You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino 9

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mga-aaral ay inaasahan na:

a. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan Batay sa usapang napakinggan.
b. Nailalahad ang damdamin sa binasang akda.
c. Naisasabuhay ang aral na nakuha mula sa kuwento ng may akda.

II. Paksang-Aralin

A. Alamat ni Prinsesa Manorah


B. Filipino 9 ikatlong markahan module 6: Alamat ng Thailand
C. Canva application, Laptop, Larawan
D. Nagsasalaysay

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
 Magpapakita ng larawan at tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang naiisip tungkol
sa larawan na ipinapakkita.

B. Panlinang na Gawain (4As)

1. Mga Gawain (Activity)

a. Paglalahad ng Aralin
Tatanungin ang mga mag-aaral kung may nalalaman ba sila sa alamat na “Prinsesa Manorah” ng
Thailand at ilalahad na ito sa klase kung ano nga ba ang kuwentong alamat ni Prinsesa Manorah.

2. Pagsusuri (Analysis)

Pangkat
Isadula ang Alamat na binasa batay sa pag uugali, gawi, at kilos ng
1
mga tauhan.
Gumawa ng isang kanta batay sa iyong nararamdaman sa akdang
2
binasa.
Gumuhit ng isang larawan batay sa aral na iyong nakuha sa
3
kuwento.
3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)

Gamit ang venn diagram ano ang pinag kaiba at pagkatulad ng alamat ng Ibong Adarna ng
Pilipinas at alamat ng Prinsesa Manorah ng Thailand?

4. Paglalapat
 Sa iyong palagay dahil sa ginawa ni Prahnbun sapat na ba ang bayaran siya ng napakalaking
halaga?
 Kung ikaw si Prahnbun anong Pamamaraan ang gagawin mo para mahuli ang prinsesa?
 Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat na iyong binasa?

C. Paglalahat
 Panuto: Itala ang mga tauhan batay sa kanilang naging kilos, gawi, karakter sa kuwentong nabasa.
Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng limang minuto para sa pagtala.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa mag-aaral

Krayterya 5 4 3
Natutukoy ang kilos,
gawi, karakter ng mga
tauhan batay sa pahayag
na napakinggan.
Nailalarawan ang mga
tauhan batay sa
kanilang naging kilos,
gawi, karakter sa
napakinggang kuwento.
Kabuuan 10 Puntos

IV. Ebalwasyon

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag mula sa akdang “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah.” Ilarawan
ang kilos, gawi, karakter ng mga tauhan batay sa pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sangkapat na papel.

1. “Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa
nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah.” Ano ang naging kilos, gawi at karakter ng tauhan
batay sa pahayag?
a. Namangha
b. Nagalit
c. Nagulat
2. “Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton. Tiyak ba
matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa.” Ano ang naging kilos, gawi at karakter
ng tauhan batay sa pahayag?
a. Pag-isip ng masama
b. Pagmamahal
c. Kasiyahan
3. “Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na kagubatan. Pinuntahan niya ito upang
magpatulong sa kaniyang balak.” Ano ang naging kilos, gawi at karakter ng tauhan batay sa pahayag?
a. Paghingi ng tulong
b. Pagmamakaawa
c. Pagkagulat
4. “Nagbaliik ang Prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saab umuusbong ang
isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.” Ano ang naging kilos, gawi at karakter ng tauhan batay sa pahayag?
a. Pag-isip ng masama
b. Pagmamahal
c. Kasiyahan
5. “Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi
agad-agad na lumipad dhil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.” Ano ang naging kilos, gawi at karakter
ng tauhan batay sa pahayag?
a. Paghingi ng tulong
b. Pagkaawa
c. Pagkagulat

V. Kasunduan
Magsalik ng alamat sa ibang bansa at tuklasin ang matatagpuan na alamat dito at ibahagi ito sa klase. Isulat
ito sa isang malinis na papel.

You might also like