You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.4

Pamagat/ Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule


Paksa:
Kasanayang Nahihinuha na: Ang birtud ng katarungan (justice) at
Pampagkatuto: pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa EsP8P-IIb-5.3
Layunin:
Naipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa paksa
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 120 - 125

Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng


makabuluhan at mabuting pakikipagkapawa. Sa buong mundo, kinikilala
ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa (Golden Rule).
Marami sa mga relihiyon sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan
ng mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa-“Huwag mong gawin sa
kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”,”Mahalin mo ang kapwa mo gaya
ng pagmamahal mo sa iyong sarili”; Makitungo sa paraang gusto mo ring
pakitunguhan ka”. Naipakita rin sa Parabula ng Mabuting Samaritano
kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa ating
kapwa: ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa
pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal.
Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity)
ay kailangan ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.

Pagnilayan:
1. Dapat bang sundin ang Golden rule? Bakit?
2. Ano kaya ang mangyayari kung walang paggalang at pagmamahal
ang mga tao? Patunayan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.5

Pamagat/Paksa: Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa


Kapwa
Kasanayang Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa panganga-
Pampagkatuto: ngailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal EsP8P-IIb-5.4
Layunin: Naisa-isa ang mga prinsipyo na makapagpapaunlad ng
ugnayan sa kapwa
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 124 – 129,
Edukasyon sa Pagpapahalaga II pahina 54 - 55

Isaalang-alang ang sumusunod na prinsipyo sa pagpapaunlad ng


pakikipag-ugnayan sa kapwa.
1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa.
*Pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap
*Pagpapakita ng empathy at pagmamalasakit at pagiging
maalalahanin
2. Pagpapahayag ng mga damdamin.
3. Pagtanggap sa kapwa.
4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidence).

Pagsasanay:

1. Isa-isahin ang mga prinsipyong makapagpapaunlad ng pakikipag-


ugnayan sa kapwa.
2. Bakit isaalang –alang natin ang mga prinsipyong ito?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.6

Pamagat/Paksa: Ang Paglilingkod


Kasanayang Nahihinuha na:Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa
Pampagkatuto: paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng
pagmamahal EsP8P-IIb-5.3
Layunin:
Naipapakita ang halimbawa ng paglilingkod sa kapwa
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 121

Maraming naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at kalamidad.


Nagpakita kaba ng pagmamalasakit at pagmamahal? Nagbigay kaba ng
donasyon o nagboluntaryong naglingkod sa mga nangangailangan ng
tulong.
Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang
ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at
nahahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal.

Pagsasanay:
1. Ano ang ibang tawag ng panglilingkod?
2. Nakagawa ka na ba nito? Kailan ito nangyari
Pangkatan:
3. Isadula ang halimbawa ng paglilingkod sa loob ng 5 minuto.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.7.1

Pamagat/Paksa: Pamamahala ng Pangunahing Emosyon


Kasanayang Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya ng
Pampagkatuto: wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing
emosyonEsP8P-IIe-7.1
Layunin:
Nakilala ang mga kinahinatnan nang wastong pamamahala ng
emosyon
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 166 - 194

Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi


maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasya sa
sitwasyong may krisis, suliranin, o pagkalito. Ngunit hindi lahat ay sapat
ang kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang emosyon.
Kapag hindi napamahalaan nang maayos ang emosyon nagbubunga
ng mga reaksiyong hindi maganda sa sarili at sa pakikipagkapwa.
Ayon kay Seeburger, F. (1997,ph.30), ang literasiya sa kaniyang
pandamdamin ay tumutukoy sa dalawang bagay. Una, kakayahang alamin
at unawain ang mga sariling emosyon; at pangalawa, matukoy at
maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na
kinakaharap.

Pagsasanay:
1. Ano ang magiging epekto kapag di napamamahalaan ng wasto ang
emosyon?
2. Ayon kay Seeburger ano ang dapat gawin ng tao upang
mapamahalaan nang wasto ang kaniyang emosyon?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.7.3

Pamagat/Paksa: Emosyon
Kasanayang Napangangatwiranan na: a. Ang pamamahala ng emosyon
Pampagkatuto: sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. B.
Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay
nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi,
matinding kalungkutan, takot at galit.EsP8P-IIe-7.3
Layunin: Napatutunayan na mahalagang taglayin ang birtud ng
pamamahala ng emosyon upang malabanan ang hamon sa
buhay
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 166 - 194

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at


pakikipag-ugnayan na nagbibigay-sigla at kahulugan dito.Mula sa
karanasang ito ay napukaw ang iba’t ibang emosyon at damdamin. Sa
pilosopiya ni Scheler (Dy 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang
larangan ng pag-iral ng tao. Ang aspektong emosyonal ng tao,katulad ng
pagdamdam, paggusto, pagmamahal,at pagkapoot ay hindi nababatay sa
katwiran o anupaman. Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may
kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga.
Kailangan ang katatagan ng loob upang malampasan ang hirap at
takot na naramdaman.
Pagsasanay:
1. Ano ang pinakamahalagang larangan sa isang tao?Patunayan.
2. Ano ang kailangan ng tao upang malampasan ang hirap at takot na
naramdaman?Bakit?

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.8.1

Pamagat/Paksa: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod


Kasanayang Natutukoy ang hahalagahan ng pagiging mapanagutang lider
Pampagkatuto: lider at tagasunod EsP8P-IIg-8.1
Layunin:
Naipapahayag kung bakit mahalaga an glider at tagasunod
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 209 -226

Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Kailangan


din naman ng isang pangkat an glider na magbibigay ng direksiyon. Hindi
rin naman puwede na lahat ng miyembro ng pangkat ay lider. Minsan,
mayroon nan gang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at
nagkaroon ng suliranin sa pakikipag-ugnayan ang pangkat.
Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may
kapayapaan at pagkakaisa ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba’t
ibang aspekto ng iyong pagkatao tungo sa iyong pagiging ganap.
Makapaglilingkod ka at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa kung
malilinang mo ang iyong kakayahan na pampanan ang iyong tungkulin
bayat sa hinhingi ng sitwasyon,maaaring bilang lider o maaaring
tagasunod.Kung ikaw ay magiging mapanagutang lider at tagasunod, ano
ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan?

Pagsasanay:
1. Sino sa inyo naging tagasunod? O lider?
2. Gaano ba kahalaga ang lider? At ang tagasunod? Patunayan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.8.3

Pamagat/Paksa: Mga Katangian ng Mapanagutang Lider


Kasanayang Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin
Pampagkatuto: bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaun-
lad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ignayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan EsP8P-IIh-8.3
Layunin: Naipapahayag ang nabuong kaisipan tungkol sa mapana-
gutang lider at tagasunod
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 210 - 226

May kakayahan ang lider na makakita at makakilala ng suliranin at


lutasin ito. Nangunguna siya, lalo na kapag may mga sitwasyong kailangan
ng dagliang aksiyon o emergency at gagawin ang mga bagay na dapat
gawin, madalas ay sa tulong ng iba. Nangangailangan ng tibay at lakas ng
loo bang pagiging lider lalo na sa paggawa ng mga pagpapasiya para sa
ikabubuti ng pangkat na kaniyang kinabibilangan. Dahil ditto nagiging
instrument siya tungo sa pagbabago. Isang bagay na may magagawa ka
bilang kabataan. Dahil ikaw ay may kalakasan ng pangangatwiranan at
pag-iisip, ang maging isang mapanagutang lider ay hindi imposible.
Pagsasanay:
1. Ano-ano ang katangian ng mapanagutang lider?
2. Para sa iyo ano ang gusto mong maging katangian ng isang lider?
Bakit?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.8.4

Pamagat/Paksa: Lider at Tagasunod


Kasanayang Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang
Pampagkatuto: kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod
EsP8P-IIh-8.4
Layunin:
Naipapakita ang halimbawang kilos ng isang lider at
tagasunod
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 195 - 226

“Madaling maging tagasunod kaysa maging lider.”

Pagsasanay:

1. Ibigay ang iyong reaksiyon o kuru-kuro tungkol dito.

Pangkatan:
2. Isasabuhay ang Gawain ng tunay na lider at tagasunod.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.8.1

Pamagat/Paksa: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod


Kasanayang Natutukoy ang hahalagahan ng pagiging mapanagutang lider
Pampagkatuto: lider at tagasunod EsP8P-IIg-8.1
Layunin:
Naipapahayag kung bakit mahalaga an glider at tagasunod
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 209 -226

Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Kailangan


din naman ng isang pangkat an glider na magbibigay ng direksiyon. Hindi
rin naman puwede na lahat ng miyembro ng pangkat ay lider. Minsan,
mayroon nan gang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at
nagkaroon ng suliranin sa pakikipag-ugnayan ang pangkat.
Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may
kapayapaan at pagkakaisa ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba’t
ibang aspekto ng iyong pagkatao tungo sa iyong pagiging ganap.
Makapaglilingkod ka at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa kung
malilinang mo ang iyong kakayahan na pampanan ang iyong tungkulin
bayat sa hinhingi ng sitwasyon,maaaring bilang lider o maaaring
tagasunod.Kung ikaw ay magiging mapanagutang lider at tagasunod, ano
ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan?

Pagsasanay:
3. Sino sa inyo naging tagasunod? O lider?
4. Gaano ba kahalaga ang lider? At ang tagasunod? Patunayan.

You might also like