You are on page 1of 20

Si Marcos ay hindi kumibo.

Samantalang
WALANG PANGINOON pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga
ni Deogracias Rosario mata niyang galling sa pagkapikit kaya't
nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang
sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-
aapoy.

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang Hindi rin siya sumasagot.Hindi rin siya
orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa
nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may
na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya pangungusap, may nagsasalita.
malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik
niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang "Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita,
dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga ayaw kong marinig ang malungkot na tunog
butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili.
ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa
malungkot na palo ng bakal sa malaking dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang
kampanang tanso sa kampanaryo ng pagkuyom ng kanyang damdamin.
simbahan sa kanilang bayan. Gayon man,
Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang
kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan siya
nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay
magtago, kahi't na anong gawin niyang
nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim
pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong
ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot
nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot
si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang
na tinig ng batingaw.
namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don
"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang
namang itinutugon ng kanyang ina na binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na
paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-
ang malungkot na animas. iimpok na ginagawa upang maging isang
ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y
"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos
matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong kung gaano kakirot ngang maging
marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y malungkutin ang kanyang anak. Ito ay
nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol kanyang ibig libangin.Ito ay nais niyang aliwin.
ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik
kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y na subyang sa dibdib ang kanyang anak.
ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong
panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, "Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian.
saka… saka si Anita." Ang huling pangalan ay Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang
binigkas na marahan at madalang ng mabuting mang-aawit at manunugtog ng
matandang babae. gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang
masasayahan ka roon."
"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang
Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi sinumang nakikialam sa anumang maging
nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o
niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay
gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay na tanim nila sa bakuran.
ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng
matanda ang tunay na nangyari sa Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may
nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila.
pagkamatay nito.
Palibhasa'y wala silang maibabayad sa
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang
ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili ng malasakit sa kanilang karalitaan upang
samantalang minamasdan niya ang isang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan.
ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di
kanilang bayan, na ipinapalagay niyang nila makuhang umalis doon.
kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa
kasayahan." Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y
isang salapi lamang isang taon sa bawat
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit
umagang yaon ang malaki nilang kapalaran nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa
sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang pagkakautang sa maylupa dahil sa mga
palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan kasunduang ipinapasok sa pana-
ang dumating taglay ang utos ng hukumang panahon, ..:namespace prefix = st1 ns =
sila'y pinaaalis sa kanilang lupang "urn:schemas-microsoft-
kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na com:office:smarttags" />gaya ng takipan at
ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka. talinduwa.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa
naitanong ng anak sa ina matapos malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang
matunghayan ang utos ng hukuman. kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa
bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang
"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng
matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng
"Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na halamanan, isang gabing maliwanag ang
lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?" buwan.
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang
kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bahay at lupang binubuwisan?
bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang
binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni
niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul
lupang sinasaka. nang dumating si Anita sa kanilang bayan
buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na
kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino
ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng
ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa
ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla
damo sa ilog. niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa
ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng
iskuwelahan na silong ng kumbento sa dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa
kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara pampang.
ng malaking numero. Nguni't gayon man,
nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata "Marcos, matagal na naman kitang iniibig,"
sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan
Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto ang may ilang buwan buhat nang siya'y
sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang mailigtas.
pambayan ay natuklasan niyang walang
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina
mabuting paaralan kundi ang pahayagan.
Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay
ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila
sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos,
kahi't manghiram lamang kung wala na siyang at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-
ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-
ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang
akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o poot sa gayong kabuktutan.
kaya'y salinwikang nito. Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya
ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas
Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang
buhay kundi ang baling araw ay maging ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang
mga kamay hanggang matimo sa palad niya
karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don
Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa ang kanyang mga kuko.
pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, Isang takipsilim nang marinig niya sa
"Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay kampanaryo ng kanilang simbahan ang
ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din malungkot na agunyas. Una muna ang
niya ang palasak ng kawikaang "Ang katapat malaking kampana saka sumunod ang maliit.
ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan
bahagya ay hindi siya nag-atubili ng ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan
pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita. upang malihim pa kung sino ang binawian ng
At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit
kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila
Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay
namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng
ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang
bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay
nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang ang walang latay.
bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-
malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At
sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay
nang tangkain niyang dumalaw minsan ay kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat
hinarang siya ni Don Teong na may hawak na sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at
rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng
nagdalawang-loob siya. Maaaring maging namumulang ginto. Pagdaramdam at
dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang
kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan
kanyang ina kung siya ay mawawala. upang ang palay nila'y magbungang mabuti?
Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong lamang sa ibang kamay.
ay isinaman na lamang niya sa talaan ng
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang
ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung
sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala
kanyang buhay. Pinakahuli nga ang naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa
pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang
balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at
tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina;
kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan
tulo ng kanilang pawis na mag-anak. ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng
hininga ang kanyang ama.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang
hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang
ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag kabutihan kung sila'y magsasarili: "Tutungo sa
nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng
pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong,
mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa kailangang magkaroon din ako ng
siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng gayak paris niya."
itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang
tanggapin niya ang utos ng hukuman na Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi
na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid
pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang
kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang niyang sa dibdib ng binata ay may isang
halimaw na natutulog na hindi dapat
gawing batas ang kanyang kamay, yamang
hindi na niya matatamo ang katarungan sa gambalain upang huwag magising. Wala
siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim,
hukuman ng mga tao.
kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang
ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang
maliliit. Magtiis tayo." linggong gayon nang gayon ang ginagawa,
hanggang isang araw ay tawagan siya ng
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang pansin ng matanda.
itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan,
nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa "Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo
bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi
mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don "Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon
Teong… kung may magiging sukli man lamang natin, paris ni Don Teong," ang nakatawang
tayo sa ating ani ngayon?" sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na
rito, tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng loob na tugon ng anak.
mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa
kanyang kapanahunan." Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos
ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na
Gayon man may nagunita siyang isang bagay lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang
na ibig niyang malaman sa anak. suwiter, saka dala ang latigong katulad ng
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook
bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo
mahal na mahal sa lahat ni Marcos. ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na
ang alingawngaw ay abot hanggang sa
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y
ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid
namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na
Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit… Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng
isang malaking kandila.
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang
mang-aalipin kung walang magpapaalipin." "Salamat, anak ko, at dumating ka," ang
Napailing siya sa harap ng gayong masaklap sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y
na katotohanan. Patung-patong na ang napahamak ka na."
ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don
Teong – takalang dapat nang kalusin. Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing
Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang
kasama, katulad din niya, na sa kamay ng ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka
mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa magkasalubong ito at ang kanilang
mga leeg na manok na unti-unting sinasakal panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa.
hanggang makitil ang hininga sa hangad na Nalalaman din ng matandang babae na laging
mahamig na lahat ang kayamanang gayong may dalang rebolber sa baywang ang
minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon mayamang asendero buhat nang magkaroon
ang may-ari at nagbubuwis pa. ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang
inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang
tila pagsumpa sa harap ng katalagahang Subalit isang hapon, samantalang payapang
ginawa ni Marcos. inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis,
walang iniwan sa putok ng bulkan ang
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay
latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi
Marcos, isang araw na dumating siyang pagod ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng
na pagod sa naturang dala-dalahan. kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang
galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang Nang malamang kay Marcos ang kalabaw,
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman
ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don
sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
itaas at paglagpak ay sinalo naman ng
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang
kabilang sungay.
gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug- kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya
lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter gumagalaw, hindi siya nababahala.
sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng
ang maykapangyarihan upang gumawa ng
kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na
idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang
matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi
kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.
sa loob ang ginawa niyang napakalaking "Mapalad na hayop na walang panginoon,"
pagkakasala. ang kanyang naibulong.
BANAAG AT SIKAT (ni Lope K. Santos)
Banaag at Sikat
Nobela - ni Lope K. Santos

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat
ng tao’y magkakapantay-pantay at m agtatam asa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa
buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga
kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y
pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si
Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na
naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit
katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa
ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya
sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang
pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa
isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na
paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi
ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na
pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga
dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal
nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng
kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung
lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba
pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si
Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at
ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang
dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang
pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay
Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Saamuki ni
Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang
testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan,


kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga
alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit
wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at


damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon
din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan
dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos
at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas.
Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang
kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata
ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang


salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang
hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si
Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag.
Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga
pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat
na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang


si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating
sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas
ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado
ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang
nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa
maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante.
Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay
nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at
naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar
na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay
dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay
dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at
paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng
talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.
Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan
sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na
pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga
kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga
kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay
at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at
sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na
ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung
ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan
ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang


pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
ANG PILIPINONG DAYUHAN SA SARILING BANSA

ni Dr. Nestor C. de Guzman

Saan nga ba sa mundo makakakita ng isang dayuhan sa sariling bansa? Meron


ba? Nais kong ibahagi sa inyo kapwa ko Pinoy ang isang simpleng artikulo. Simple
pero parang mahirap gawin ng karamihan sa atin, pero kung kakayanin, baka
sakaling magawa. Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang kabuluhang
pagtatalo, kumilos tayo, ngayon na.
Madalas mangibang bansa ang mga Pilipino. Natural, kahit papaano, mag-iiba
ang kanilang ikikilos. Sa ibang bansa, kapag sila ay nagkasala, pinarusahan sila
ayon sa batas. Sa Pilipinas, kapag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan
kasi sabi niya mali raw ang bataw. Ang galling mangatwiran. Lalo na kung ang
batas ay hindi positibo sa kanila.
Sa ibang bansa, pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya
pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.
Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na
labag sa batas iyon. Kasi naman, hindi nga inaalam, at kahit alam na, kunwari
hindi batid lalo na kung nahuli.
Sa ibang bansa, kahit gaano katas ang bilihin at tax sa USA okey
lang, katuwiran natin doble kayod na lang. samantalang sa Pilipinas, kahit tripling
kayod pa…ayaw magbayad ng tax. Pero ang lakas nilang ipagsigawan ang dapat
gawin sa gobyerno sa kanila.
Sa Pilipinas, mahilig ka sa last day para magbayad ng tax minsan dinadaya mo
pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at
bilihin, imbes na magsipag, mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa
munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.
Sa Singapore, kapag nahuli kang nagkalat o nagtapon ng basura sa hindi
tamang lugar, magbabayad ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang
kasi lumabag ako sa batas. Korek! Saka wala sila sa sariling bansa.
Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy katulad ng ganito, sabi ng Pinoy, ang
lupit naman ni Bayani Fernando, mali naman ang pinaiiral niyang batas eh, akala
mo kung sino siya. Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani
Fernando kahit na alam niyang mali siya.
Sa ibang bansa, hindi maidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit saan o
itapon man lang, takot silang mahuli at maparusahan.
Sa Pilipinas, taos-puso pang idinidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit
saan, at madalas ay sa mga ilalim pa ng upuan o mesa. Tingnan mo ang
kinauupuan mo ngayon o kaya ay damhin ng iyong palad, baka may makapa kang
bubblegum ngayon. Kapag sila ay nahuli, sasabihin pa “TRIP LANG.”
Sa ibang bansa, bawal manigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Ang mga Pinoy, sagrado ang pagsunod sa ganitong batas.
Sa Pilipinas, nakadikit na nga sa loob ng sasakyan ang “Bawal Manigarilyo”
ang drayber ng sasakyan ang walang hinto sa kakahithit ng sigarilyo. Parang naisip
ko tuloy, maraming drayber ang hindi tumuntong ng Grade 1 at hindi marunong
magbasa.
Sa ibang bansa, kapag nakita ka ng drayber na lilipat sa tamang daan, kusa
silang hihinto at padadaanin ka. Madidismaya nga lamang sila kapag hindi ka
naman tumawid. Kaya kung wala kang balak tumawid, huwag kang lalapit sa
tamang daanan dahil ganoon kabait ang mga drayber sa ibang bansa, pagbibigyan
ka kahit nagmamadali sila.
Sa Pilipinas, maraming tangang drayber o parang lahat yata ay may LBM, kasi
nagmamadali, kahit may lumilipat na, mabilis pa rin ang pagtakbo ng mga
sasakyan, hindi man hihinto kung hindi mo pa sila bibigyan ng senyales ng
paghinto. Minsan, nakatawid kana sa kalahating daan, kailangan mo pang hintayin
ang paghinto sa kabilang daan.
Naalala ko tuloy noong isang araw, kailangan ko pang pumunta sa tamang
tawiran para doon tumawid. Pinagtawanan ako ng aking mga kasama at sabi
“bakit ka pa pumunta doon ang layo, pwede naming tumawid dito wala namang
sasakyan.” Ang sagot ko sa kanila “kakaunti na nga lamang kaming sumusunod sa
tama, mababawasan pa kami.”
Bilang pagwawakas, alam kong marami sa inyo ang natatawa sa mga
binanggit ko, marami sa inyo ang nakapag-reflect at marahil ay tinamaan kahit
kaunti lamang. Mamaya, babaguhin ang sarili dahil may epekto pa ang mga sinabi
ko. Pero ang tanong ko lang, hanggang kalian ang pagbabago? Bukas? Sa buong
linggo? Isang buwan? Isang taon? O ngayon lang?
Bakit ang Pinoy, puwedeng maging law abiding citizen sa ibang bansa nang
walang angal pero sa sarili nating baying Pilipinas na sinasabi ninyong mahal
natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT?

SA BAGONG PARAISO
ni Efren Abueg
Ang kwentong ito’y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay
ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata.
Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso’y langit ang kawangis, madalas
silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan.
Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga
magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng
ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at
marami silang pangarap.
Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista
opisyal. Silang dalawa’y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran,
mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na
marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang
kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang
kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit
ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim
ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang
dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila’y hinihingal na sa
pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at
magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha.
Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung
makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit
hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin.
Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila’y parehong makakatulog at
magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay.
Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang
batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng
kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay
magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya’y pinagtatawanan
ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y
maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila’y muling babagsak
na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang
pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga
katawan.
At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan
naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng
kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya’y gagawa ng kastilyong
buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng
buhangin. Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila
dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa
nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila.
Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa
tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito’y kanya bang naririnig. Nagtaka ang
batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito
ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa
katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang
buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito.
Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito
sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang
siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang
lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot
siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon.
Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin.
Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na
nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula
nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang
kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog
na araw. “Ang ganda, ano?” naibulalas ng batang lalaki. “Parang may pintang
dugo ang langit.” “Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog
na?” tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang
lalaki.Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng
kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi
nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila.
“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan, silang dalawa ang
magkakapangasawahan.” Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y
nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro
sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng
kanilang mga kaklase na silang dalawa’y parang tuko – magkakapit. At minsan nga
ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya
ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila’y
tinudyo nang tinudyo. “Kapit-tuko!Kapit-tuko!”Umiyak ang batang babae.Napoot
ang batang lalaki.

Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga


aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa,
nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit,
hanggang sa dumating ang guro at sila’y inawat at sila’y pinabalik sa silid-aralan at
pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa
puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang
bansag sa kanila.
At sila’y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang
kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga
bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga
ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang
bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang
hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang
mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan
ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang
bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon.
At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas
nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman
at idinalangin nila ang maagang pag-ulan — sapagkat sabi ng kanilang mga lola’y
madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y
naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng
Mayo silang dalawa’y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at
nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong
hinahalinhan ngayon.
Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang
sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa puno at
ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at
pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o
halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling
sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin
nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon.
Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay
naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan
kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at
dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng
kalesa patungo sa bayan.
Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang
batang lalaki’y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na
nangingintab sa pahid na pomade.
Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at
ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang
alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi
nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong
kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi
na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang
pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob
niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan.
Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na
natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala
nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng
kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa
niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit
kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa
balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw ‘yon para siya’y maging ganap na
lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata’y
naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-malay. Sinabi pa ng
ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging
matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae,
ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya.
Ngayon lamang iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa
damuhan o kaya’y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang
alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw,
Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng
ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang
ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.
“Ang damuho…pagkalaki-laki’y parang hindi lalaki.” Ang narinig niyang
iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim
sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-malay.
Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang
pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng
bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung
nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga
sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang
mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa
tabing-dagat.
“Bakit?” usisa niya. “Wa-wala..wala!” Nag-isip ang batang lalaki.
Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan.
Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito
at sila’y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang
kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang
pintig doon. “Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,” anyaya ng
batang lalaki. Ngunit hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae.
Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang
batang lalaki.Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang
luha sa mga mata nito. “Bakit?” Saka lamang tumingin ang batang babae sa
batang lalaki. At ito’y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi’y pinahid ng palad at
ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa
isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na hindi na daw sila
maaring maglaro gaya ng dati. “Hindi na?” sagot ng batang lalaki na parang
sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki. “Malalaki na raw
tayo…malalaki nang tao.Hindi raw maglalaon, tayo’y magiging dalaga…at
binata.””Sinabi ‘yon ng Nanay mo?””Oo, sinabi niya…na hindi na tayo maaring
maghabulan, o kaya’y umakyat sa punongkahoy o kaya’y pagabi rito sa tabing-
dagat,” sabi pa ng batang babae.”Kangina sinabi sa’yo ng Nanay mo?”Tumango
ang batang babae.
“Ngayon daw…hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay
binatilyo na!” At waring ang batang lalaki’y nagising, napagmasdan niya ang
kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay
nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. “Ayaw ka na palang papuntahin dito’y…
bakit narito ka pa… gabi na!” Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya.
Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng
dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa’t isa ay
parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang
katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman ay binatilyo
na.
Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang
dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad
nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may
nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga
magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay hindi na
matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong
araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga
salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong
damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang
kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng
kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa
silong at sinabi nito sa kanya: “Hindi mo na kailangang dito pa labhan ‘yan…”
Nagtapos sila ng hayskul.
Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma.At nang
magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila
nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi
maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata
ngunit ang kanilang labi’y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang
panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay
isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-malay.
Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng
karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel.
Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi
niya maluom sa kanyang kalooban. “Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel.” May
himagsik sa kanyang tinig. “Kahit na…kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na
siguro ang ibig kong sabihin.” May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya
ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay
sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. “Ibig kong
magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!” At ang pait na may
iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan
ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki!
Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing
pumasok siya sa kanyang silid. “Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw,” at ang
mga labi niya’y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang
minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng
dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga.
Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at
napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng
makipagkita sa kanya ni Cleofe.
Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may
ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila
muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging
doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. “At
habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?” “Tama ka!” maagap na
pakli ng ama. “Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa
tukso!” At ang dalawa’y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at
maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng
makakasalubong na kakilala.
Mangyari’y iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat
inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila
ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng
malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang
panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa
pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng
mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob
at binati niya ang dalaga.
Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at
nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay
napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng
kanilang hininging pagkain, sila’y nagkatitigan at sila’y nakalimot at akala nila’y
nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t
isa. At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita,
maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang
pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila’y lumigaya.
Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa
kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay
masama. Ngunit sila’y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa
kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na
magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw
sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta
ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang
kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat
nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari.
Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig
niyang umalis sa silid na iyon at upang hindi na marinig ang alingawngaw ng
katagang iyon: tukso — tukso —- tukso! Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo
maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim
natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila
dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na
matutop at ng pangangailangan.
Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit
hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang
daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog,
dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-
maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang
dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam.

May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig


niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan.
Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang
pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip
niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang
bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa
lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y
napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay
napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at
sandaling kumalat doon at pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng
nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.

You might also like