You are on page 1of 2

William Shakespeare

- ipinanganak noong Abril 23, 1564 sa Stratford-upin-Avon.


- Pangatlong anak sa walong anak nina Mary Arden at John Shakespeare

Noong siya ay labing-isang taong gulang, nakakapanood na siya ng mga pagtatanghal sa Teatro na
nagbigay daan sa pag unlad ng interes ni William sad ula at tula.

Nahinto sya sa pag aaral noong edad na 15 upang magtrabaho sa Negosyo ng paggawa ng guwantes ng
kanyang ama.

Hindi sya nakapag-aral sa unibersidad ngunit nagbabasa siya ng anumang libro na maari niyang makuha
at Mabasa sa kanyang libreng oras.

Naging actor at manunulat si Shakespeare noong 1592. Ang kanyang mga dula ay may halo ng karahasan
at romantiko.

Bahagi ng kanyang pagtatagumpay ang pagiging isa sa may-ari ng Globe Theatre sa London, na nagging
tahanan ng The Lord Chamberlain’s Men at dito na rin itinanghal ang ilan sa mga isinulat ni Shakespeare.

Noong 1613 ay nasunong ang Globe theatre, na nag udyok ng pagreretiro ni Shakespeare sa Teatro.

Siya ang pinakamaimpluwensiyang manunulat sa buong mundo, ngunit hindi siya nag iwan ng liham
bago mamaalam. Bagkus ay nag iwan ng kanyang mga tula at dula.

Nagsulat siya ng halos 40 dula at mahigit sa 150 soneto. Kilala siya sa kanyang ginawa o inimbentong
Shakespearean Sonnet at nagsulat siya ng 154 na ganitong soneto.

3 kategorya ng kanyang mga dula:

1. Comedy
2. History
3. Tragedy

Sinimulan niya ang kanyang pagsusulat sa genre na comedy at nagtapos sa tragedy habang tumanda.

Ang kaniyang dulang Comedy ay hinaluan o dinagdagan ng romansa at isa sa katangian nito ay walang
karakter ang mamamatay. Ang malungkot na bahagi nito ay ang mga pagsubok na pagdadaanan ng mga
karakter.

Ang kanyang dulang Tragedy ay mga story na mayroong pangunahing bida na maimpluwensiya sa
kaniyang komunidad. Isa sa katangian nito ay mayroong mga hindi kanais-nais na katangian ang bida na
hindi niya nalalaman or napapansin sa kanyang sarili. Ang pinakamalungkot na bahagi nito ay ang
pagkamatay ng bida sa huli.

Ang dulang History naman ay naglalaman ng komento o pananaw ni Shakespeare sa mga nagdaang
namuno. Binibigyan niya ng pansin ang mga maling Gawain ng gobyerno. Dahil siya ay sinusuportahan ng
Hari, nararapat niyang itago ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangalan na wala sa reyalidad at
mga namuno ng maraming taon na ang nakalipas.

Nagsulat siya ng 13 na comedy, 10 history, at 15 na tragedy.


Si Shakespeare ay nagging opisyal na manunulat ng hari. Napukaw niya ang interes ng mga taong mahilig
sa teatro noong panahong iyon. Hindi nakatala ang kanyang mga dula ngunit ito ay inilista ng king’s men
sa papel bilang pagpugay noong siya ay namatay.

Ang Hamlet ay isa sa kanyang mga dula na nagging popular. Ito ay isinulat ni Shakespeare dahil sa
kanyang pagkalumbay noong namatay ang isa sa kambal niyang anak na si Hamnet.

Romeo at Juliet

- Isa sa mga popular na dula ni Shakespeare na nasa kategoryang tragedy.


- Kilala ang kwento sa dalawang magkasintan na may pinagbabawal na pagmamahal na nagging
daan sa kanilang kalunos-lunos na kapalaran.
- Ang kwento ay naglalaman ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ngunit dahil ito ay bawal ay
nauwi ang kanilang kapalaran sa pagsakripisyo ng kanilang buhay para sa isa’t isa.
- Sinasabing ang kuwentong ito ay hango sa totoong buhay.

Trivia!

Si William Shakespeare ay hindi lamang manunulat ngunit isa ring aktor.

Ang lahat ng mga litrato ni Shakespeare ay tila magkakaiba ang muka na ipinapakita sapagkat
pinaniniwalaang walang nakakaalam ng kanyang totoong itsura.

You might also like