” ay senyales na may malubhang sakit.
2. Ipinagbabawal ang maligo kung may regla dahil nagiging sanhi ng pagiging pasmado.
3. Hindi maaring mag-ehersisyo o gumawa ng mabibigat na gawain.

4. Hindi dapat ipanghilamos ang unang regla sa mukha.


5. Ang maasim na pagkain ay nagpaparumi sa ating dugo lalo na kung may regla.
6. Ang taghiyawat ay dulot ng pagiging madumi sa katawan.
7. Ang mga lalaki ay hindi tatangkad kung hindi sila magpapatuli
8. Ugaliin ang pagiging malinis sa ating katawan
PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL
9. Ang mgaPto
pagkain ay dapat laging kainin nang may katamtaman
Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan
Telephone No.: (047) 791-5302
Email: puertorivases.balanga@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL
Puerto Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan
10. Ang regla ay maduming dugo.
TANDAAN:
 Maraming paniniwala ang mga Pilipino tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata.
 Maraming sa paniniwalang Pilipino tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata ay walang katotohanan at
hindi batay sa siyentipiko at medikal na paliwanag.
 Nararapat na sundin ang mga tamang gawi sa panahong ng pagdadalaga at pagbibinata upang
maging malusog at malinis ang ating pangangatawan.

VI.KARAGDAGAN GAWAIN:
Pagbibigay gabay sa mga bata sa pagsagot sa kanilang module upang masagot pa ang ibang gawain.

Inihanda ni:

KRISTINE JOY M. SADO

PUERTO RIVAS ELEMENTARY SCHOOL


Pto Rivas Ibaba, Balanga City, Bataan
Telephone No.: (047) 791-5302
Email: puertorivases.balanga@deped.gov.ph

You might also like