You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

UMINGAN CENTRAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Burgos St. Poblacion West, Umingan, Pangasinan

Masusing Banghay Aralin


sa Filipino 9

I. Layunin: Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral na nasa ay inaasahang:


A. Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan.
B. Napapatunayan ang pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng akda.
C. Naisusulat ang sariling wakas sa naunang alamat na binasa.
D. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraaan sa pagbuo
ng alamat.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.
Peralta)
B. Sanggunian: Filipino 9 Module at Internet (Google)
C. Kagamitan: Biswal Eyds o IM, Xerox, Tisa at Pisara,CP
D. GAD Integration: Violence Against Women
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN

a. PAGBATI

Magandang Umaga seksiyon Topaz! : Magandang Umaga din po Ma’am!

Bago tayo magsimula, tingnan muna ninyo kung may


kalat sa ilalim ng inyong upuan at pulutin ito. : opo ma’am

b. PAGTALA NG LIBAN
Sino-sino ang mga lumiban sa ating klase? : wala po ma’am

c. BALIK-ARAL
Bago tayo dumako sa susunod na aralin, balikan
muna natin ang nakaraang aralin.

Ano ang paraan ng pagbigkas ng elehiya at : Binibigkas ito ng may katimpian at di-masintahin
awit? ang mga pananalita.

Magaling!

Ano ang ibig sabihin ng pagpapasidhi ng : Isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon
damdamin? sa paraang papataas ang antas nito.
Tama! Kung gayon, magbigay ng halimbawa ng
pagpapasidhi ng damdamin. : inis, asar, galit, poot
: paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal

Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak ang bawat


isa.

Ngayon naman, dumako na tayo sa ating


bagong aralin.

B. PAGGANYAK

Mayroon akong inihandang mga larawan na


inyong ilalahad ang maaaring pinagmulan nito
na hindi lalampas sa dalawang minuto.
Ibabahagi ito sa klase pagkatapos ng limang
minuto. Pumili ng isang miyembro na
magbabahagi sa harapan. Naintidihan ba?
: opo, ma’am!
Kung gayon, simulan na ang Gawain.
: opo, ma’am!
Pangkatang gawain:

Pangkat 1 - Pamaypay

Pangkat 2 - Katana

Pangkat 3 - Bulaklak

Pangkat 4 - Kuwintas

: (Ibabahagi ng bawat grupo ang nabuong kuwento


o pinagmulan ng larawan sa masining na paraan.)

Magaling! Napakahusay ng mga nabuo niyong


kuwento sa pinagmulan ng mga larawan o alamat nito.
Bigyan ng tatlong bagsak sa kamay ang bawat isa.
C. PAGPAPAKILALA SA PAKSA

Pag-aralan o talakayin natin ang isang alamat


na pinamagatang Ang Alamat ni Prinsesa
Manorah. Ngunit bago natin ito basahin ay
kailangan malaman muna natin ang kahulugan
ng mga talasalitaan.
: opo, ma’am!
D. PAGPAPAYAMAN SA TALASALITAAN

Panuto: Ayusin ang mga ginulo o pinaghalo-


halong letra para mabuo ang mga
salitang inilalarawan sa pahayag.

1. Babaeng kalahating tao at kalahating sisne


INKANERE - ____________
: KINNAREE
2. Kabilugan ng buwan
ISARANAP - ____________
: PANARASI
3. Balak
LPONA - ___________
: PLANO
4. Matiwasay
HIMTAIK - ____________
: TAHIMIK
5. Isang taong asetiko o lalaking naninirahang
mag-isa
MITERAYON - __________
: ERMITANYO

Napakahusay!

E. PAGLALAHAD

Dumako na tayo sa mga gabay na tanong.


: (babasahin ng mag-aaral ang mga Gabay na
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Tanong)

2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat?

3. Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat?

4. Paano isinasalaysay ng manunulat ang isang


alamat?

5. Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa alamat?

6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohana at di-


makatotohanan? Patunayan.
7. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat
na iyong binasa? Ipaliwanag. ( Araling Panlipunan)

8. Paano ipinakita ng akda ang kilos, gawi, at karakter


ng mga tauhan sa alamat?

9. Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda,


paano mo ito wawakasan?

F. PAGTATALAKAY

Ngayon ay atin nang basahin at talakayin ang Ang Ang Alamat ni Prinsesa Manorah
Alamat ni Prinsesa Manorah. (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)

Isang alamat ng pasalin-salin sa iba’t ibang panahon


ng Ayutthaya at nagbigay inspirasyon kay Haring Rama V
ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng
Thai at ang pinakabata sa pitong anak na
kinnareeng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya
ay nakatira sa maalamat na kaharian ng bundok Grairat.
Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating
sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-
kanilang pakpak kung kanilang nanaisin.
Sa loob ng kaharinang Krairat (Grairat), nakatago ang
kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang
mga nakakatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng
mga tao.Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at
kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay
masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakian
ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang
ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon.
Isang araw, napadako ang isang binata habang
naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si
Prahnbun. Nakita niya ang pitong Kinnaree na masayang
nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning
kagandahan ni PrinsesaManorah. Naisip niya kung
mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe
Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee
ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at
tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya
sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. 
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa
malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang
magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng
ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil
agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip
ng ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa
pinakasulok-sulukan ngkagubatan na maaring makatulong
sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at
nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon.
Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni
Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si
Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang
panghuhuli niya kay Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang
binata at patakbong umalis na dala-dala ang
makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung
saan naglalaro ang mga kinnaree.
Habang abala sa paglalaro ng mga Kinnaree, inihagis
ni Prahnbun ang lubid na siyang panghuhuli niya kay
Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng
ibang kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa
kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay
paghuhulihin.
 Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni
Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang
madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe
Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa
kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si
Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni
Prinsesa Manorah ang prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang
dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa
harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya
nito ng napakalaking halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si
Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na
pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang
inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari,
masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na
magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at
PrisesaManorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan
isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t
matiwasay habambuhay.

Natitiyak kong naintindihan niyo ang kuwentong


narinig at binasa, ngayon atin ng sagutan ang mga
gabay na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?


: Ang pangunahing tauhan ay sina Prinsesa
Manorah, Prinsipe Suton, at Prahnbun.

2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat? : Sa loob ng kaharian ng Krairat nakatago ang


kagubatan ng Himmapan kung saan nakatira ang
mga nakakatakot na nilalang na hindi kilala sa
daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan nakakubli
ang maganda at kaaya-ayang lawa na madalas na
pinaroroonan ng ng mga Kinnaree sa araw ng
Panarasi.

3. Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat? : Sinimulan ang alamat sa pamamagitan ng isang
alamat na nagpasalin-salin sa iba’t-ibang panahon at
henerayon ng Ayutthaya na kung saan naging daan
para magkaroon ng inspirasyon si Haring Rama ng
Thailand. Sa simula ay ang pagpapakilala kay
Prinsesa Manorah bilang isang prinsesa ng Thai na
isang kinnaree kung saan nakatira sa kaharian ng
Bundok Grairat.

4. Paano isinalaysay ng manunulat ang isang


alamat? : Isinalaysay ng manunulat ang Alamat ni Prinsesa
Manorah sa pamamagitan ng paglalarawan.
Kapansin-pansin ang masusing paglalarawan ng
mga lugar, ng tauhan at mga pangyayari sa
kuwento.
5. Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa alamat?

: 1. Oo, tulad ng pagtatagpo ng landas nina Prinsesa


Manorah at Prinsipe Suton, Na umibig sa isa’t isa.

2. Hindi, dahil may mga bagay na hindi kapani-


paniwala. Katulad ng dragon, mga babaeng
kalahating sisne (mga kinaree), mahiwagang
lubid.
6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohana at di-
makatotohanan? Patunayan.
 Ang mga pangyayaring hindi makatotohanan sa
alamat ni Prinsesa Manorah:

1. Ang pagkakaroon ng tauhan na kalahating


sisne at kalahating tao
2. Ang pag papakasal o pag iisang dibdib ng
isang tao sa diwata.
3. Ang Bundok ng himmapan
4. Ang paglipad
5.Ang pagdakip sa prinsesa gamit ang
mahiwagang pisi o lubid
6. Ang pagkausap ni Pranbun sa isang dragon

 Ang mga  makatotohan sa alamat ni Prinsesa


Manorah

1. Ang naganap na kasalan dahil,totoong may


kasalan sa totoong buhay.
2. Ang pagligo ng mga tauhan sa ilog at batis
3. Ang pag-ibig ng prinsipe sa prinsesa
7. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat
na iyong binasa? Ipaliwanag. ( Araling Panlipunan)
: Oo, dahil sa mga rason na:

1. Ang Prinsesa Manorah ay nangyari sa lugar ng


Thailand.
2. Ang mga pangalan at karakter ay tulad ng mga
tao na naninirahan sa Thailand.
3. Pinamunuan ng isang hari ang lugar sa alamat.
4. Ang kanilang paniniwala na mayroong mga
mahiwagang nilalang na dati’y nanirahan sa
Thailand.

8. Paano ipinakita ng akda ang kilos, gawi, at


karakter ng mga tauhan sa alamat? : Ipinakita sa paraang:

1. Ipinakilala ang mga karakter kasabay ng


pagpapakita ng mga mahihiwagang lugar sa
kwento.
2. Ito ay nilarawan sa pagbibigay ng detalye ng
kanilang mga itsura.  
3. Ipinahayag ang mga kilos na nagyayari.
4. Binigyan ng personalidad ang bawat karakter.

: Maganda at masaya ang naging wakas ng


9. Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda,
paano mo ito wawakasan? kuwentong “Alamat ni Prinsesa Manorah” dahil
nagwakas ang kuwentong ito na nagkaibigan sina
Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah, ikinasal sila sa
palasyo ng Udon Panjah, at sila'y namuhay nang
masaya at matiwasay habambuhay.

Kung ako ang may-akda ng kuwentong


ito, wawakasan ko ang kuwentong ito sa
pamamagitan nang pagdedetalye kung paano
umusbong ang pag-iibigan nila Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah pati na rin ang pagkukuwento
kung ano ang nangyari matapos sila ikasal.

Magaling! Tunay ngang kayo ay nakinig sa ating


talakayan.

Mula sa alamat na ating tinalakay, pag-aralan naman


natin ang mga Pang-abay na pwedeng gamitin sa : opo ma’am!
pagsulat nang isang mahusay na alamat.

1. Ano ang Pang-abay? : salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa


pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

2. Ano-ano ang mga uri ng Pang-abay? : Pang-abay na Pamanahon


Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamaraan

3. Ibigay ang kahulagan at halimbawa ng mga ito.


: Pang-abay na Pamanahon - nagsasabi ng oras o
panahon ng pagkagawa ng kilos. Ito ay sumasagot
sa tanong na kailan.

Halimbawa: araw-araw, mamaya, lunes

: Pang-abay na Panlunan - nagsasabi ito ng lugar na


pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong
na saan.

Halimbawa: sa Umingan, sa Baguio , sa gubat

: Pang-abay na Pamaraan - nagsasabi ng paraan ng


paggawa ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na
paano.

Halimbawa: mahusay, mabilis, maingat

Mahusay! Natitiyak kong handa na kayong


magsulat ng sarili ninyong alamat. Bigyan ng
tatlong bagsak ang bawat isa.

G. PAGLALAPAT
Kung gayon, subukin natin ang inyong kahandaan
sa pagsulat ng alamat at pagtukoy sa mga Pang-
abay. Mayroon lamang kayong sampung minuto
para tapusin ito. Maliwanag ba? : opo ma’am!
Gawain 1 : Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel
ang sariling wakas sa alamat na binasa.

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Gawain 2. Panuto: Kilalanin ang mga Pang-abay na


ginamit sa pangungusap at isulat sa inyong
sagutang papel ang pang-abay, ang salitang
tinuturingan at ang uri ng pan-abay sa hanay na
nakalaan para rito.

1. Pupunta kami sa Island Cove bukas.


2. Sa linggo darating ang aking kaibigan.
3. Ang pamilya De Guzman ay sama-samang nagsimba.
4. Ang bata ay malakas tumawa.
5. Masipag mag-aral si Diane.
6. Sina Ara at Rose ay pupunta sa Bataan.
7. Araw-araw siyang gumigising nang maaga.
8. Si Pran ay magiliw makipag-usap.
9. Magalang na bumati ang mga mag-aaral sa kanilang
guro.
10. Masipag at mabait ang pangulo ng kanilang
organisasyon.

Pang-abay Uri ng Pang-abay Salitang


Tinuturingan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

(Pagkatapos ng sampung minuto)

: (ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang gawain)


H. PAGLALAHAT

1. Isa-isahin ang mga bagay na makatotohanan at


di-makatotohanang pangyayari mula sa alamat?
 : Ang mga pangyayaring hindi makatotohanan
sa alamat ni Prinsesa Manorah:

1. Ang pagkakaroon ng tauhan na kalahating


sisne at kalahating tao
2. Ang pag papakasal o pag iisang dibdib ng
isang tao sa diwata.
3. Ang Bundok ng himmapan
4. Ang paglipad
5.Ang pagdakip sa prinsesa gamit ang
mahiwagang pisi o lubid
6. Ang pagkausap ni Pranbun sa isang dragon

 Ang mga  makatotohan sa alamat ni Prinsesa


Manorah

1. Ang naganap na kasalan dahil,totoong may


kasalan sa totoong buhay.
2. Ang pagligo ng mga tauhan sa ilog at batis
3. Ang pag-ibig ng prinsipe sa prinsesa
2. Anong aral ang napulot mo sa alamat? (ESP) :1. Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. 

2.Ang Pag-ibig ay hindi hinahanap dahil kusa itong


magpaparamdam sa iyo pag nakita mo na ang taong
mamahalin mo ng buong puso mo, ang taong
tanging para sa iyo.

3. Paano nakatutulong ang mga pang-abay sa : Nakakatulong ito dahil inilalarawan nito ang mga
pagsulat ng isang alamat? bagay na nangyayari sa isang sitwasyon katulad ng
kung kailan, saan at paano nangyari ang kuwento.

Mahusay! Magaling! Ngayon naman, dumako


tayo sa isa pang pagsubok. Maliwanag ba? : Opo ma’am!

IV. PAGTATAYA
Panuto I. Isulat sa inyong papel ang letra nang tamang
sagot.

1. Saang maalamat na kaharian nakatira sina Kinnaree


Manorah?
a. Udon Panjah
b. Himmapan
c. Bundok Grairat
d. Thai
2. Saang kagubatan naninirahan ang mga nakakatakot na
nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao?
a. Udon Panjah
b. Himmapan
c. Bundok Grairat
d. Thai
3. Saang palasyo nakatira si Prinsipe Suton?
a. Udon Panjah
b. Himmapan
c. Bundok Grairat
d. Thai
4. Ano ang kinnaree?
a. Kalahating babae at kalahating sisne
b. Kalahating babae at kalahating dragon
c. Kalahating babae at kalahating kabayo
d. Kalahating babae at kalahating isda
5. Ano ang Panarasi?
a. Kalakihan ng bituin
b. Kalakihan ng araw
c. Kalakihan ng buwan
d. Kalakihan ng mundo
6. Ito ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, ligar,
pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o
may bahid ng katotohanan.
a. Alamat
b. Maikling kuwento
c. Pang-abay
d. Pamaraan
7. Ito ay tumatalakay sa salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. Alamat
b. Maikling kuwento
c. Pang-abay
d. Pamaraan
8. Ito ay pang-abay na nagsasabi ng paraan ng pagkilos.
a. Pang-abay
b. Pang-abay na pamanahon
c. Pang-abay na panlunan
d. Pang-abay na pamaraan
9. Ito ay pang-abay na nagsasabi ng oras o panahon ng
pagkagawa ng kilos.
a. Pang-abay
b. Pang-abay na pamanahon
c. Pang-abay na panlunan
d. Pang-abay na pamaraan
10. Ito ay pang-abay na nagsasabi ng lugar na pinangyarihan
ng kilos.
a. Pang-abay
b. Pang-abay na pamanahon
c. Pang-abay na panlunan
d. Pang-abay na pamaraan

Panuto II. Isulat sa inyong sagutang papel kung anong Uri


ng Pang-abay ang salitang may salungguhit.

1. Ang mga madidipag na kabataan ay araw-araw na


pumupunta sa kabayanan.
2. Sa isang buwan pa babalik ang normal na pamumuhay ng
mga mamamayan.
3. Ang mga maingat at masunuring mamamayan ay hindi
nahawaan ng Covid-19.
4. Ang malikot na bata ay madalas napagsasabihan ng
kanyang ina.
5. Mamamasyal kami sa Batanes pagkatapos ng pandemya.

V.TAKDANG ARALIN

Sumulat ng sariling alamat gamit ang iba’t ibang uri


ng pang-abay.

Maliwanag ba? : Maliwanag po!

Maraming salamat sa pakikinig! :Paalam na po , Ma’am!


Paalam!

You might also like