You are on page 1of 46

PANITIKANG PILIPINO

ANG EPIKO
ANG EPIKO

Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na ang paksa


ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga pangunahing tauhan. May
mga pangyayari sa tulang ito na hindi kapani-
paniwala ngunit nagbibigay ng aral.
ANGMAIKLING KUWENTO
ANG MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan


ng may layuning magsalaysay ng isang maselan
at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ito’y nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Pangunahing layunin nito ang lumibang.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

1. PANIMULA
 Ang panimula ay isang pondo na siyang guguhitan ng mga
pangyayari kaya’t s panimula ay hindi na kailangang isama
sa lahat ng bagay na maaaring maisip ng sumulat tungkol
sa mga tauhan at sa kuwento. Dapat na maging kapansin-
pansin ang panimula upang mabihag ang pagkawili ng
bumabasa.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

2. SAGLIT NA KASIGLAHAN
 Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging
naglalarawan ng simulang patungo sa paglalahad
ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Sa
bahaging ito ay dapat maakit ang bumabasa at
maramdaman niyang namiminto na ang isang
pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na
damdamin.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

3. MGA SULIRANING INIHAHANAP NG LUNAS


 Karaniwang tatlo ang mga suliraning inihahanap
ng lunas. Kung minsan ay humihigit sa tatlo. Sa
sandaling sumapit ang mambabasa sa saglit na
kasiglahan, siya ay mapapagitna sa mga
pangyayaring gigisig sa kanyang damdamin. Ang
mga pangyayaring ito ay bumubuo sa mga
suliraning inihahanap ng lunas na lumikha ng
isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

4. KASUKDULAN
 Ang kasukdulan ang bahagi ng kuwento na
nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan o
pananabik. Ito’y dapat ilarawan nang mabilisan,
tiyak o malinaw at maayos. Hindi nararapat
magkaroon ng anumang paliwanag sa bahaging
ito sapagkat maaaring mawalan ng bisa ang
kasukdulan.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

5. KAKALASAN
 Ang kakalasan ang panghuling bahagi ng kuwento
ng kagyat na sumusunod sa kasukdulan. Ang
kakalasan ay di dapat pahabain at punuin ng mga
paliwanag na nagiging dahilan ng pagkasira ng
bisa at kasukdulan ng kuwento. Bayaang mag-isip
ang mga mambabasa at siyang tumapos ng
kuwento.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

1.Salaysay- ang uring ito’y walang katangiaang


nangingibabaw, timbang na timbang ang mga
bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw,
maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

2. Kuwento ng Kababalaghan- binibigyang


kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa
mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong
bait at kaisipan.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

3. Kuwento ng katutubong kulay- ang


binibigyang-diin sa uring ito’y kapaligiran ng
isang pook. Inilalarawan ang mga tao sa isang
pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga
kaugalian at nga paniniwala.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

4. Kuwento ng Katatawanan- may kabagalan at


ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari sa kuwentong ito.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

5. Kuwento ng tauhan- ang tauhan o mga


tauhan sa kuwento ang binibigyang diin.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

6. Kuwento ng katatakutan- ang damdamin, sa


halip na ang kilos ang binibigyang diin sa uring
ito.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

7. Kuwento ng pakikipagsapalaran- ang


kawilihan sa ganitong uri ng kuwento ay nasa
balangkas sa halip na sa tauhan ng kuwento. Ang
kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa
kuwento.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

8. Kuwento ng madulang pangyayari- kapansin-


pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng
kuwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at
nagbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa
kuwento.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

9. Kuwento ng talino- ang may-akda ay lumikha


ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-
alinlangan ang mambabasa hanggang sa
sumapit ang takdang oras ng paglalahad.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

10. Kuwento ng Sikolohiko- inilalarawan ang


mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang
suliranin ng may-akda ay maipadama sa
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari.
MGA ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN
MGA ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN

 Ang alamat ay isang akdang


pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga
bagay na makasaysayan at tumutukoy sa
pinagmulan ng isang bagay o mga bagay. Ang
kuwentong bayan naman ay mga kuwentong
walang may-akda at nagpapalipat-lipat lamang
sa bibig ng mga tao.
ANG DULA
Ang Dula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang


layunin ay itanghal sa pamamagitan ng
pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-
akda.
Tatlong Bahagi ng Dula
Tatlong Bahagi ng Dula

1. Yugto- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa


dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga
nagsiganap gayundin ang mga manonood.
Tatlong Bahagi ng Dula

2. Tanghal- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa


yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng
tanghalan.
Tatlong Bahagi ng Dula

3. Tagpo- ito ang paglalabas-masok sa tanghalan


ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula

1. Trahedya- sa dulang ito’y may mahigpit na


tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng masidhing damdamin. Ito’y
nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga
pangunahing tauhan.
Mga Uri ng Dula

2. Komedya- ang uring ito’y nagtatapos na


masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga
manonood.
Mga Uri ng Dula

3. Melodrama- ang dula ay nagwawakas na


kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang
uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung
minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa
uring ito.
Mga Uri ng Dula

4. Parsa- ang layunin ng dulang ito’y magpatawa


sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at
mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
Mga Uri ng Dula

5. Saynete- ang pinakapakasa ng uring ito ay


may karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang
dulang ito ay may layuning magpatawa.
Ang mga Sinaunang Tanghal o
Panoorin
Bago Dumating ang mga Kastila
Walang tunay na dula bago dumating ang mga
Kastila ngunit may mga palabas na ginaganap
noong panahong yaon. Ang mga pagtatanghal noon
ay ipinalalabas na may kasamang tugtog, sayaw at
tula. Ang anumang pagdiriwang ay hindi ganap na
makulay kung wala ang tatlong nabanggit na sining
upang mapasigla ang pagdiriwang.
Ang mga pagtatanghal sa panahong iyon ay kulang sa
mga katangian ng isang tunay na dula. Walang
entablado o tanghalan. Ginaganap ang palabas sa mga
liwasang bayan o sa mga tauhan ng mga raha at lakan
o kahit sa mga tauhan ng mga karaniwang
mamamayan. Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang
mga tauhan. Ang karaniwang paksa ay digmaan, pag-
iibigan, mga alamat tungkol sa mga bathala at mga
espiritung kanilang sinasamba, pangangaso, papuri sa
mga nabubuhay at pag-alaala sa mga yumao.
Ang Mga Unang Panoorin
Ang Mga Unang Panoorin

1. Doctrina Cristiana (1593) – ito ang kauna-


unahang aklat panrelihiyon na nalimbag sa
Pilipinas. Ang mga sumulat ay sina Padre Juan de
Plasencia at Padre Domingo de Nieva. Ito’y nasulat
sa Tagalog at Kastila. Ang mga paksa ay Pater
Noster, Ave Maria, Credo, Regina Coeli, Sampung
Utos ng Diyos, Mga Utos ng Santa Iglesia, Pitong
Kasalanang Mortal, Labing-apat na
Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo.
Ang Mga Unang Panoorin

2. Nuestra Señora del Rosario (1602)- ang aklat


na tio ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas.
Sinulat ito ni Padre Blancas de San Jose at
tinulungan sa pagkakalimbag ng aklat ni Juan de
Vera, isang mistisong Intsik. Ang aklat ay
nalimbag sa Limbagan ng Pamantasan ng Santo
Tomas.
Ang Mga Unang Panoorin

3. Barlaan at Josaphat (1708) – ito ay isang


salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego.
Ang Mga Unang Panoorin

4. Pasyon- ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng


ating Panginoong Hesukristo. Ang pagpaparangal
na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw. Apat ang
nagsisulat ng pasyon: Padre Gaspar Aquino de
Belen (1704), Don Luis Guian (1750), Padre
Mariano Pilapil (1814) at Padre Aniceto dela
Merced (1856). Ang lalong naging malaganap ay
ang pasyong Pilapil na may walong pantig sa bawat
taludtod at limang taludtod sa bawat saknong.
Ang Mga Unang Panoorin
5. Urbana at Feliza - Isinulat sa Tagalog ni Modesto de Castro, ang Urbana at Felisa (1864) ay halimbawa
ng aklat ng mabuting asal na lumitaw sa Ewropa noong Renasimyento. Ginamit ni de Castro ang
epistolaryong estilo, at sa pamamagitan ng tatlumpu’t apat na liham, ang mga kaanak sa Paombong,
Bulakan ay nagpalitan ng payo kung paano magtaglay ng matwid na pamumuhay at mabuting asal na
inaasahan sa gitnang uri at Kristiyanong pamilya. Sa liham ni Urbana sa kaniyang mga kapatid na sina
Felisa at Honesto, isinaad niya ang pangangailangang sumunod sa halagahan at aral ng Kristiyanismo,
habang isinasaloob ang tumpak na asal sa pakikipagkapuwa. Ang serye ng paglilihaman, kabilang na ang
liham mula sa isang pari, ay tumutuon sa sari-saring antas ng buhay mulang pagsilang hanggang
kamatayan, at nagpapayo ukol sa responsabilidad ng pag-aasawa. Ang Urbana at Felisa ay dapat sipatin
hindi lamang bilang gabay sa mabuting pamumuhay bagkus bilang diskurso na lumilitis sa kalabisang
moral ng naturang panahon at pinagtitibay ang batayang doktrina ng Kristiyanismo.
Ang Mga Unang Panoorin

6. Tandang Basio Macunat- Ito ay kuwento ng isang pamilya na


isinasalaysay naman ni Gervasio Macunat (Tandang Bacio) na isang
magsasakang piniling manatili sa kanyang kinalakihan. Sa akda ay
mula pa sa manuskrito ng kanyang ama ang kanyang isinasalaysay
na kuwento ng buhay ng pamilya nina Prospero na isang Indiong
nakipagsapalaran sa Maynila subalit napariwara. Ang kanyang ama
na si Don Andres Baticot o Cabesang Dales ang talagang may
kagustuhan na siya ay magkaroon ng edukasyon sa lungsod
sapagkat siya’y naniniwalang hindi sapat ang kinikita nila sa
kanilang palayan para sa hinarap. Ang pasyang ito ay malabis na
tinutulan ng kura-paroko sa kanilang bayan subalit kanila itong
sinuway. Sa huli, ang buong pamilya ay isa-isang namatay dala ng
labis na depresyon at paghihirap mula ng mabaon sila sa utang
nang dahil kay Prospero na napariwara.
Ang Mga Unang Panoorin

7. Mga Dalit kay Maria- ito’y akdang awitin na


inaawit tuwing Flores de Mayo bilang
pagpupugay kay Maria.

You might also like