You are on page 1of 2

Mula sa kaharian ng mga hangin at ulan na pagmamay-ari nina Haring Super at ang

asawa nitong si Reyna Typhoon . May tatlo itong anak na sina Prinsesa Quinta, siya ang
panganay at si Prinsipe Rolly, bunso naman si Prinsesa Siony. Mula sa utos ng kanilang mga
magulang upang mahirang ang susunod na magmamana ng kaharian ay kinakailangan nilang
bumaba sa kapatagan upang gisingin ang mga taong natutulog at nagmamalabis laban sa
kalikasan, sadyang naging mapanghamon ito para sa dalawang prinsesa, at taas noo naman si
prinsipe Rolly na siya ang kikilalaning taga mana ng kaharian.

Nagumpisa nang bumaba si prinsesa Quinta pabugso bugso hangin at ulan ang
kanyang ginawa Pinaugong nya ang kalangitan subalit nalungkot ang prinsesa ng makita niyang
ang mga puno ay sumasayaw subalit ito’y mga lulang lula kung kaya’t nahabag ang prinsesa,
umalis ito at ibinalita sa Hari na tapos na ang kanyang misyon.

Walang pag-aatubiling sumipol ang Prinsipe Rolly agad pinaikot ng pinaikot ang
kanyang katawan saliw sa kumpas ng hangin na bigla nitong pakakawalan sa kalawakan. Hindi
pa natuwa ang Prinsipe muli nitong pinaglaruan ang tubig, na tila’y gripong pina-awas ang mga
ilog at dagat. Matibay ang loob ng Prinsipe hindi nagpatinag hanggang sa nakita ito ng Haring si
Super na kanilang Ama.

Haring Super: Anak na Siony masyadong nagmalabis ang iyong kapatid nasi Rolly,
mabuti pang kaunin muna siya sa kapatagan, sumunod ka sakanya at ipaabot mo ang aking balita
na pinababalik kona siya sapagkat higit na mas malakas na ang panalangin ng mga tao laban sa
kanya. Nagising na ang mga natutulog, nagbalik loob na ang mga naligaw, pero anak na Siony
sisiguraduhin mong magiging maingat ka sa iyong paglalakbay... Ang panalangin ang naging
daan para maitaboy ang mga Prinsesa at Prinsipe ngunit wagi sila sa utos ng Hari na gisingin
ang mga tao. kung kaya’t itinurig silang lahat na may-ari ng kanilang kaharian sa kasunduang
hindi na babalik kailanman sa buhay ng mga tao!

-wakas

Panulat ni:sir jm

Karapatang sipi!

#supertyphoonrollyph #SionyPH #QuintaPH

You might also like