You are on page 1of 22

Maikling Kuwento

“Ang maikling kuwento ay isang akdang


pampanitikan na likha ng guniguni at
salamisim na nakasalig sa buhay ng totoong
naganap o kaya’y magaganap pa.” --Edgar
Allan Poe
“Ang maikling kuwento ay isang
namumukod-tanging karakter na nakaharap
sa isang suliraning tila imposibleng malutas
ngunit makakahanap din ng solusyon at
malulutas iyon ayon sa kanyang sariling
kaparaanan.” --Herbert Montgomery
“Ang maikling kuwento bilang bahagi ng
pagpapahayag na pampanitikan, ay may
dulot na pangkabuuang epekto na
tumitinag sa kamalayan ng bumabasa at
nagdudulot sa kanya ng isang pambihirang
epekto o nagbabahanghay sa kanya ng isang
larawang di madaling mapawi sa isip.”
---Domingo G. Landicho
URI NG MAIKLING KUWENTO BATAY SA PAKSA
Kuwento ng Pag-ibig (Love Story) –
Tungkol sa Pag-ibig ang paksa.
Kuwentong Puno ng drama (Dramatic
Story) – kuwentong tumatalakay sa mga
makabagbag-damdaming pangayayari sa
buhay.
Kuwentong Katatawanan –
pangunahing layunin ng kuwento ay
patawanin ang sinumang babasa.
Kuwentong kababalaghan (horror Story) –
kuwentong tungkol sa mga hindi karaniwang
nilalang, pangyayari o iba pang bagay na ang
layunin ay antigin ang agam-agam, kung hindi
man takot, ng babasa.
Kuwento tungkol sa Hayop (Animal Story) –
Kuwento tungkol sa mga hayop o mga
nilalang na kawangis nito.
Kuwentong Pakasaysayan (Historical
Fiction) – Kuwentong nakasalig ang mga
sangkap sa historiya.
Kuwentong tungkol sa palakasan (Sports
Story) – kuwento tungkol sa
pakikipagsapalaran ng mga atleta sa
larangan ng palakasan
.
Kuwento tungkol sa Tagumpay (success
story) –pangunahing paksa ng ganitong uri
ng maikling kuwento ang hirap,
pagpapakasakit at pagtitiis ng bida na
maglulundo sa kanyang pananagumpay.
Kuwentong tungkol sa Trahedya (Story of
Tragedy) – Nagwawakas na malulungkot
ang ganitong maikling kuwento
Kuwentong tungkol sa Digmaan (War
Story) – pumapaksa sa mga karanasan sa
pakikimook sa larangan ng digmaan.
Mga Uri ng Tunggalian
Tao laban sa tao (man against man)
Tunggaliang pisikal (physical conflict)
Tunggaliang mental (Mental conflict)
Tao laban sa kalikasan o sa kapaligiran
(man against nature or environment)
Tao laban sa kanyang sarili (Man against
Himself)
 
KALAGAYAN NG TAUHANG PANGKUWENTO
Dalawang Uri Ng Tauhang Pangkuwento:
Di-nagbabagong Karakter (Static character)
Hindi natitinag, hindi nagbabago. Ito iyong uri
ng karakter na kung ano siya sa simula, gayon pa
rin siya sa pagwawakas ng kuwento.
Nagbabago o dinamikong Karakter (Dynamic
Character)
isang tauhan sa kuwento na magkakaroon ng
permanenteng pagbabago sa kanyang karakter,
personalidad o pananaw sa mga bagay-bagay.
MGA BAHAGI NG BANGHAY
Panimulang Galaw- nararapat na magtaglay
ang banghay ng makapukaw-damdaming
umpisa. Kilangan ito upang mawili kaagad ang
mambabasa na siyang magsisilbing susi upang
ipagpatuloy na basahin ang akda.
Umiigting na galaw – kapag nasaling na ang
damdamin ng mambabasa ay dapat na
pagsikapang panatilihin, kung hindi man pag-
ibayuhin iyon ng manunulat. Kailangang huwag
hayaang maglaho ang pagkapukaw ng
damdaming ito ng mambabasa upang
ipagpatuloy na basahin ang akda.
Krisis (Crisis) – pinakatampok na aksiyon sa
kuwento. (Most dramatic part)
Kasukdulan (climax) – pinakamatinding
bahagi ng kuwento. Sa bahaging ito, malalagay
na ang pangunahing tauhan sa sitwasyon
kailangang kumilos upang bigyan na ng solusyon
ang suliraning kinahaharap.
Kakalasan o Realisasyon (denouement) –
huling bahagi ng banghay. Dito ay lubusan nang
maisasakatuparan ng pangunahing karakter ang
solusyon sa suliranin na kinaharap. Ito na iyong
bahagi ng akda na nagdudulot ng kalinawan sa
mga pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
Katangiang taglay ng isang maikling
kuwento
1. May maayos at wastong pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari na tinatawag na “banghay”.
2. Gumagamit ito ng iisang paningin (point of view) na
tumutukoy sa kung sinong tauhan ang dapat
magsalaysay ng mga pangyayaring makikita at
maririnig niya.
3. Ang pangunahing tauhan ay may suliraning tinataglay
na dapat niyang bigyang kalutasan sa pagwawakas ng
kuwento.
4. May mahalagang ideya o paksang iniikiran ang mga
pangyayari sa akda
5. Nagtataglay ito ng kulay ng damdamin tulad ng
kasiyahan, kalungkutan at iba pa.
6. Natural ang usapan o dayalogo ng mga tauhan.
7. Nagkakaroon ng tunggalian ang pangunahing tauhan
laban sa ibang tauhan, kalikasan o mismong damdamin
niya.
8. Mayroon. Itong kapanabikan, kasunduan at
kakalasan.
9. May paggalaw o pag-unlad ng pangyayari sa kuwento
mula sa pagkakalahad ng suliranin tungo sa paglutas
dito.

You might also like