You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Palawan
Bataraza of District 1

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino

Paaralan Marangas West Elementary School Baitang at Seksyon 3 – CUI


Guro Rhea Mae S. Banggoy Asignatura Filipino
Oras at Petsa Abril 19, 2024 Markahan Ikaapat

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin.
B. Pamantayan sa Paggganap
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na matutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang
kahulugan.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan (F3PT-IVd-h-3.2)
II. Nilalaman
Pagtukoy sa kahulugan ng mga Tambalang Salita na Nananatili ang kahulugan

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
ADM Modyul 1 Ikaapat na Markahan Week 4
Pivot Modyul sa Filipino 3-Week 4
K to 12 Curriculumn Guide p 49 ng 143
B. Iba pang kagamitang Panturo
Powerpoint presentation, Dice, Bigbook, Tarpapel, Laptop, Chalkboard, Mga larawan, Pentelpen
Integration
Math, Music, Reading, ICT
III. Pamamaraan

1. Paghahanda
* Pananalangin
Andria: Maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin Andria: Iyuko po natin ang ating ulo at
ngayong umaga. ipikit po natin ang mga mata

Pagbati
Magandang umaga mga bata Mag-aaral: Magandang umaga rin po

*Pagtala ng mga Lumiban


May lumiban ba ngayong umaga? Mag-aaral: Wala po

*Pagkolekta ng Takdang Aralin


Meron ba kayong takdang-aralin? Mag-aaral: Meron po
Kung meron pakipasa ang inyong takdang –aralin. Mag-aaral: Ang mag-aaral ay magpapasa
ng kanilang takdang-aralin
B. Balik-aral
* Kumusta ang araw ninyo?
* Ating awitin ang kung ikaw ay masaya Mag-aaral: Mabuti po
Ang mag-aaral sabay-sabay na aawit ng
kung ikaw ay sumaya
Magandang umaga mga bata bago tayo magsisimula sa ating
bagong aralin nais ko munang ipaalala sa inyo ang ating
alintuntunin sa ating silid-aralan.
ALINTUNTUNIN SA SILID-ARALAN

1. Makinig sa guro habang nagsasalita.


2. Igalang ang mga kamag-aral.
3. Itaas ang kamay kung ikaw ay may gustong itanong o kung Ang mag-aaral ay sabay-sabay na
gusto mong sumagot. magbabasa ng mga alintuntunin sa silid-
4. Huwag makipagkwentuhan sa katabi. aralan .

Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit tungkol sa pinag-


aralan natin kahapon.
Panuto: Basahin ang mga salita. Sabihin kung anong letra ang
may tamang baybay sa bawat bilang.
1. a.doktor b.duktor c.duktur Johnreid: doktor
2. a.trapiko b.trafiko c.trapeko Adzrimar: trapiko
3. a.gobernadur b.gubirnadur c.gobernador Erhaina: gobernador
4 .a.baytang b.baitang c.baetang Rains: baitang
5. a.karunungan b.karonongan c.karunongan Johaira: karunungan

Basahin ang mga salita:


Pinag-isang dibdib kutis-purselana
Bukang-liwayway balat-sibuyas
Kapit-bahay yamang-dagat Babasahin ng mga mag-aaral ang
Ingat-yaman tabing-dagat maikling salita
Anak-pawis punong-kahoy

B.Pamantayan sa Pagganap
Pagganyak

Mayron akong larawan dito gusto kong pagmasdang ninyong


mabuti, dahil magkakaroon ako ng kunting katanungan na
magmumula sa larawan.

1.Saan kaya pupunta sina Andria at Diya?


U-G:Pupunta sina Andria at Justin Jay sa
paaralan
U-G?
Mag-aaral:123,123 Good Job
Bigyan natin ng Good Job Clap si U-G

2.Ano-anong paghahanda ang ginagawa ninyo bago pumasok sa


paaralan?
Analiza:Ang paghahanda po na
ginagawa ko bago pumasok sa paaralan
Analiza?
ay sisiguraduhin kung ako po ay kumain
ng agahan, nakaligo, nakasipilyo ng
ngipin, nakasuklay, nakalinis ng tainga
at higit sa lahat ay mabango bago
pumasok sa paaralan.

Mag-aaral:123,123 Mahusay,magaling
yes yes yes
Bigyan natin ng Mahusay, magaling Clap si Analiza
3.Bakit kaya kailangan nating maghanda ng maaga?

Al-khaizeer:Kailangan po nating
Al-khaizeer? maghanda ng maaga para po hindi tayo
mahuli sa kaklase.

Mag-aaral:123,123 Jollibee
Bigyan natin ng Jollibee Clap si Al-khaizeer

C.Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Ang mag-aaral ay walang pang ideya sa
Sa inyong palagay ano kaya ang pag-aaralan natin ngayong bagong aralin
umaga sa ating aralin?
Para malaman natin ang ating pag-aaralan ngayon meron muna
akong kwento na babasahin.

Ngayon naman ay makinig kayo at may babasahin akong


maikling kwento tungkol sa “Ang Batang si Diya”.

“Ang Batang si Diya”


Si Diya ay masipag sa pag-aaral. Madaling-araw pa lamang ay
nag-aayos na siya para pumasok sa paaralan.Maaga siyang Ang mag-aaral ay makikinig sa kwento
pumapasok sa kanilang silid-aralan upang maging mabuting ng kanilang guro na may pinamagatang
halimbawa sa kanyang mga kaklase. Tuwing tanghali naman ay “ Ang Batang si Diya”.
humihiram siya ng aklat sa silid-aklatan. Kahit siya ay anak-
dalita hindi ito nagiging hadlang sa kanyang pag-aaral sa
kolehiyo. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay abot-kamay na
niya ang kanyang pangarap na magandang buhay.

1. Sino ang bata sa kwentong binasa?


Justin Jay: Ang bata sa kwento ay si
Justin Jay? Diya po

Mag-aaral:123,123 Mahusay,magaling
Bigyan natin ng Mahusay,magaling Clap si Justin Jay yes yes yes

2. Anong oras siya nag-aayos para pumasok sa paaralan?


Michael Dave: Nag-aayos po siya ng
Michael Dave? madaling-araw

Mag-aaral:123,123 Jollibee
Bigyan natin ng Jollibee Clap si Michael Dave

3.Saan siya pumupunta tuwing tanghali?


Arvin Dave: Pumupunta po siya tuwing
Arvin Dave? tanghali sa silid-aklat.

Mag-aaral:1 pssst,12 psst psst 123 psst


Bigyan natin ng Fireworks Clap si Arvin Dave psst boom

4. Naging hadlang ba ang kanyag pagiging anak-dalita sa


kanyang pag-aaral?Bakit?
Sitti Aizadrea: Hindi po naging hadlang
Sitti Aizadrea? kay Diya ang pagiging isang anak-dalita.

Mag-aaral:123,123 Good Job!


Bigyan natin ng Good Job Clap si Sitti Aizadrea

5. Batay sa kwentong binasa ano-ano ang mga katangian ni


Diya?

Mikka Ela: Ang mga katangian po ni


Diya ay masipag, maagang pumapasok,
Mikka Ela? matiyaga sa pag-aaral.

Mag-aaral:123,123 Mahusay, magaling


yes yes yes
Bigyan natin ng Mahusay, magaling Clap si Mikka Ela

6. Dapat ba natin siyang tularan?Bakit? Justinrie: Dapat pong tularan si Diya,


dahil bukod po sa pagiging masipag niya
Justinrie? sa pag-aaral hindi rin po siya
nagrereklamo sa kanyang mga magulang
na pangingisda lamang ang hanapbuhay
ng kanyang mga magulang.

Mag-aaral:123,123 Jollibee

Bigyan natin ng Jollibee Clap si Justinrie

Pansinin natin ang mga salitang may salungguhit sa kwentong


binasa, basahin natin ang mga salita sa ibaba. Ang mag-aaral ay sabay-sabay na
magbabasa ng mga salitang may
silid-aralan madaling-araw salungguhit.
silid-aklatan abot-kamay
anak-dalita
Ang mag-aaral ay magtataas ng kamay
para sa sagutin ang dalawang
* Ano kaya ang tawag natin sa mga salitang ito? katanungan.
* Ano nga ba ng tambalanag salita?

Mag-aaral: Babasahin ng mag-aaral


kung ano nga ba ang ibig sabihin ng
Ang tambalang salita ay dalawang magkaibang salita na tambalang salita.
pinagsama at nakabuo ng bagong kahulugan. Ngunit alam niyo
bang may mga tambalang salita na nanatili ang kahulugan o hindi
nababago ang kahulugan.

Basahin ang mga pangungusap:


1. Mahalagang magbalik-aral muna bago magsimula sa Mag-aaral: Sabay-sabay na babasahin ng
bagong-aralin. mag-aaral ang bawat pangungusap at
2. Parang isip-bata siya kung magsalita. aalamin nila kung nasaan tambalang
3. Si Aling Mila ay bukas-palad sa taong nangangailangan. salita.
4.Nagbalik-bayan ang aking pinsan na matagal ng nanirahan
sa Australia.
5. Siguradahin mo kung talagang tatanggapin mo ang trabaho
na iyan, huwag kang mag urong-sulong.

Ano-anong mga tambalang salita ang ginamit sa pangungusap?


1. Balik-aral
Mary Cris:Ang kahulugan po ng balik-
Tukuyin ang kahulugan ng balik-aral? Mary Cris? aral ay
ito po yong kailangan pag-aralan ang
dating aralin.

Mag-aaral:12 Very good, 12 Very good,


12 Very Very Very Very good
Tama,bigyan natin Very good Clap si Mary Cris

Kahulugan: muling pag-aaral sa dating aralin

2. Isip-bata
April Boy:Ang kahulugan po ng isip-
bata ito po yong kung mag-isip ay bata.
Tukuyin ang kahulugan ng isip-bata? April Boy? Mag-aaral:1 psst, 12 pssst pssst,123 pssst
psst boom

Tama, bigyan natin ng Angel Clap si April Boy

Kahulugan: bata kung mag-isip


Jhon Jhon:Ang kahulugan ng bukas-
3.Bukas-palad palad ito po yong kusang tumutulong sa
nangangailangan.
Tukuyin ang kahulugan ng bukas-palad? Jhon Jhon?
Mag-aaral:123,123 Clap Clap Clap

Tama, bigyan natin ng Barangay Clap si Jhon Jhon

Kahulugan: ang palad ay laging bukas sa pagtulong sa mga


nangangailangan Aljimar:Ang kahulugan po ng balik-
bayan ito po yong bumalik kung san sya
4. Balik-bayan dating nakatira.
Tukuyin ang kahulugan ng balik-bayan?Aljimar?
Mag-aaral:12 pssst, 12 pssst , 12 pssst
pssst, 12 psss pssst boom

Tama,bigyan natin ng Fireworks Clap si Aljimar

Kahulugan: bumalik sa sariling bayan/ galing sa ibang bansa


John Phillippe:Ang kahulugan po ng
5. Urong-sulong urong-sulong ito po yong di sigurado sa
isang bagay o gagawin .
Tukuyin ang kahulugan ng urong-sulong?John Phillippe?
Mag-aaral:123,123 Mahusay,magaling
yes yes yes

Tama, bigyan natin ng Mahusay,magaling Clap si John


Phillippe

Kahulugan: pabago-bago mag-isip/atras abante Lydia Watty: Ang napansin ko po sa


kahulugan hindi po nagbabago ang ibig
*Ano ang napansin ninyo sa kahulugan ng mga tambalang salita sabihin.
na ginamit sa pangungusap?

Lydia Watty? Mag-aaral: 123,123 Mahusay magaling


yes yes yes

Bigyan natin ng Mahusay magaling Clap si Lydia Watty

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng


Bagong Kasanayan # 1
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng isang laro .
Panuto: Paikutin ang dice at basahin ang pangungusap. Sabihin
sa klase kung anong mga tambalang salita ang mga nasa
pangungusap at takuyin ang mga kahulugan nito.

PAIKUTIN ANG DICE AT BASAHIN ANG


PANGUNGUSAP Ang mag-aaral ay handang-handa na sa
Sabihin ang mga tambalang salita at tukuyin ang kahulugan kanilang aktibidad na pinamagatang
nito. paikutin ang dice.

Kami ay nakatira sa bahay-kubo.

Masarap mamasyal sa tabing-dagat.

Mabait ang aming punong-guro.


Maraming aklat sa silid-aklatan.

Abot-tanaw ang aming bahay sa paaralan


. Mag-aaral: Ang bawat pangkat ay
Si Analiza ay lakad-pagong kung kumilos. magsisimula na sa kanilang pangkatang-
gawain.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng


Bagong Kasanayan # 2
Para sa inyong pangkatang-gawain, ipapangkat ko kayo sa apat
na grupo , bibigyan ko lang kayo ng sampung minuto ( 10
minutes ) para tapusin ang inyong pangkatang-gawain.

Pangkat I

Panuto:Tukuyin ang tambalang salita at ibigay ang kahulugan


nito.

1. Nahuli na ng mga pulis ang mga akyat-bahay.


2. Si Garry ay nagnakaw-tingin sa kasuotan ng mga dalagang
nasa parade.
3. Maraming punong-kahoy na tanim ang lolo ko.
4. Halatang bagong-salta lang siya dito sa Maynila.
5. Sa tabing-ilog nakatira si Ana. Mag-aaral: 1 2 woooo, 12 woooot , 12
wooooo
Ating bigyan ng Angel Clap ang unang pangkat

Pangkat II

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng tambalang


salita sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot.
____1. Hampas-palayok
____2. Silid-aralan
____3. Tabing-ilog
____4. Abot-kamay
____5.Buto`t-balat

A. malapit ng maabot
B.larong hinahampas ang palayok
C. payat na payat
D. pook na pinag-aaralan
E. sa tabi ng ilog
Mag-aaral: 123, 123 Jollibee

Ating bigyan ng Jollibee Clap ang ikalawang pangkat

Pangkat III

Panuto:Lagyan ng tsek (/) kung ang tinutukoy na kahulugan ng


mga tambalang salita ay tama at ekis (x) naman kung hindi.
___1.Balik-aral - muling pag-aaral sa dating aralin.
___2.Palo-sebo - isang laro na kung saan kailangan .mong
umakyat sa kawayan na nilagyan ng grasa.
___3.Kapit-bisig – yaman na nanggagaling sa kalikasan.
___4.Silid-aralan – kuwarto na pinag-aaralan.
___5.Likas-yaman – nagtutulungan. Mag-aaral: 12 pssstt, 12 pssst ,12 pssst
psst, 12 pssst pssst boom

Ating bigyan ng Fireworks Clap ang ikatlong pangkat

Pangkat IV

Panuto: Basahin ang maikling kwento at tukuyin ang mga


tambalang salita na mababasa ninyo at ibigay ang kahulugan.
Anak-Pawis
Madaling-araw pa lang ay gising na ang batang si Miguel.
Pagkatapos magdasal, iaayos niya agad ang kanyang silid-tulugan
at tutulungan sa paghahain sa hapag-kainan ang kanyang nanay.
Tinutulungan din niya ang kanyang tatay sa pag-aayos ng mga
isdang dalagang-bukid na ititinda sa palengke. Mahirap lamang
ang kanyan pamilya. Sa bahay-kubo sila nakatira at pangingisda Mag-aaral: 12 very good, 12 very
ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang. good,12 very very very good

Ating bigyan ng Mahusay magaling Clap ang ikaapat na


pangkat

Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng Very good

F. Paglinang sa kabihasan ( Tungo sa Formative


Assessment)
Ngayon naman ay magkakaroon kayo ng pagsasanay para
subukin ang inyong natutunan. Jomari: Maramdamin / iyakin
Leonard: Uri ng isda na may malaking
Panuto:Tukuyin ang mga kahulugan ng mga tambalang salita sa mga mata.
ibaba.
1.Balat-sibuyas Jenifer: Maputi at makinis.
2.Matang-baka Angelica: Nagbibingi-bingihan
Anica: Matalas ang paningin.
3.Kutis-labanos
4.Taingang-kawali
5.Matang-lawin

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Buhay


Kung ikaw ay isang mag-aaral na nakakaangat sa buhay. Shamishah: Kung ako man po ay
Paano ka makakatulong sa mga batang lansangan o mga anak – nakakaangat sa buhay makakatulong po
dalita na nakikita mo sa inyong paligid ? ako sa mga batang lansangan o anak-
dalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng
Shamishah pagkain o kaya naman munting tulong
nang sa ganun ay maibsan man lang ang
kanilang gutom, hindi ko man po sila
matutulungan sa pag-aaral pero sa
kunting tulong na aking mabibigay ay
isa ng malaking biyaya.

Mag-aaral:12 Very good, 12 Very


good,12 Very Very Very Very good

Bigyan natin ng Mahusay,magaling Clap si


Shamishah
Prince: Upang madagdagan ang aming
Bilang mag-aaral ng ikatlong baitang bakit mahalagang
kaalaman at maipahayag namin ang
malaman ninyo ang anyo ng tambalang salita na hindi nagbabago
aming saloobin at magamit ng tama sa
ang kahulugan?
mga pangungusap ang mga tambalang
salita na hindi nagbabago ang
Prince?
kahulugan.

H. Paglalahat ng aralin
Ang mag-aaral ay babasahin nila ang
dapat tandaan kung paano gamitin ang
Tandaan
tambalang salita.
Ang Tambalang salita o tinatawag na compound words ay
binubuo ng dalawang salitang pinag-isa na may kahulugan. Ito ay
binubuo ng dalawang salitang payak upang makabuo ng bagong
salita.

IV. Pagtataya ng aralin Mga inaaasahang sagot:


Subukin natin ang inyong mga kakayahan sa ating aralin kung
may naunawaan kayo sa pamamagitan ng pagsusulit.
Panuto: Piliin at isulat ang letra na nagsasaad ng tamang 1.b
kahulugan ng salitang tambalan na nanatili ang kahulugan.
____1. Tubig-alat
a. tubig na malamig
b. tubig na galing sa dagat 2.b
c. tubig na galing gripo
____2. Buto`t-balat
a. gutom na gutom
b. payat na payat 3.a
c. matabang mataba
____3. Silid-tulugan
a. lugar kung saan natutulog
b. lugar kung saan nagluluto 4.c
c. lugar kung nalliligo
___4. Abot-tanaw
a. hindi natatanaw
b. malayo pa ang tinitingnan 5.b
c. malapit na sa tinitingnan o tinatanaw
___5. Bagong-salta
a. nagbabagong buhay na
b. baguhan sa lugar
c. walang kasama

V. Takdang-aralin

Para sa inyong takdang-aralin kumuha ng kuwaderno sa


Filipino.
Panuto: Sumulat ng halimbawa ng tambalang salita sa inyong
kuwaderno sa Filipino.Tukuyin ang kahulugan nito.

Inihanda ni:
RHEA MAE S. BANGGOY
Student Teacher Checked by:
MARIA AIZA A. CUI
Cooperating Teacher/Mentor
Teacher II

Noted by: JAY E. RESANO FEBIE LIBO-ON


Head Teacher III Master Teacher III

FRANCES DIANE P. CERCADO


Program Head

You might also like