You are on page 1of 1

Alamat ng Prinsesa Manorah

( Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)

Alamat ni Prinsesa ManorahSi Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anaknina Haring Prathum at
Reynang Jantakinnaree. Silaay nakatira sa maalamat na kaharian ng BundokGrairat. Ang pitong
magkakapatid ay kapwa mga kinnaree . Sila'ynakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpakkung
kanilang naisin.

Sa loob ng kanilang kaharianay nakatago ang Himmapan, isang kagubatan nakung saan ay naninirahan
ang iba't ibang mganilalang na di makikita sa daigdig ng mga tao.Sa Himmapan din nakakubli ang
magandang lawa na kung saan ay madalas dalawin ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o
kabilugan ng bwan. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang ermitanyong nagsasagawa ng
meditasyon.

Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan. Doon nya nakita sa ilog
ang pitong prinsesana masayng nagtatampisaw. Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah.
Naisip nya na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe Suton Ang anak Ng Haring
Artityawong at Reyna Jantaivee Ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ito. Ngunit di tiyak ni Prahnbun
kung paano nya mahuhuli ang prinsesa kaya't humingi sya ng tulong sa ermitanyo. Agad syang nagtungo
sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan syang mahuli ang Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad
na lumilipad kapag tinatakot.

Nag suhestiyon ang ermitanyo na may dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa
binata.Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi pumayag ang dragon sa balak ng
binata ng sabihin nito ang pakay bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang lubid na makakatulong sa
panghuhuli ng binata sa isang kinnaree. Nagpasalamat ang binataat agad na nagtungo sa ilog kung saan
naroroon si Prinsesa Manorah.

Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli
si Manorah. Bagamat naawa ang ibang kapatid ni Manorah ay wala itong nagawa at agad na nagsilipad
dala ng takot.Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di makalipad at agad na
naglakbay upang maibigay kay Prinsipe Suton. Si Prinsipe Suton ay naglalakbay din noon ngunit
nakasalubong nito si Prahnbun na dala dala si Prinsesa Manorah.

Doon pa lamang ay naakit na agad ang prinsipe sa ganda ni Prinsesa Manorah. Doon ay nalaman ni
Suton ang dahilan ni Prahnbun kung bakit nito hinuli si Manorah. Nagbalik ang prinsipe ng kanilang
palasyo na kasama na si Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa isa't isa.Nang
sabihin ng prinsipe sa kaniyang mga magulang ang buong pangyayari ay agad-agad nagbalak na
magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo kung saan
isinagawa ang kasal sila'y at namuhay ng matiwasay .

You might also like