You are on page 1of 2

Jhon Mark A.

Lamano

BSEd Filipino II

Paano nagsimula ang pag-unlad ng maikling kwento sa pilipinas?

Umusbong ang mga komposisyon ni Lope K. Santos na isang tagapagtaguyod ng


panitikan kahit noon pa man ngunit hindi dahil sa maikling kwento kundi ang mga dagli na
siyang palasak noong araw na kung saan ay kinawilihan ng maraming mambabasa dahil sa hindi
ito mahaba gaya ng mga nobela kaya mas tinangkilik ito. At doon nga’y nagkaroon ng rebisyon
ng balangkas na kung saan ay kahanay ang mga ideya at pagkakasunod-sunod ng daloy ng
maayos na kwento kaya nabuo at napatibay naman ang maikling kwento, idagdag pa natin dito
ang panahon ng Liwayway na kung saan ay sikat na pahayagan noong araw na inaasam ng
maraming kabataang manunulat na mapabilang ang kanilang mga akda sa sirkulasyon ng
pahayagan at tangkilikin ng mga mambabasa. Ngunit malaking hadlang rito ang mga
matatandang manunulat na ayaw silang bigyang puwang kaya’t nabuo ang masidhing damdamin
ng mga kabataan sila’y nag-aklas laban sa mga matatandang manunulat, kaya nabuo ang
samahan ng panitikan na pinangungunahan nina Abadilla at del mundo na naging dahilan ng
pagsunog ng mga akda ng mga matatandang manunulat na siyang naging apdo sa labi ng mga ito
at doo’y mas lalong nagsimula ang pag-unlad ng maikling kwento dahil narin sa mga akda ni
Deogracias A. Rosario ay mas naging maunlaad ito sa kasalukuyan.

Elemento ng maikling kwento?


Panimula- ito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa kaya’t kinakailangan na sa umpisa
pa lamang ay malikhain na ang laman ng kwento, sa bahagi ding ito ay nauumpisahan na ang
pagpapakilala sa mga tauha.
Saglit na kasiglahan- dito ay nagsisimula ang saglit na pagtatagpo ng mga tauhan gumaganap sa
kwento na may suliraning pagdadaanan sa kalagitnaan ng kwento.
Suliranin- ang problema na susukat sa katatagan ng tauhan na kanyang kahaharappin na
magbibigay tensyon sa kwento.
Tunggalian- may apat na uri ang tunggalian ang Tao laban sa Tao, Tao laban sa Sarili, Tao laban
sa Kapwa at Tao laban sa kapaligiran. Na nagbibigay ng kulay at interes sa isang akda para mas
tangkilikin ito.
Kasukdulan- dito nakasaad ang resulta o kahihinatnan ng ipinaglalaban ng nasabing tauhan kung
siya ay nagwagi o nagtagumpay.
Kakalasan- sa bahaging ito ay nalalapit na ang pagwawakas ng storya at mararamdaman mo na
ang magiging wakas.
Wakas- ang kabuuang kalalabasan ng kwento ang kokompleto sa kabuuan ng kwento.
Tagpuan- kung saan nagana pang eksena o pangyayari sa kwento na nagbigay ng malaking
bahagi sa pagpapatibay ng storya.
Paksang diwa- ang pinakamananaig na emosyon sa mambabasa
Kaisipan- ang pagkakaunawa ng mambabasa at mga aral nito.

Pagkakaiba ng makabagong kwento at makalumang kwento sa banghay, tauhan at


damdamin.

Malaki na ang pinagkaiba ng bago at lumang maikling kwento sa bahagi ng banghay nito
sa pagkat sa luma ay nakahanay ng maayos ang simula, gitna at wakas, na kung saan ay
nakapaloob ang kasiglahan, tunggalin at mga kakalasan. Maaayos na nakahanay ang mga
pangyayari sa kwento mula sa mababang emosyon patungo sa pinaka mataas na emosyon.
Mantalang sa makabagong maikling kwento hindi na nasusunod ang banghay kung minsan pa
nga ay walang banghay, madalas sa makabago ay nauuna ang problema o suliranin bago pa ang
tunggalian.
Mayroon ding pagbabago sa makaluma at sa makabagong maikling kwento sa mga
tauhan nito. Sa makaluma ang mga tauhan ay gumaganap sa role bilang tao kung saan nasa
anyong realidad at walang imposibleng pangyayari sa kanilang pagkatao, natural lamang na
nalulungkot, nasasaktan, at natutuwa ang tauhan gaya ng normal na nararamdaman ng isang tao.
Sa makabagong maikling kwento ang tauhan ay nakahanay sa anyong piksyon na kung saan may
mga kwestyunable ang kilos at aksyon ng tauhan na hindi kayang gawin ng tao sa normal na
buhay.

Malaki ang pagbabago sa makaluma at makabagong maikling kwento sa pagpapahayag


ng damdamin ng kwento. Noon matapang nilang naipapahayag ang mga suhestyon at
rekomendasyon sa pamahalaan gayundin ang kanilang pagbabatikos sa estado sa paraan ng
ikatlong panauhang katauhan sa kwento. Sa ngayon ang makabagong maikling kwento ay
nagpapahayag ng pag-ibig at hindi nakapokus sa sektor panglipunan at hindi din ganoong
katibay o lohikal ang damdamin makabayan dito. madalas ito’y nasa unang panauhan.

You might also like