You are on page 1of 5

SURI NG MGA

AKDANG
PAMPANITIKAN NG
NOBELANG PILIPINO

FILIPINO
11-ABM B
MYLENE VILLANUEVA
NOBELANG PILIPINO

Masusing Pagsusuri ng Nobela


PINAGLAHUAN
ni Faustino Aguilar
sinuri ni Ronalyn Malazo

I. MGA TAUHAN
​ 1. Faustino S. Aguilar - ​isang Pilipinong nobelista, mamamahayag at
rebolusyonaryo.
2. Luis ​- ​Ang ​Kasintahan​ ni Danding, isang dukha lamang​.
​3​. Danding – Kasintahan ni Luis, naki pagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang
mayamang lalaki.
4. Rojalde – Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding ,anak ni Nicanor Reyes.
5. Don Nicanor – Ama ni Rojalde, napakayaman nito.

II. Buod
Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider

obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi

lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor

ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo.

Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si

Rojalde na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang

kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay

nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.

Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya

naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si

Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik,

gaya ng sugatang hayop. Nakasal si Danding kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang

ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni

Rojalde kundi ni Luis.

III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang nobela na kung saan ay kinapapalooban ng kabanabanata.
B. Istilo ng Paglalahad
Ang akda ay inilahad sa organisadong pamamaraan na hindi dumaan sa maligoy na
pagpapakita ng ideya ng akda.

C. Balyus
Hndi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay
maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin
ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha. Walang makapipigil sa Tunay
na Pag-ibig.

D. Sariling Reaksyon
• Teoryang Maxismo – dito ay pinapaksa ang tunggalian ng tauhan sa
ibangt auhan tauhan sa lipunan.

2. Mga pansin at Puna


Ang napuna ko sa nobelang ito ay ang wakas, dahil nagtataglay ito ng kakaibang
wakas dahil hindi ganoon kaganda at saya ang nagging katapusan ng kuwento
hindi tulad sa mga ibang nobela na ang pangkaraniwang wakas ay masaya,
pagpupunyagi at pagdiriwang ng panalo o tagumpay.

3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Ang nobelang Pinaglahuan ay nagkintal sa
aking isipan sa malaking ambag.

B. Bisa sa Damdamin
Nalungkot sa kinahantungan o kinalabasan ng istorya.
C. Bisa sa Kaasalan
Ang pagiging mapag mahal nung tauhan sa kwento at ginawa ang lahat para sa
kanyang minamahal.
D. Bisa sa Lipunan
Ang naging epekto neto sa mga tauhan ay yung iba ay naging sugapa sa iba at
ginawa niya ang lahat para sa taong kanyang minamahal.

IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman


A.​ ​Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
​ ng naging eoekto ng kwento neto sakin ay matututunang ipaglaban ang taong iyong
A
mahal hanggang sa makuha m ang taong eto . At wag magiging sugapa sa mga bagay na
dapat hindi naman maging ganon ng dahil sa pag ibig.

B. Kukturang Pilipino
Isa sa kulturang Pilipino naipag mamalaki sa akda ang pagiging mapanlaban o
Makabayan para sa taong minamahal.
C. Pilosopiyang Pilipino
​ ng pagigigng mapagmahal nating Pilipino sa kapwa natin ang ang pagiging
A
mapagbigay.
D. Simbolismong Pilipino
Tulad ng mga taong Pilipino gagawin natin ang lahat para s ataong mahal natin kahit na
nagiging masama sa tingin ng iba ay handing ipaglaban ang nararamdaman para sa tao. At
handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya.

You might also like