Professional Documents
Culture Documents
1 2 3 4 5 6 7 8
I yong i tu lot sa a min
1 2 3 4 5 6 7 8
Di yos A mang ma a wa in
1 2 3 4 5 6 7 8
Hi rap sa kit at hi la hil
1 2 3 4 5 6 7 8
ng A nak Mong gi ni gi liw
1 2 3 4 5 6 7 8
I sang ti tig na ma i rog
1 2 3 4 5 6 7 8
Ma ta mis pa kay sa pu lot
1 2 3 4 5 6 7 8
Nang tu ma ma sa may lu nos
1 2 3 4 5 6 7 8
Sa pu so ni to tu ma gos
Mula sa isang matandang tanaga
1 2 3 4 5 6 7 8
Ang su gat ay kung tu mang gap
1 2 3 4 5 6 7 8
Di da ram da min ang an tak
1 2 3 4 5 6 7 8
Ang a a yaw at di na yag
1 2 3 4 5 6 7 8
Ga los la mang nag na nak nak
2. Ang sukat na 12 pantig bawat taludtod ay paboritong sukat nina Andres Binifacio, Francisco Baltazar,
Marcelo H. del Pilar, Jose Corazon de Jesus at Lope.
1 2 3 4 5 6 //
Wa la nang na ma na
1 2 3 4 5 6
i tong Pi li pi nas
1 2 3 4 5 6 //
Na la yaw sa I na
1 2 3 4 5 6
Kun di pa wang hi rap
1 2 3 4 5 6 //
Ti is ay pa su long
1 2 3 4 5 6
pa ten te’y nag ka lat
1 2 3 4 5 6 //
re kar go’t im pwes to’y
1 2 3 4 5 6
nag sa la sa la bat.
Isa pang halimbawa ang tulang isinulat ni Rizal noong siya’y walong taon gulang pa lamang.
1 2 3 4 5 6 //
Ang hin di mag ma hal
1 2 3 4 5 6
sa sa ri ling wi ka
1 2 3 4 5 6 //
ma hi git sa ha yop
1 2 3 4 5 6
at ma lan sang is da.
Narito naman ang halimbawa mula sa SAGOT NG ESPANYA SA HABIK NG PILIPINAS ni Marcelo H. del Pilar
bilang tugon sa sinulat ni Hermigildo Flores na hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.
1 2 3 4 5 6 //
Pu so ko’y na ham bal
1 2 3 4 5 6
Nang a king ma ri nig
1 2 3 4 5 6 //
Bun so ang tag hoy mo’t
1 2 3 4 5 6
ma pig ha ting hi bik
1 2 3 4 5 6 //
wa la ka a nak kong
1 2 3 4 5 6
Sa ri ling hi nga pis
1 2 3 4 5 6 //
na hin di ka ra may
1 2 3 4 5 6
ang i na mong i big.
1 2 3 4 5 6 //
Sa I yong kan du ngan
1 2 3 4 5 6
Ti nu bu ang lu pa
1 2 3 4 5 6 //
Pa wang na li lim bag
1 2 3 4 5 6
Ang la long da ki la
1 2 3 4 5 6 //
Na ri to rin na man
1 2 3 4 5 6
Ang ma sa mang ga wa
1 2 3 4 5 6 //
na i ka a a mis
1 2 3 4 5 6 //
ng pu so’t gu ni ta.
Ang “Florante at Laura” na isang awit ay nasusulat sa taludtod na may dalawang hati at may 12 pantigang
bawat taludtod.
1 2 3 4 5 6 //
Du go kang ma ta as
1 2 3 4 5 6
Da pat kang ku mi ta
1 2 3 4 5 6 //
ng sa ri ling da ngal
1 2 3 4 5 6
at bun yi sa gye ra
1 2 3 4 5 6
Da tap wa’ at si no
1 2 3 4 5 6
ang ta ta rok ka ya
1 2 3 4 5 6 //
Sa ma hal mong li him
1 2 3 4 5 6
Wa lang mang ya ya ri
1 2 3 4 5 6
Sa ba lat ng lu pa
1 2 3 4 5 6 //
Di may ka ga li ngan
1 2 3 4 5 6
I yong ni na na sa
1 2 3 4 5 6 //
Sa pag ka’t ang ha ring
1 2 3 4 5 6
may ha ngad sa ya man
1 2 3 4 5 6 //
ay ma ri ing ham pas
1 2 3 4 5 6
ng la ngit sa ba yan
1 2 3 4 5 6 //
Sa min sang li ga ya
1 2 3 4 5 6 //
ta li ang ka su nod
1 2 3 4 5 6 //
ma ka pi tong lum bay
1 2 3 4 5 6
Hang gang sa ma ta pos.
Maaari ring magkaroon ng tatlong hating tig-apat na pantig ang bawat hati. Halimbawa sa “Bahay” ni Lope
K. Santos.
1 2 3 4 1 2 3 4
Ma ing gi tin// Ma pa rang ya.//
1 2 3 4
Ma pa la lo
1 2 3 4 1 2 3 4
Ma ram da mi’t// kung ga si nong//
1 2 3 4
di ma bi ro
1 2 3 4 1 2 3 4
A la nga nin// ti la lan tad//
1 2 3 4
ti la ta go
1 2 3 4 1 2 3 4
na ki ki tang// ku mi ki los
1 2 3 4
di ma hi po.
3. Ang labing-anim na pantig bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng dalawang hati na may tig-
wawalong pantig bawat hati. Narito ang halimbawa mula sa tulang “pag-ibig” ni Jose Corazon de
Jesus.
1 2 3 4 5 6 7 8
Ka pag i kaw’y u mu u rong//
1 2 3 4 5 6 7 8
Sa sa ku na’t sa pa nga nib
1 2 3 4 5 6 7 8
ay ta la gang ma li wa nag//
1 2 3 4 5 6 7 8
At bu o ang i yong i sip
1 2 3 4 5 6 7 8
Ta kot pa ang pag I big mo//
1 2 3 4 5 6 7 8
Pag u mi big pa ti hu kay//
1 2 3 4 5 6 7 8
ay a a ri in mong la ngit.
Ang labing-anim na pantig bawat taludtod ay maaaring makaroon ng apat na hati na may tig-aapat na
pantig bawat hati. Narito ang halimbawa mula sa tulang “Anak-Pawis” ni Florante.
1 2 3 4 1 2 3 4
Sa may hu lo// ng bu ki rin//
1 2 3 4 1 2 3 4
Na ro ro o’y// i sang sa pa
1 2 3 4 1 2 3 4
Pa ki wal pang// gu mi gi lid//
1 2 3 4 1 2 3 4
sa pi la pil// na ma ha ba
1 2 3 4 1 2 3 4
Do don a ko// nag sa sa kag//
1 2 3 4 1 2 3 4
Ng pang u lam// na sa ga na
1 2 3 4 1 2 3 4
Bi ya hi pon// hi to’t da lag//
1 2 3 4 1 2 3 4
Na sa pu tik// ay nag ga la
1 2 3 4 1 2 3 4
Ba wat is dang// ma hu li ko/
1 2 3 4 1 2 3 4
Ay pa ra kip// ni Bat ha la
1 2 3 4 1 2 3 4
Kung tu hu gin// sa pag su yo’y//
1 2 3 4 1 2 3 4
Pu ma pa lag// na bi ya ya.
1 2 3 4 5 6 7
Ang tu big ma’y ma la lim
1 2 3 4 5 6 7
Ma li li rip kung lip din
1 2 3 4 5 6 7
i tong bud hing ma ga ling
1 2 3 4 5 6 7
ma li wag pag ha na pin.
Higit na maganda ang tula kung hindi pahilahod ang basa o bigkas sa bahaging hati. Kailangan
madulas ang himig at tuloy-tuloy ang indayog at diwa ng lipon ng mga talutod. Upang makamtan ito, ang
anumang hati sa taludtod,maging ito ay panloob, panggitna o pandulo ay di dapat magwakas sa mga
sumusunod na salitang iisahing pantig: ANG AT AY KAY KUNG DI MAY NI PAG SI
Hindi rin dapat magwakas sa dalawahing pantig gaya ng mga sumusunod: KA KO DIN RIN MAN
MO PA
Sa lalong ikagaganda ng tula, dapat malaman ng sumusulat na ang alinamang hati sa taludtod
maging ito ay nasa gitna o nasa dulo ay di dapat na magwawakas sa pamamaraang bitin ang mga taludtod.
Hindi dapat magwakas sa mga kataga na may kasunod pang salitang sukat hintayin. Ang tula ay may dapat
nagtataglay ng tinatawag na katutubong indayog kaya’t hindi dapat na parang pilit ang kayarian at ang
anumang pagkabitin ng mga taludtod ay hindi magandang pakinggan.
Mahalaga ang tamang sukat at hati ng mga taludtod sa panulaang may sukat at tugma sapagkat ito ang
nagbibigay ng magandang kayarian sa tula. Ang tula ay dapat na may kaanyuang tulad ng isang panyong
inihagis sa kawalan at buong indayog na naglaro sa hangin hanggang sa bumagsak sa pandinig.
ANG TUGMA
Bukod sa sukat, sa matandang panulaan ang kayarian ng tula ay nababatay din sa tinatawag na
tugma. Ang ibig sabihin nito ang pagkakahawig o pagkakatulad ng mga tunog sa dulo ng mga taludtod. Ito
ang tinatawag na pagkakasintunog ng mga dulo ng mga taludtod ng bawat saknong. Ang isang makatang
matatawag na may kakayahang sumupil sa wika ay kailangang mahusay sa pagtutugma. Bagamat
masasabing ang pagtutugma sa ating wika ay hindi gaanong mahirap gawin dahil napakarami nating mga
salitang talagang magkakasintunog. Maging mga bata ay mahilig sa mga salitang magkakasintunog at higit
nilang madaling matutuhan ang isang tula dahil ditto.
Ang tinatawag na buong tugma o tugmang ganap ay yaong uri ng tunog na pare-pareho. Ang
tandisan nga lamang pagsunod nito o ang pagpupumilit ay maaaring makasira sa tula sa halip na
makatulong sapagkat kailangang hindi nawawala ang tunay na diwa ng tula sa kabila ngmahigpit na
pagsunod sa ganitong uri ng pagtutugma. Kung minsan ang nangyayari sa kasunod sa batas ng pagtugma
at pagsusukat ay nawawala na tuloy ang tunay na diwa at kaluluwa ng tula.
Itunuturing na magkakatugma sa matandang panulaan ang mga salitang nagtatapos sa isang pantg (a e i
o u) na ang bigkas ay malumanay at mabilis.
Malumanay at mabilis
1. nagtatapos sa patinig na a : santa – malumanay
Ganda – mabilis
Malumi at maragsa
Luha - malumi
Dukhâ – maragsa
2. nagtatapos sa patinig e-i: lalaki – malumanay
Matindi – mabilis
Lipi – malumi
Lahi – maragsa
3. nagtatapos sa patinig na u: puso – malumi
Bugso – maragsa
Oo – malumay
Ito – mabilis
Kung susundin ang mahigpit na batas ng pagtutugma sa matandang panulaan ang malumay ay
hindi katugma ng malumi o maragsa na ang mga salita ay nagtatapos sa iisang pantig. Ito ay sa dahilang
ang impit na tunod na kasunod ng iisang patinig ay nagbibigay ditto ng naiibang tunog at hindi na
tumutugma sa patinig ng walang impit. Kaya’t ang salitang luha (may impit na tunog sa hulihan) ay hindi
katugma ng salitang lola (walang impit sa hulihan).
Ang mga salitang nagtatapos sa mga katinig na M, NG, M, W, L, Y, R kung iisang patinig ang nagunguna sa
mga ito. Mahalagang malaman na kailangan iisang patinig ang nangunguna sa bawat pangkat ng katinig.
Halimbawa:
4. Dahon. . .
Tila ka dalagang sa hampas ng hangin
Ay paindak-indak sa isang tugtugin
Sa magha-maghapo’y
Hindi nagkukulang sa iyong tungkuling
Magkanlong ng init,
Maghandog ng iyong malamig na lilim
Tila kaluluwang pagtatakip-silim
Ay nangakayukong nagsisidlangin.
Mula sa “Ang Dahon”
Ni Pedro Reyes Villanueva