You are on page 1of 1

Ang buhay ay isang regalo na kailaman ay hindi naluluma.

Marami sa atin ang nangarap ng masaya at maayos na buhay


May Inang masasandalan at may Amang aalalay
Ngunit sa kabila ng mga pangarap na ito
Ay may ibang batang lumuluha sa kawalan
Sapagkat inodoro at basurahan lamang ang kumalinga sa kanila
Guyam at langaw ang nagsilbi nilang taga-bantay
Na dapat sanay trabaho ni Inay at Tatay.
Hindi pala dapat puro saya at halinghing
Dapat din pala may puso at isip
Dahil sa huli ang bata ang nagigipit
Huwag nating ipagkait sa kanilang masilayan ang mundo
Makita ang mga bagay na ginawa para sa tao.
Bigyan natin sila ng kalayaang huminga, makadama at umibig rin
Hindi sa pag-iwan at pagtapon sa kanila natatapos ang lahat
Kundi ito ang simula ng malungkot na kwento ng pagiging iresponsableng tao.
Wakasan na natin ang konsepto ng pagpapalaglag
Tuldukan na ang pagkitil sa mga inosenteng bata
Tapusin na natin ang di makataong uri gaya ito.
WAKASAN, TULDUKAN, TAPUSIN
Sapagkat ang buhay ay regalo
At may magandang oportunidad na nag-aantay para sa kanila
TARA NA SA PAGBABAGO!

You might also like