You are on page 1of 23

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

EDUKASYON SA GRADE

PAGPAPAKATAO 9

QUARTER I
LEARNING
MODULE WEEK 1

0
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
MODYUL SA
EDUKASYONG SA
PAGPAPAKATAO 9
KWARTER 1
LINGGO 1
ARAW 1-2

Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
Development Team

Writer: JOEY HERBERT P. AYSON PINA SOLIVEN CORPUZ

ANABEL ALBANO BLANES EVA L. QUELNAT ANNA MAY C. LIMOS

Editor: JOEY HERBERT P. AYSON

Reviewers:

Illustrator:

Lay - out Artist:

Management Team: VILMA D. EDA JOYE D. MADALIPAY /DOMINGO L. LAUD


LOURDES B. ARUCAN JUANITO S. LABAO
JO EULIE MAE T. DOMINGO

1
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
LAYUNIN NG LIPUNAN:
KABUTIHANG PANLAHAT

Most Essential Learning Competency:

 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.


 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan.
Mga Layunin:

1. Natutukoy ang tunay na layunin ng lipunan.


2. Naipapaliwanag ang katangian ng bawat elemento ng
kabutihang panlahat.
3. Napahahalagahan ang kaugnayan ng tao sa pagbuo ng
lipunan at sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

2
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Aralin
Layuning Ng Lipunan:
1 Kabutihang Panlahat

ALAMIN

Maraming nagaganap sa ating paligid na wala tayong paliwanag at


pakiaalam. Hindi natin napapahalagahan kung ano ang silbi ng lipunan
natin sa paghubog nang ating pagkatao. Tayo ang bumubuo sa lipunan at
ang lipunan ang humuhubog sa bawat indibidwal. Kaya, nararapat
lamang na dapat nating pagtuunan ng pansin kung ano ang magagawa
natin upang mapaunlad ang ating ginagalawang lipunan at makamit ang
iisang mithiin para sa kabutihang panlahat.

Sa pamamagitan ng modyul na ito matutuhan mo na


pahalagahan at unawain ang tungkulin ng bawat sektor ng lipunan at
kung paano natin matitiyak at mapananatili ang kaayusan at kapayapaan
gamit ang layuning ng lipunan ang kabutihang panlahat. Lahat ng mga
gawain ay ilalagay sa Kwarderno (activity notebook) samantalang ang
lahat ng output ay ilalagay naman sa A4 Bond Paper.

SUBUKIN
Panimulang Pagsusulit
Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

3
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo
de manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo
ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang
lipunan at hinubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang
pagsilang ay nariyan na ang pamilya na nag-aaruga sa
kanyang; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo ditto; binubuo
ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa
lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga
sa tao at dahil matatagpuan ang mga tao sa lahat ng bahagi
nito; binubuo ng lipuann ang tao dahil sa lipunan makakamit
ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.

2. Ang sumsusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag ng
sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o
layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabukod-tangi ng mga kabilang ditto.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang
interes, mithiin, at pagpapahalaga samantalang sa komunidad,

4
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong
kasapi nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan
na kamtin ang mithiing ng mga kasapi nito samantalang sa
komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit
ng kanilang mga mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon
sa ating kapuwa
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ay nagnanais na
makapag-isa
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.

5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

6. Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa


iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong
bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle
B. St. Thomas Aquinas
C. John F. Kennedy
D. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. Kapayapaan
B. Kabutihang panlahat

5
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
C. Katiwasayan
D. Kasaganaan

8. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga
kasapi nito

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng


bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa
layuning itinalaga ng lipunan
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang
bawat isang indibidwal
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na


manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang
paggalang sa mga Karapatan ng tao
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon
sa Likas na Batas
C. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal
D. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang
kabutihang panlahat.

6
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
BALIKAN
Gawain 1: Tukuyin mo Ako!
Napakahalaga ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao.
Dito tayo nahuhubog at nalilinang. Ang mga sumusunod ay mga
bumubuo sa isang lipunan. Tukuyin ang mga ito at isulat ang kasagutan
sa kahon ng ibaba ng larawan. Pagkatapos sagutin ang mga gabay na
katanungan:

https://pia.gov.ph/news/articles/1033928
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.innh
s.edu.ph

https://riderako.wordpress.com/2013/06/28/laoag-
city-the-sparkling-gem-of-ilocandia/
This Photo by Unknown Author is
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Filipino_family.JPG http://cliffanlyca.blogspot.com/2013/

7
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
https://en.wikipedia.org/wiki/Laoag https://www.bomboradyo.com/laoag/laoag/grasmh/

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ano ang mga nakikita sa larawan?


2. Magbigay ng kaunting paglalarawan sa bawat larawan.
3. Mayroon bang kaugnayan ang bawat larawan?
4. Ano ang kanilang pagkakaugnay?

TUKLASIN
Ang tao ay nilikhang sumasalipunan dahil siya ay isang
panlipunang nilalang. Ang buhay ng tao ay panlipunang. Ito ang mga
katagang nagpapaliwanag kahalagahan ng tao sa lipunan at kahalagahan
ng tao sa lipunan upang makamit ang iisang layunin. Ang ating pagiging
kasama-ng-kapuwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na
kaganapan sa ating pagkatao. At makakamit lamang ito kung makikilahok
at makikipamuhay ka sa kapuwa. Ngayon ating tukuyin kung ano ba ang
kahulugan ng lipunan at kaugnayan nito sa komunidad.

8
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pag-aralan ang mga datos.

Lipunan Komunidad
Ang salitang lipunan ay nagmula Galing sa Latin na communis na
sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang common o
nangangahulugang pangkat. nagkakapareho.
Ang mga tao ay may Ang isang komunidad ay binubuo
kinabibilangang pangkat na iisa ng mga indibidwal na
ang tunguhin o layunin. Ang nagkakapareho ng mga interes,
lipunan o pangkat ng mga ugali, o pagpapahalagang bahagi
indibidwal ay patungo sa iisang ng isang partikular na lugar.
layunin o tunguhin.
Kolektibo ang pagtingin sa bawat Mas nabibigyang-halaga ang
kasapi nito ngunit hindi binubura natatanging katangian ng mga
ang indibidwalidad ng mga kasapi. kasapi o kabahagi.
Ang mga tao ay binibigyan ng Tinatawag ding pamayanan na
katangian o deskripsiyon sa mga tumutukoy sa isang lugar lamang
huwaran ng mga pagkakaugnay kung saan naninirahan ang isang
ng bawat isa na binabahagi ang grupo o pangkat ng mga tao
naiibangkultura at/o mga mamayan.
institusyon.

Gawain 2: Unawain Ako!


1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

a. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at


pagkakaugnay ng lipunan at komunidad?
b. Ilarawan ang kaugnayan ng lipunan sa komunidad.

2. Matapos sagutan ang mga katanungan, magbigay ng sariling


paglalarawa sa mga sumusunod na parirala/phrases.

9
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
_______________________________
______________________________________
______________________________________
“Walang sinumang tao ang ______________________________________
maaring mabuhay para sa ______________________________________
kaniyang sarili lamang” ______________________________________
https://diggingdaily.wordpress.com/2018/11/20/helping-others-helps-
you/

_______________________________
Binubuo ang tao ng ______________________________________
______________________________________
lipunan. Binubuo ng ______________________________________
lipunan ang tao ______________________________________
______________________________________
http://i.stack.imgur.com/U5ljJ.png

Sa pamamagitan lamang ng _______________________________


lipunan makakamit ng tao ang ______________________________________
______________________________________
layunin ng kaniyang pagkalikha
______________________________________
______________________________________
______________________________________

www.bing.com

10
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
SURIIN
Basahin at unawain ang teksto at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Kabutihang Panlahat

Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng


komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi
nito. Ito ay hamon sa lahat ng indibidwal na kasapi sa lipunan ang
pagkamit ng kabutihang panlahat. Ano nga ba ang kabutihang panlahat?
Ito ay kabutihan para sa bawat indibidwal na kasapi sa lipunan. Ito ay
isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Mahalagang
maunawaan mong ang tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan
lamang ng indibidwal o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng mga
taong bumubuo nito. Ayon naman kay John Rawls, ang kabutihang
panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para
sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang
mabilis na proseso at hindi agarang makikita ang katuparan. Kaya
sinasabing may kaugnayan ang tao at ang kabutihang panlahat dahil ang
kabutihang panlahat ay tinatanggap ng bawat indibidwal na sumasalamin
sa kabuuan.

Kaya tungkulin ng lipunan mapanatili at matiyak ang kaayusan sa


pamamagitan ng pagtaguyod ng kabutihang panlahat. Napakaraming
paraan upang mapanatili o magawa ang kabutihang panlahat nasa sa iyo
na lamang kung ito ay iyong gagawin. Narito ang mga bagay na dapat
isaalang-alang sa pagtaguyod ng kabutihang panlahat. Basahin at
unawaing mabuti.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao.

11
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa
kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kilalanin at
pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t
ibang karapatang kailangang igalang at dapat matamasa ng lahat ng tao
sa lipunan.

2. Ang Tawag ng Katarungan o Kapakanang Panlipunan ng Pangkat

Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang


tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito
halimbawa sa (a) mga pampublikong Sistema ng pangangalaga sa
kalusugan; (b) epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; (c)
kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo; (d)
makatarungang sistemang legal at pampolitika; (e) malinis na kapaligiran
at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.

3. Ang Kapayapaan

Ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,


kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan. Ang kapayapaan ay indikasyon
ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng
makatarungang kaayusan.

Tayahin Ang Iyong Pag-unawa:

1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?


2. Paano makatutulong ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng
Pagkatao?
3. Sa kasalukuyang kalagaya ng ating bansa, magiging madali ba o
mahirap ang pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Pangatwiran
5. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay
na layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa.

12
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
PAGYAMANIN
Gawain 3: Ito ang Komunidad Ko!
Base sa mga natutunan sa mga aktibidad na isinagawa ninyo, palawakin
ang kaisipan sa mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ay
nagpapakita ng kabutihang panlahat. Sagutin ng OO o HINDI. Lagyan ng
tsek sa napiling sagot.

Situational Analysis

Mga Katanungan Oo Hindi


1. Hindi naniniwala si Peter na may magagawa siya sa pagsugpo sa
pagkalat ng covid-19 na sumasalanta sa ating lipunan.
2. Si Anna bilang isang mag-aaral ay tuwirang sumusunod sa mga
alintuntuning ipinapatupad ng gobyerno upang maiwasan ang
pagkalat ng covid-19.
3. Kinuha ni Sam ang pera ni Juan na walang paalam upang ipagbili
ng gamot ng kanyang nanay na may sakit.
4. Nagsusuot ng face mask at nagsasanitize si Jared bago lumabas
ng bahay sa panahon ng pandemiya.
5. Nakikibahagi ang mga kabataan sa barangay sa proyektong
Oplan Dalus.
6. Si Paul ay labing limang taong gulang at laging lumalabas at
namamasyal sa mga kaibigan ngayong panahon ng pandemiya.
7. Nagiipon si Jasmin ng pera para sa kanyang pag-aaral.
8. Laging umiiwas si Mark sa mga gawaing bahay lalo na kung wala
ang kanyang mga magulang sa kanilang tahanan.
9. Nanalo ang grupo ni Steven sa Mobile Legends at ang kanilang
premyo ay kanilang ibinahagi sa mga nangangailangan.
10. Mahilig si Hannah kumain ng gulay at prutas.
11. Laging nagbibigay ng opinyon/nakikialam si Joshua sa mga
nagaganap at balita sa ating bansa.
12. Tumutulong si Precious isang SK volunteer sa pagrerepake ng
mga relief goods para sa mga apektado ng pandemiya dulot ng
covd-19 virus.
13. Nag-aral ng todo si Angelo upang makakuha ng mataas na grado
sa kanyang asignaturang ESP.

13
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
14. Dahil sa community quarantine nakaisip si Ronimar ng
pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga tinahi
niyang mga face mask.
15. Bilang isang barangay tanod walang humpay ang
pagbabantay/pagroronda ni Mang Antoy sa kanilang barangay
gabi-gabi upang maiwasan ang paglabag sa curfew sa panahon
ng pandemiya.

Matapos masagutan ang situational analysis, iguhit o ilarawan sa


ibaba ang Ideal Community ninyo at magbigay ng maikling
pagpapaliwanag sa ibaba.

My Ideal Community

ISAISIP
Gawain 4: Ipagpatuloy Mo!

Mahalagang maunawaan ng bawat indibdwal na mayroong


pagkakataon na magbahagi ng kaniyang magagawa sa pagkamit ng
kabutihang panlahat. Hindi limitado ang magagawa kung ikaw ay isang

14
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
estudyante palang o bata pa. Maraming paraan upang matiyak ang
kaayusan at kapayapaan ng lahat. Buuin sa ibaba ang mga
mahahalagang dapat isaisip ng bawat tao sa pagtataguyod ng kabutihang
panlahat para sa lipunang ginagalawan natin.

Mahalagang matukoy
ang tunay na layunin ng
lipunang kinabibilangan Sa pamamagitan ng
upang ______________ kaalaman sa kabutihang
____________________
____________________ panlahat natutulongan
____________________ natin ________________
_________.
______________________
______________________
_____________________.

Mga Elemento ng Kabutihang


Panlahat

1. ___________________________________.

2. ___________________________________.

3. ___________________________________.

15
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
ISAGAWA
Gawain 5: Info Drive - Labanan ang Covid-19

Gumawa ng isang information drive na nagbibigay kamalayan sa


mga tao sa inyong komunidad tungkol sa pandemiyang umiiral sa atin
ang Covid-19. Pwede ilahad ito sa pamamagitan ng flyers o infographics
depende sa kasanayan.

Gabay sa Paggawa:

1. Bumuo ng flyers o infographic.


2. Ang nilalaman ay tungkol sa mga paraan ng pag-iwas ng
Covid-19.
a. Safety Measures
b. Healthy Lifestyle sa panahon ng pandemiya
3. Tiyaking tama at komprehensibo ang mga dokumentong
ilalagay.
4. Maaring magsaliksik sa mga impormasyong ilalagay.
5. Maaring i-post sa mga social networking site ang resulta ng
proyekto o ibahagi sa kapuwa kabataan at sa komunidad.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG FLYERS O INFOGRAPHIC


OUTPUT 4 3 2 1 KABUOAN
Nakumpleto ang mga datos na hinihingi
sa paggawa ng proyekto.
Nagamit ang modals para sa paglalahad
ng magkaka-ugnay na impormasyon batay
sa paksang nailahad.
Naipakita ang mga paraan para maiwasan
ang pagkalat (safety measures) ng COVID
sa loob ng tahanan.

16
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Nailahad ang iba’t ibang paraan ng
pagtulong sa kapwa ngayong may
pandemic sa bansa.
Ang kabuoang impact ng
flyers/infographics ay kaaya-aya sa lahat
ng uri ng tao. (disenyo, kulay, font style,
font size)
Ang kabuoang nilalaman ng
flyers/infographics ay makakatulong sa
lahat ng tao hindi lamang sa lugar na
kinabibilangan kung hindi sa buong
bansa.
Ang mga larawan at nilalaman ay
magkakaugnay-ugnay.
KABUOAN

TAYAHIN
PANGHULING PAGSUSULIT
Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga
kasapi nito

2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. Kapayapaan
B. Kabutihang Panlahat
C. Katiwasayan
D. Kasaganaan

17
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
3. Binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao
ito ay ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo
de manila University. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang
lipunan at hinubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang
pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kanya;
binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat
ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo ditto; binubuo
ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa
lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga
sa tao at dahil matatagpuan ang mga tao sa lahat ng bahagi
nito; binubuo ng lipuann ang tao dahil sa lipunan makakamit
ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.

4. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa


A. Katiwasayan
B. Kapayapaan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Kapakanang panlipunan ng lahat

5. Ang sumsusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng
sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.

18
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
6. Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
Ang mga katagang ito ay winika ni:
E. Aristotle
F. St. Thomas Aquinas
G. John F. Kennedy
H. Bill Clinton

7. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o
layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabukod-tangi ng mga kabilang dito.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang
interes, mithiin, at pagpapahalaga samantalang sa komunidad,
ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong
kasapi nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan
na kamtin ang mithiing ng mga kasapi nito samantalang sa
komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit
ng kanilang mga mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

8. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon
sa ating kapuwa
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ay nagnanais na
makpag-isa
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:

19
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa
layuning itinalaga ng lipunan
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang
bawat isang indibidwal
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa


lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang
paggalang sa mga Karapatan ng tao
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon
sa Likas na Batas
C. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal
D. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang
kabutihang panlahat.

20
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
SANGUNIANG
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ( Modyul para sa Mag-aaral )

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ( Patnubay ng Guro )

https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-1

Larawan: Lipunang pang-ekonomiya by Dynaria Abella


https://prezi.com/gcwzkfufueh_/lipunang/

21
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education- Schools Division of Laoag City

Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900

Contact Number: (077)-771-3678

Email Address: laoag.city@deped.gov.ph

22
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 9

You might also like