You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

March 6, 2024
I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Nakasusulat ng sariling wakas tungkol sa Alamat.
Naipapahayag ang damdamin tungkol sa paksa.

II. PAKSA
ALAMAT ni Prinsesa Manorah mula sa Thailand na isinalin sa Filipino ni
Dr. Romulo N. Peralta

a. Sanggunian
- Internet at Youtube (https://youtu.be/jixcHpP5Oek)

III. KAGAMITANG PANTURO


- Power point at larawan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL

Panalangin

(magtatawag ang guro ng isang mag- aaral


upang pangunahan ang pananalangin) Panginoon maraming salamat po sa araw na
ito na ipinagkaloob mo sa amin. Nawa po ay
gabayan mo po kami sa mga gagawin sa araw
na ito. Amen.

Pagbati

Magandang araw klas! Magandang araw rin po ma’am!

Maaari na kayong umupo. (umupo ng tahimik)


Balik Aral
Ano ang paksa natin sa talakayan kahapon? Ma’am tungkol po ito sa paggamit ng panlapi
sa pagbuo ng salita.

Tama ang iyong sagot! Maaari ba na ibigay


ninyo ang mga uri ng panlapi?
Ma’am, ang mga uri po ng panlapi ay unlapi,
gitlapi at hulapi.

Tama! Ngayon ibigay ang tatlong Ma’am ang tatlong paraan po ng pag- buo ng
pamamaraan ng pagbuo ng salita. salita ay ang paglalapi, pag uulit ng salita at
pagtatambal ng salita.

Mahusay na kasagutan.

A. AKTIBITI
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang
nakita? Ano ang ideyang iyong mahihinuha
batay sa larawan?
Ma’am, ito po ay tungkol sa kuwento ng
pagmamahalan sa pagitan ng isang tao at
hayop kung saan ay nag aanyong tao po!

Tama! Nagpapatunay lamang ito sa atin na


Ang pag-ibig walang pinipiling panahon,
edad, kasarian maging ang oras at lugar kung
saan man pwede kang makatagpo nito.

Kahalintulad nito ang akdang pamapanitikan


na ating pag aaralan ngayon na mula pa sa
bansang Thailand.

B. ANALISIS

INPUT NG GURO

Trivia

Alam mo ba na ang bansang Thailand ay


kilala sa samo’t saring pagkain, martial arts,
pasyalan at mga templo? Ang Phuket ay isa sa
pinakamagandang templo nila. Tulad ng
Pilipinas, ito ay may maraming pasyalan kaya
maraming turista ang pumupunta rito.

Alam mo ba na ang pinaka matandang


panitikan ng Thailand ay naisulat ng tsino.

Alam mo rin ba na ang mga tao sa Thailand


ay kilala sa kanilang pagiging maligaya,
mainit na pagtanggap sa mga banyaga, at
kakaibang kultura.
Handa ka na ba sa paglalakbay sa mundo ng
alamat? Batid kong handa ka na. Panuodin
natin ang isa sa ilang mga akdang
pampanitikan na nagmula sa Thailand.

Anong uri ng panitikan ang napanood na


kwento?

Ma’am, tungkol po sa Alamat!


Magaling!

Naaalala pa ba ninyo ang mga


balangkas/elemento ng alamat?
Opo!
Ating isa-isahin. Mga Balangkas/Elemento ng
Alamat:

1. Tauhan - Ito ay tumutukoy sa mga


nagsiganap sa loob ng akda.

Sino-sino ang mga tauhan sa alamat na


napanood?
- Kinnaree/PrinsesaManorah - ay
isang prinsesa ngalamat ng Thai
atang pinakabata sapitong anak
nakinnaree ni Haring Prathum at
Reynang Jantakinnaree.

- Haring Prathumat Reynang


Jantakinnaree –Hari at Reyna ng
kahariang Krairat(Grairat), Ama at
Ina ni Prinsesa Manorah

- Ermitanyo-tumulong kay Prahnbun


upang mahuli si Prinsesa Manorah.
- Prahnbun – ang nakahuli kay
Prinsesa Manorahat tagasunod ni
Prinsipe Suton

- Dragon nagbigay ng
makapangyarihang lubid kay
Prahnbun

- Prinsipe Suton-ang anak ng Haring


Artityawong at Reyna Jantaiveeng
Udon Panjah

- Ang prinsipenanapangasawani
PrinsesaManorah

Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa lugar na


pinangyarihan ng mga aksiyon, gayundin ang
panahon kung kailan ito nangyari.

Saan ang naging tagpuan ng Alamat ni


Prinsesa Manorah?
- Kaharian ng Bundok Krairat
(Grairat) – kaharian ng
mgakinnaree
- Kagubatan ng Himmapan
- Lawa- kung saan masayang
nagtatampisaw ang pitong kinnaree
- Udon Panjah –kaharian ni Prinsipe
Suton

Saglit na kasiglahan - Ito ay ang panandaliang


pagtatagpo ng mga tauhan

Ano ang naging saglit na kasiglahan ng


alamat?
Noong nagtagumpay siPrhnbun sa kanyang
balakna hulihin si PrinsesaManorah at sa
tulong ng isang dragon.
Kasukdulan – Ito ay tumutukoy sa bahaging
makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian.
Ano ang naging kasukdulan ng Alamat?

Noong sabihan ng Prinsipe Suton ang


buong pangyayari sa kanyang mga
magulang at agad nanagbalak na
magsagawa ng kasal para sa kanilang dalawa.
Kakalasan - Ito ay bahagi kung saan unti-
unting may pagbaba ng takbo ng kuwento
mula sa maigting mga pangyayari.

Ano ang naging kakalasan ng Alamat?

Bumalik sila sa palasyong Udon Panjah


kung saan isinagawa ang kasal.

Katapusan/Wakas - Ito ay bahaging


naglalahadng magiging resolusyon ng
kuwento. Ito ay maaaring masaya o
malungkot, may pagkatalo o pagkapanalo.

Ano ang naging katapusaN/wakas ng


alamat ni Prinsesa Manorah?

Tuluyang namuhay nang masaya't


matiwasay habambuhay.

C. ABSTRAKSYON

Gawain: Dugtungan ng buod!


(3 grupo)

Sa tulong ng bahagi ng banghay (simula,


gitna at wakas) Ibuod ang Alamat ni prinsesa
Manorah.
D. APLIKASYON

Para sa akin po Ma’am ay marami pong tao sa


mundo na gagawin ang lahat para sa pera
1. Anong makukuhang aral sa Alamat ni kagaya na lamang po noong ipinagbenta o
Prinsesa Manurah na maaari nating ibinigay si prinsesa Manurah sa Prinsipe
maihalintulad sa tunay na buhay? kapalit ng maraming salapi.

V. PAGTATAYA

Kung ikaw ang may-akda ng “Alamat ni


Prinsesa Manorah”, paano mo ito bibigyang
wakas? Gumawa ng sariling wakas.

Nilalaman..................................... 5
Wastong paggamit ng mga salita ...................
5
Kabuoang puntos: 10 puntos

You might also like