You are on page 1of 10

COLLEGIO DE MONTALBAN

Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

Detailed Lesson Plan In Teaching Arts In Elementary Grade 4

Name of Teacher Lea Joy C. Pillos Section: BEED GEN. 3E


Learning Areas ARTS Time: 7:00 – 8:30 PM
Grade Level 4 Date: February 5, 2022

I. Objective

At the end of the lesson, 80% of the pupils should be able to:

A. Content Standard.
Demonstrates understanding of lines, color, shapes, space and proportion through drawing.
Performance Standard.
Sketches and paints a landscape or mural using shapes and colors.
B. Learning Competency.
LO-1. Discusses pictures of localities where different cultural communities live where each group
has distinct houses and practices. A4EL-ILA

II. Subject Matter

A. Topic: Pagpipinta ng Tanawin sa Kumunidad o Landscape Painting

B. References: K to 12 Curriculum Guide in Art.

1. Teacher’s Guide Pages: Teacher’s Guide pp. 179 -181

2. Learner’s Material: Pivot Leaners Material MAPEH ARTS 4 SECOND QUARTER.

C. Materials: Lapis, Bondpaper, Watercolor, Basahan, at Water Container.

D. Values Integration: Appreciation & Creativity

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Maaring magsitayo ang lahat para sa Ama namin…


panalangin.
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

2. Pagbati

Magandang umaga. Magandang umaga rin po.

3. Pagsasaayos ng silid.

Bago magsiupo ang lahat, paki-ayos (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang upuan)
muna ang inyong mga upuan.

4. Pagtala ng lumiban.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayon? Wala po.

Magaling.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

(Pagpapakita ng mga larawan na halimbawa


ng landscape painting.)

Ngayon ay magpapakita ako ng mga larawan. Opo


Suriin itong mabuti dahil meron
akong nakahandang katanungan. Maliwanag
ba?
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

2. Paglalahad

Anong uri ng biswal na sining ang nasa


larawan? Pagpipinta po.

Tama.

At ano naman ang nakikita nyo dito?


Kabukiran, kagubatan at kapatagan.
Mahusay.

Alam nyo ba ang tawag sa ganitong uri ng


pagpinta? Hindi po.

Ito ay tinatawag na Landscape Painting.

May ideya ba kayo kung bakit ito tinawag na


landscape painting base sa nakikita nyo sa Siguro po tinawag itong landscape painting dahil
larawan? ito ay patungkol sa kabukiran, kagubatan, at
tanawin sa kapatagan.
Mahusay.

Landscape painting ang tawag natin sa


pagpipinta kung saan ang paksa ay patungkol
sa kabukiran, kabundukan, at tanawin sa
kapatagan.

3. Pagtatalakay

Ngayon ay dadako na tayo sa ating


panibagong aralin. Yunit II, pagpipinta ng
tanawin sa komunidad o landscape painting.

Batay sa pinakita kong larawan kanina, ano-


ano ang mga elemento ng sining ang inyong Linya, hugis, at kulay po.
nakikita?
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

Tama.

Alam nyo ban a maliban sa linya, hugis at


kulay, ay may isa pang elemento ng sining na Hindi po.
nakakatulong upang mas maging
makabuluhan at kaaya-aya an gating
landscape painting? Alam nyo ba kung ano
ito?

Ibigay ang letrang E!


E!
Ibigay ang letrang S!
S!
Ibigay ang letrang P!
P!
Ibigay ang letrang A!
A!
Ibigay ang letrang S!
S!
Ibigay ang letrang Y!
Y!
Ibigay ang letrang O!
O!
Ano nga ulit yun?
ESPASYO!
Magaling.

Maaring pakibasa ang ibig sabihin ng


espasyo? Ang espasyo ay ang distansya o agwat sa pagitan
ng bawat bagay sa isang likhang sining. Mahalaga
ito para sa pagpipinta.
Sa isang likhang sining, mayroong
foreground, middleground, at background.
Kung may tamang espasyo, naipapakita ng
mabuti ang mga nabanggit na bahagi.

Ano nga ulit ang tatlong bahagi ng espasyo na


nabanggit? Foreground, Middleground, at background po.

Tama.

Unahin muna natin ang Foreground.


COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

Ang foreground ay ang pinakamalapit sa


tumitingin.

Sa unang larawan na meron tayo, ano sa Ang mga bulaklak po.


tingin nyo ang pinakamalapit sa tumitingin?

Tama. Ito ay ang mga bulaklak.

Sa ikalawang larawan naman, ano ang Mga bangka po.


pinakamalapit sa tumitingin?

Tama. Ito ay ang mga bangka.

At ang mga bangka at mga bulaklak ay ang Opo.


tinatawag nating foreground dahil ito ay
pinakamalapit sa tumitingin malawanag ba?

Mahusay.

Sumunod ay ang middleground.

Ang middleground ay ang kasunod ng


foreground. Mas maliit ito kaysa sa object ng
foreground.
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

Tignan ang mga larawan.

Sa unang larawan, ano sa tingin nyo ang


middleground? Ang mga puno po.

Tama.

Sa pangalawang larawan naman, ano sa


tingin nyo ang middleground? Ang puno padin po.

Mahusay!

Ang mga puno sa parehong larawan ay ang


tinatawag nating middleground dahil mas
maliit ito kaysa sa object ng foreground.

At ang panghuling bahagi naman ay ang


background.

Ang background ay ang likurang bahagi ng


larawan at ito ang pinakamalayo sa
tumitingin.
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

Sa dalawang larawan na meron tayo, ano sa


tingin nyo ang background? Ang mga kalangitan po.

Bakit?
Dahil ito po ang mas malayo sa tumitingin.
Mahusay!

Narito ang isang larawan na binubuo ng


foreground, middleground, at background.

Naunawaan naba ang ating tinalakay?


Opo.
Magaling mga bata.
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

4. Paglalapat

Ngayon ay nais kong subukan ninyo ito. Kayo


ngayon ay magpipinta.

Kagamitan: lapis, bondpaper, watercolor,


basahan, at water container.

Mga hakbang sa paggawa:

1. Umisip ng tanawin na iguguhit.

2. Unahing iguhit ang mga bagay na


pinakamalaki o nasa harapan (Foreground).

3. Isunod naman ang mga bahaging gitna


(Middleground).

4. Huling iguhit ang tanawing likod


(Background).

5. Gamit ang watercolor, kulayan ito at


patuyuin.

Bibigyan ko lamang kayo ng dalawampung


minuto para tapusin ang gawain maliwanag Opo.
ba?

Simulan na ang gawain.

5. Paglalahat

Ano nga ulit ang tinalakay natin ngayong


araw ? Tinalakay po natin ang tungkol sa landscape
painting.
Mahusay.

Bukod sa linya, hugis at kulay, ano ang isa


pang elemento na makakatulong upang Espasyo po.
maging mas makabuluhan ang ating
ginawang pagpipinta?

Mahusay.
COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

May makapagsasabi ba sa inyo kung ano ang


ibig sabihin ng espasyo kung inyong Ang espasyo ay ang distansya o agwat sa pagitan
natatandaan? ng bawat bagay sa isang likhang sining. Mahalaga
ito para sa pagpipinta.
Magaling.

Ang espasyo ay may tatlong bahagi, ano nga


ulit ang mga yun? Foreground, Middleground at Background.

Tama.

Pagwawakas:

Mga bata, sa tingin nyo mahalaga ba ang


pagpipinta? Opo.

Bakit?
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
magkaiba).
Bilang isang mag-aaral, paano nakakatulong
sainyo ang pagpipinta? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
magkaiba).
Mahusay mga bata.

Mayroon paba kayong mga katanungan?


Wala po.

T6

IV. Pagtataya.

Rubrik sa pagmamarka:

Paglalagay ng tsek sa kahon batay sa antas na naisagawa ng mga mag-aaral sa kanilang likhang-sining.

Mga pamantayan Napakahusay! Mahusay! Paghusayin pa!

(10) (6) (2)


COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal

1. Kalinisan at Lubusang napakalinis Naging malinis at Hindi naging malinis at


Kaayusan. at maayos ang likhang maayos ang likhang maayos ang likhang
sining. sining. sining.

2. Kaangkupan sa Lubusang Angkop ang ilang Hindi angkop ang


paksa. napakaangkop ang bahagi ng likhang likhang sining.
likhang sining. sining.

3. Pagkamalikhain Lubhang nagpamalas Naging malikhain sa Hindi nagging


ng pagiging malikhain paggawa ng sining. malikhain sa paggawa
sa paggawa ng sining. ng sining.

V. Takdang Gawain

Gumupit ng tatlong larawan na nagpapakita ng foreground, middleground, at background at idikit ang


mga ito sa inyong kwaderno. (20 puntos)

You might also like