You are on page 1of 13

MAIKLING

KUWENTO
Edgar Allan Poe
ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento
Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari
sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may
kaisahan.Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May
kapayakan at kaunting mga tauhan at nagpapakita ng
isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
Elemento ng Maikling Kuwento

1. Ang pananaw ay pagtingin sa kung sino ang nagsasalita sa


kuwento, o kung kaninong punto de vista nagaganap ang kuwento.Ang
pananaw ay maaaring nasa unang panauhan, ikalawang panauhan,
o ikatlong panauhan.
2. Ang mga tauhan ang bumubuo sa daigidig ng kuwento. Sila ay mga
kathang tao na dumaraan sa karanasan ng pagbabago habang
tumatakbo ang salaysay. Madalas, mailalarawan sila bilang mga
tauhang bilog o yaong nagbabago sa katapusan ng kwento, at mga
tauhang lapad o iyong mga walang ipinakikitang pagbabago sa
katapusan ng kuwento.
3. Tagpuan ang tawag sa panahon at pook na pinangyayarihan ng
kuwento. Tinawag din itong milieu.
4. Ang tunggalian ay tumatakbo sa labanan ng pangunahing tauhan at
ng sumasalungat o bumabangga sa kaniya. Ang tunggalian ay maaaring
tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao, o tao laban
sa lipunan.
5. Banghay naman ang tawag sa balangkas ng pangyayari sa kuwento
Tatlong uri ng Banghay

Kronolohikal - nag-uumpisa sa simula, gitna, wakas

Flashback - nag-uumpisa sa gitna, simula, wakas

Hanging - naguumpisa sa simula, gitna at walang wakas


Gustav Freytag

Isang nobelistang Aleman. Ang mga kuwento at nobela ay nakita


niyang may iisang padron ang mga ito.
Sa paglalahad nakikilala ang mga tauhang gagalaw sa kuwento. Sa
pag-ahon ng aksiyon, lilitaw ang suliraning kakaharapin ng bida sa
kuwento at kung paano niya ito haharapin. Sa rurok o krisis, dumating
na sa punto ang bida na kailangan na niyang harapin at bigyan ng
solusyon ang kanyang kinakaharap na problema. Sa pagbaba ng
aksiyon ay natapos na ang kanyang problema at paano niya ito
nagawan ng paraan. At sa kakalasan nagwawakas ang kuwento.
Maaari itong magwakas sa masaya o malungkot.

You might also like