You are on page 1of 17

WALANG PANGINOON

ni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang
sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman
kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang
hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas.
Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan
siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa
kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.
"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-
paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.
"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong marinig ang
oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama, ikalawa'y
ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita." Ang huling
pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.
Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata
niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng
ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyang
dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.
"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng
batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo
upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.
Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay
nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si
Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don
Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng
pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang
anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano
kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais
niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang
anak.
"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang
mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang
masasayahan ka roon."
"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang
malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang
pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang
tunay na nangyari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang
minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na
ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't
mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating
taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni
Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.
"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang
utos ng hukuman.
"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. "Bakit
ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng
bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala
niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang
sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng
kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa
bakuran.
Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa'y
wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa
kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit
silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng
lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa
maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, ..:namespace prefix = st1 ns =
"urn:schemas-microsoft-com:office:smarttags" />gaya ng takipan at talinduwa.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang
kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya
namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng
halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.
Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang
dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa
Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang
kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa
ilog.
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang
bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon man, nagsikap siyang
idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang
hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang
walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan
sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang kung wala na siyang
ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y
salinwikang nito.
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay
kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari
ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng tao, kahi't
hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din niya ang palasak ng
kawikaang "Ang katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya
nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.
At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay
namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa
lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking
sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si
Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may
baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw
sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay
nakasapit sila sa pampang.
"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may
ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng
kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay
itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang
kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga
kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na
agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng!
Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung
sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa
pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay
Marcos ay mata lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At nang
tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber.
Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng
bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung
siya ay mawawala.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa
kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang
tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong
huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na
mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang puso
sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-
lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok ng
bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng
hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman
ng mga tao.
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit.
Magtiis tayo."
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan,
nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang
kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at
hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang
ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay
nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.
Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung
nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa
bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw
niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang
nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili: "Tutungo sa
hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong,
kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya."
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid
niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang
huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga
tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May
dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng
pansin ng matanda.
"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo
ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa
ating ani ngayon?"
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa kanyang
kapanahunan."
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang bagay na ibig
niyang malaman sa anak.
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na
mahal sa lahat ni Marcos.
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay
namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit…
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin."
Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang
pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang
marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay
walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa
hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba
ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa.
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa
ni Marcos.
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay
Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong," ang nakatawang sagot
ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa loob na
tugon ng anak.
Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don
Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter,
saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang
alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya
ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa
kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.
"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y
napahamak ka na."
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang
ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi
makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa
baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi
niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis,
walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa
pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don
Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang
kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay
tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa
katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan
pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung
papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang
sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin,
ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.

https://www.facebook.com/pinoyhistory
 

Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg

Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang
kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang
bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga
ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may
layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na
isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga
huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa
isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila,
ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong.
Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan,
nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw
na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa
ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at
hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni
Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling
Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng
limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni
Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay
hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras
na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa
kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga
taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang
mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama
siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang
nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na
niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa
ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na
nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na
maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang
barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang
mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang
imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan,
ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong
sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring
dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang
ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa
kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa
matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan,
ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa
pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-
salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang
likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na
paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na
mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na
nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang
maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
• Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit
na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman
ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

TATA SELO
ni: Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang
suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay
may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang
kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko
mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya.
Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan
ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan?
Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming
nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin
siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San
Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao
at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na
akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang
lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang
iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa.
Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko
kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako
sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y
matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa
isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na
maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito,
ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung
mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak
ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay
Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi
lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe
ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng
dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod
hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta
ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang
tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng
mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati
pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka.
Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko
pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang
ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at
ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman,
‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw
ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may
putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan
na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo,
kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na
nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni
Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata
Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na
nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan
nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat
nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga
papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa
loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa
paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na
paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw
ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa
istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis
niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita
niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang
mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid
sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion.
Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing
kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila
isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni
Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at
si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa
paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit
ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang
namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga
nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak.
Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo
pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng
istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y
ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na
ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa
sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na
kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag.
Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso
nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init
siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang
malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng
istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang
papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na
pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat,
ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...

Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat

1 “Baka makikipag-away ka na naman, Impen.” Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula
sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. 2 “Hindi
ho,” paungol niyang tugon. 3 “Hindi ho. . .” Ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung
pagpapansinin mo’y lagi ka ngang magbabasag-ulo.” 4 May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit
hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang narinig. Nakukulili na ang
kanyang tainga. 5 Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,
pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa’y naghilamos. 6 “Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,”
narinig niyang bilin ng ina. “Wala nang gatas si Boy. Eto’ng pambili.” 7 Tumindig na siya. Nanghihinamad
at naghihikab na itinaas ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na
kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At
naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod. 8
Umiingit ang sahig sa kanilang barung-barong nang siya’y pumasok. 9 “Nariyan sa kahon ang kamiseta
mo.” 11 10 Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang
kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding.
Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib.
Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo. 11 “Mam’ya, baka umuwi ka na namang. . .
basag ang mukha.” 12 Bahagya na niyang naulinigan ang ina. Nakatitig sa tatlo pa niyang kapatid. Sunod-
sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nasa tagiliran ng nanggigimalmal na mesang
kainan. Nagsisikain pa. 13 Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumusunod sa kanya.
Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid.
Marurusing nguni’t mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama’y maglalabing-anim na. Payat siya
ngunit mahahaba ang kanyang biyas. 14 Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina.
Magkakasama ang mga damit nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-
lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat. 15 “Yan na’ng isuot
mo.” Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip. 16 Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat
sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo’y maluwang na. Nagmumukha siyang
Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang
kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador. 17 Nagbalik siya sa
batalan. Nang siya’y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan. 18
“Si Ogor, Impen,” pahabol na bilin ng kanyang ina. “Huwag mo nang papansinin.” 19 Naulinigan niya ang
bilin na iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa nang matalisod sa
nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan. 20 Tuwing umagang mananaog siya upang umigib,
pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang pagpapansinin
si Ogor. Talaga raw gayon ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang
hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo
na mula kay Ogor. 21 Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng
panunukso. 22 “Ang itim mo, Impen,” itutukso nito. 12 23 “Kapatid mo ba si Kano?” isasabad ng isa sa
mga nasa gripo. 24 “Sino bang talaga ang tatay mo?” 25 “Sino pa,” isisingit ni Ogor, “di si Dikyam.” 26
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang
hari sa gripo. 27 Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito: 28 “E, ano kung maitim?” isasagot
niya. 29 Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa’y bigla na lamang nitong
kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok. 30 “Negrung-negro ka nga, Negro,” tila nandidiring
sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon:
Tingnan mo’ng buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo’ng ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso.
Namamalirong! 31 Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya
sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napipikit siya. Ang tatay niya’y isang sundalong Negro
na nang maging anak siya’y bilang nawala sa Pilipinas. 32 Ang panunuksong hindi niya matanggap, at
siya ngang pinagmumulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang
ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?) 33 “Sarisari ang magiging kapatid ni Negro,” sinabi ni
Ogor. “Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!” 34 Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid
niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailan man,
naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglalabada ang kanyang ina,
nahihiyang lumabas sa kanilang barung-barong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang
napagtuunan ng sarisaring panunukso. 35 Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon,
nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati’y binhi lamang ng isang paghihimagsik:
nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyon ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw
at mabuhay nang payapa. 36 Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen
habang tinatalunton niya ang mabatong daan, patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barung-barong,
nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin
napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi,
nababasa niyang isinisigaw ng mga paslit: Negro! 37 Napapatungo na lamang siya. 38 Natatanaw na niya
ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga
agwador. Nagkakatipon-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharuan. 39 Sa langkay na iyon ay
kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula’t mula pa, itinuring na siya
nitong kaaway, di kailan man binigyan ng pagkakataong maging kaibigan. 40 Halos kasinggulang niya si
Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid and tindig nito at halos hindi
yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang
sagasaan. 41 Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila.
Marahan niyang inalis sa pagkakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana’y huwag siya ang
maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador. . . 42 Nakakaanim na karga na si
Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. At may isa pang
nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng
mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso. 43 Tanghali na akong
makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag ang
parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila’y nasa labas pa niyon. 44 Di kalayuan sa
gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang
agwador. May naghubad na ng damit, at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay. May
kumakain ng haluhalo. 45 Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pinilit niyang
supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na
lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba’t di iikli ang pila,
naiisip niya. Makakasahod din ako. 46 Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang
sigaw mula sa tindahan: 14 47 “Hoy, Negro, sumilong ka baka ka pumuti!” 48 Si Ogor iyon. Kahit hindi
siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman. 49 “Negro,” muli niyang
narinig, “sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!” 50 Malakas ang narinig niyang tawanan. Ngunit hindi
pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde, ngunit ang
naiisip niya’y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si
Ogor? 51 Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At
habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng balde,
nakikita niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya’y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog
ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang kanyang balat sa kanyang batok, likod at ibabaw ng
kanyang nguso. May butil na rin ng pawis sa kanyang ilong. 52 Itinaas niya ang tirante ng kamiseta.
Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa
balde. Una niyang binasa ang batok – kay lamig at kay sarap ng tubig sa kanyang batok. Malibag. Binasa
niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat,
ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal muli niyang
naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.
53 “Negro!” Napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran laman niya ang nagsasalita.
Si Ogor. “Huwag ka nang magbilad. D’on ka sa lamig.” 54 Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At
habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita na nginingisihan siya nito. 55 Napakatagal
sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntonghininga siya nang makitang kinakawitan na
ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sanang
bumalik. 56 May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng
sinusundang balde. Susunod na siya. Makasasahod na rin ako, sabi niya sa sarili, pagkaraan ng kargang
iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas. 57 Datapuwat, pagkaalis ng
baldeng hinihintay niyang mapuno, at isasahod na lamang ang sa kanya, ay isang mabigat at
makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala.
Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig. 15 58 “Gutom na ako, Negro,” sabi ni Ogor. “Ako
muna.” 59 Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo. Natingnan laman niya si Ogor. Iginitgit ni Ogor ang
bitbit na balde at kumantong ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga
lamang at takot na paggitgit. Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila
rito, a. 60 Ako muna sabi, e,” giit ni Ogor. 61 Bantulot niyang binawi ang balde. Nakatingin pa rin kay
Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabot sa
kanilang paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuni na ko. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako
iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon,
bigla siyang pinatid ni Ogor. 62 “Ano pa ba’ng ibinubulong mo?” 63 Hindi na niya narinig iyon. Nabuwal
siya. Tumama ang kanang pisngi sa labi ng nabitawang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa
madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod,
dalawang kamay niyang tinuptop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan
niyang iniangat iyon. Basa. . . Mapula. . . Dugo! 64 Nanghilakbot siya. Sa loob ng ilang saglit, hindi niya
maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya. 65 O..gor. . . O-gor. . .” Nakatingala siya kay
Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nagngangalit ang kanyang
ngipin. “Ogor!” Sa wakas ay naisigaw niya. 66 Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya
nito. Gumugulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng
tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata
ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya. 67 Bigla siyang bumaligtad. Nakita
niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig. 68 “O-ogor. . .” 69 Tumawa nang
malakas si Ogor. Humingal at nakangangang napapikit siya. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga
mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa
kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak siyang gumugulong sa basa at madulas na semento. Namimilipit
siya. Tangan ang sinipang pigi. Ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha’y larawan ng matinding
sakit. 16 70 Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang
kanyang mga mata nang siya’y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento. 71 Si Ogor. . . Sa mula’t
mula pa’y itinuring na siya nitong kaaway. . . Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Bakit? Bakit? Bakit? 72
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat
ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang mula ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at
niyakap at kinagat. 73 Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakapan sila. Pagulong-
gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw, sinunod-sunod niya: dagok, dagok, dagok, dagok,
dagok. . . pahalipaw. . . papaluka. . . papatay. 74 Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba
ang pagtingin sa kanila. Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya, isang maitim,
hamak na Negro. . . Papatayin niya si Ogor. . . papatayin. Papatayin! 75 Dagok, dagok, dagok. . . Nag-
uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit
ang mga kamay. Sa isang iglap, siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid.
Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya.
Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdamang sakit. Wala siyang
nararamdamang sakit! 76 Nakakatatlo nang asawa si Inay. Si Kano. . . si Boyet. . . si Diding. . . at siya. . .
Negro. Negro. Negro! 77 Sa mga dagok ni Ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubus-lakas at nag-
uumiri siyang umigtad. Napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok. . . Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. . . dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok,
dagok. . . 78 Mahina na si Ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal na
rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok,
bayo, dagok, dagok. . . 79 Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor. 80 “Impen. . .” 81 Muli niyang
itinaas ang kamay. Dagok. 82 “I-impen. . .” Halos hindi niya narinig ang halinghing ni Ogor. “I-impen, s-
suko n-na. . . s-suko n-na. . . . . . a-ako!” 17 83 Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si
Ogor! Napatingala siya. Abut-abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at
nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at
duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo’t lupa ang kanyang nguso. 84 Maraming sandaling walang
nangahas magsalita. Walang nakakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay
nakatingin sa kanya. 85 Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga
mata ng mga ito. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi. 86 Pinangingimian siya!
87 May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga
kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli
niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng
mukha. 88 Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagihang larangan

You might also like