You are on page 1of 2

Erika Beatrice Garcia

10-Righteous
REACTION PAPER THE LITTLE PRICE BY ANTOINE DE SAINT EXUPERY
Sa una, ang akala ko ay ang boring ng storyang ito. Ngunit habang binabasa ko ito,
nakakatuwa pala dahil storya ito ng author na gumawa mismo ng The little prince. Sa
simula, ito ang una kong nabasa. Noong 6 years old pa lamang daw siya ay may nabasa
siyang isang picture book na tinatawag na true stories from nature. May nakita siyang
picture na isang boa constrictor na kinain ng buo ang isang hayop at may pinakita pa ang
author na litrato at malinaw na malinaw ang litrato. Doon nakuha ng author na mag guhit
din at gumuhit siya ng isang boa constrictor din at kumain din ngunit isa ng elepante.
Doon palang ay natawa na ako dahil ang sagot ng mga bata ay isa ito hat o sombrero
dahil mukha naman talaga ito sombrero. Sabagay ay ito pa lamang naman ang kauna
unahan niyang ginuhit. So, gumuhit ulit siya ng pangalawang drawing at may reklamo pa
din sila. Noon palang ay parang sumuko na siya sa kanyang pangarap na maging isang
pintor. At dahil doon ay napagdesisyunan niya na maging isang piloto na lamang. At
natawa ulit ako dahil tuwing pinapakita niya ang pinakauna niyang drawing ay ang
sinasagot nila ay isa itong sombrero. Noong nagcrash ang eroplano niyang sinasakyan sa
sahara dessert ay doon na niya nakilala ang little prince at pinaguguhit siya nito ng isang
tupa. Nakailang guhit siya dahil lagging may reklamo ito, at dahil naiinis na nga ang
author nito ay nagdrawing siya ng isang kahon at sinabi niyang nasa loo bang tupa at
doon ay hindi na muli nagreklamo ang prinsipeng ito. At natawa nananaman muli ako dahil
sa dinami dami ng iginuhit nito ay sa isang kahon lang pala siya mauuwi. At doon na
naging magkaibigan ang dalawang ito. Ang little prince na ito ay nanggaling sa isang
maliit na planetang asteroid B-612 na isang beses lamang nakita sa telescope. Ang little
prince na ito ay pinangangalagaan ang kanyang planeta, ayaw matamnan ng kahit ano
lalong lao na ang baobab trees. Isang araw ay may tumubong rosas dito at nainlove siya
dito. Nagulumihanan, nalito ako dahil nainlove siya sa isang rose, at nakakusap pa niya ito

Erika Beatrice Garcia


10-Righteous
samantalang hindi naman ito nagsasalita. Noong namatay ang rosas, naging
malungkutinsiya at nagexplore ng ibang planeta at doon siya nakakilala ng ibat ibang
klase ng tao. Nakilala niya ang isang king, vain man, drunkard,businessman,lamplighter at
geographer. At lahat ito ay di siya nasiyahan maliban sa lamplighter, kahit ako din naman
ay namangha dito dahil dedicated siya sa order sa kanya kahit siya ay mahirapan at sa
sinabi ng geographer ay namiss na naman niya ang rosas. At nagtaka nananaman ako
kung ano bang meron sa rosas? Marami pang naganap, at kahit mahaba pa ito ay hindi
ako naboring dahil iba iba ang nagaganap. Hindi paulit ulit ang mga nangyayari. Para bang
bawat kabanata ay ibang storya, ibanhg settings dahil pumupunta ito ng ibat ibang
planeta. Ang little prince ay pumunta pa ng earth, kinaibigan ang isang fox, namiss muli
ang kanyang rosas na kahit gaano kadaming rosas ang makita niya sa ibang planeta ay
nagiisa lamang ang rosas sa kanyang planeta at walang makakapalit dito. At sa dulo nito
ay sa pang walong araw ng piloto, author sa disyerto at ang little prince ay gusting gusto
na talaga bumalik sa rosas niya, kinagat ito,little prince, ang ahas at hindi na muli nakita
ang katawan ng prinsipe at pinaaalam ng narrator na kung mapunta kaya sa Sahara
dessert at nakita ang katawan nito ay ipaalam sa kanya. Dito ko nakita ang tunay na
pagmamahal ng isang kaibigan na bibihira na lamang sa ngayon dahil minsan, kung sino
pa ang kaibigan ay siya pa itong nagbe betray. Sa dulo ng storya ay nalungkot ako dahil di
pa niya nakikita ang katawan ng kaibigan niya. Isa pa din ang storying ito sa di ko
malilimutan at dapat ipabasa sa mga bata.

You might also like