You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE CITY
Cavite National High School- Junior High School
Cavite City

GAWAING PAMPAGKATUTO NG FILIPINO 9


(Linggo 5-6)

Pangalan: Guro: Iskor:


Taon at Pangkat: Petsa:
Layunin:
MELC 75 WG Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon panlunan at
pamamaraan sa pagbuo ng alamat
MELC 76 PN Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan
GAWAIN 1. Natuklasan ko
Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan na nasa ibaba at ilahad ang maaaring pinagmulan nito
gamit ang web organizer upang maunawaan mo kung paano naiiba ang alamat sa maikling
kuwento at sa iba pang uri ng panitikan.

Pamaypay

Kantana

Bulaklak kuwintas

Kilos, gawi,o karakter ng


mga tauhan

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah


(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)
Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon
mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama
V ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong
anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay nakatira sa
maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnareeay kalahating babae at
kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung
kanilang nanaisin.
Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din
namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob
ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree
ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi(kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan
ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon.

Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan.
Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog.
Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung
mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang
mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito
upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang
manghuli ng kinnaree dahil agadagad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng
ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan namaaaring
makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan
upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun,
ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang
panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-
dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga
kinnaree.

Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay
na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng
prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin
ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang
hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton
na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si
Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa
Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit
niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya
nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa
Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng
prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya
sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa
Manorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang
namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.

Gawain 2: Buuin Natin


1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
3. Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat?
4. Paano isinasalaysay ng manunulat ang isang alamat?
5. Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa alamat? Sa maikling kuwento?
6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan?Patunayan.
7. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat na iyong binasa? Ipaliwanag.
8. Paano ipinakita ng akda ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan sa alamat?
9. Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at maikling kuwento ayon sa kilos, gawi at
karakter?
10. Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay.

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin


ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Mga Pang-abay na Pamanahon


1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang mga
kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa
Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay ang daan
patungo sa kabayanan.
2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.

3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng kagubatan upang
magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian ng Bundok
Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng mga
kagamita

Gawain 3: Dugtungan natin


Panuto: Lapatan ng wastong pang-abay na pamanahon ang mga patlang sa loob ng akda.

Kaygandang pagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad sa kalangitan. At lalong


nakabibighani ang mga ito sa tuwing sumasagi sa ating pandinig ang tila musikang nalilikha
ng mga ito sa tuwing humuhuni. Ngunit, ano nga ba ang hiwaga sa likod ng paglipad at
paghuni ng mga ibon?
(1) __________, sa panahong ‘di pa nakatatapak sa lupain ng Pilipinas ang sinumang
dayuhan, ay may mag-asawang naninirahan sa isang kubong nakatayo sa ibabaw ng mala-
batong sanga sa isang malagong puno. Bagamat 15 taon nang nagsasama ang dalawa, hindi
pa rin sila nabibiyaan ng anak. Kaya, (2)_______ bago matulog ay matiyaga silang
nanalangin kay Bathala.
(3) “__________ pa noon, lagi naming isinasamo sa aming pagdulog sa inyo ang
magkaroon ng anak. Kahit isa lang po ay lubos na naming ikasisiya,” sabay na dalangin ng
mag-asawa.
Di nagtagal , dininig na rin ni Bathala ang kanilang kahilingan at nagdalantao ang
babae. Dahil sa biyayang natanggap, walang araw na hindi nakalilimot magpasalamat ang
mag-asawa kay Bathala.
Babae ang kanilang naging anak na pinangalanan nilang Ada. Binusog nila ito ng
pagkalinga’t pagmamahal.
Habang lumalaki ang kanilang anak, kapuna-punang kasabay ng pagtingkad ng
kanyang kagandahang pisikal ay ang pagiging kahali-halina ng kanyang matimyas na tinig. At
dahil dito, labis ang naging pagprotekta ng mag-asawa kay Ada, na humantong sa
pagbabawal nila rito na lumabas ng kanilang bahay. Takot kasi silang mawala ito sa kanila.
(4) “__________ araw at wala kami rito sa bahay, palagi mong isara ang pinto,” bilin ng
lalaki.
“Tandaan mo anak, bawal kang lumabas,” dagdag ng babae.
Naiintindihan naman sila ng kanilang anak, kaya nga sa (5)__________, matapos
nitong gawin ang mga gawaing-bahay ay nagkakasya na lamang siya sa mumunting
kasiyahang natatamo niya sa pagmamasid sa kalangitan habang nakatanghod sa may
bintana.

Gawain 4: PAGBUO NG AWTPUT (30 PUNTOS)


Sa iyong sagutang papel, sumulat ng sarili mong likhang alamat. Sa pagkakataong ito,
kailangan mong gumamit ng mga pang-abay na pamanahon nabanggit sa talakayan sa
naunang gawain.
10 7 5
Nilalaman Tunay na Hindi masyadong Mababa ang antas ng
makabuluhan ang makabuluhan ang nilikhang Alamat
inilalahad ng inilalahad ng
nilikhang Alamat nilikhang Alamat
Pagkamasining Natatangi ang Nagtaglay ng Kulang sa kasiningan
antas ng katamtamang antas ang nilikhang Alamat
kasiningan ng ng kasiningan ang
nilikhang Alamat nilikhang Alamat
Pagkakagamit ng Nagamit nang Nagamit nang wasto Nagamit nang
mga Pang-abay na wasto ang mga ang mga pang-abay wasto.ang mga pang-
pamanahon pang-abay na na pamanahon abay na pamanahon
pamanahon

PAGNILAYAN
Panuto: kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin ang natutuhan mo sa aralin.
Naunawaan ko na___________________________________________________________
Nabatid ko na______________________________________________________________

You might also like