God, that giveth to all men liberally, and upbraideth not; and it shall be given him. -James 1:5 Panuto: Mayroon akong mga larawan na ipapakita sa inyo. Ibigay ang mga pangalan at sabihin ang mga tunog nito. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nalalaman ang kahulugan at mga elemento ng pabula; b. napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa pabula; at c. natutuklasan ang kahalagahan ng pabula. Panuto: Ayusin ang ang mga pangalan ng mga hayop, at pagkatapos ay magbigay ng tatlong (3) katangian nito. 1. Gapong 6. Singmat 2. Honeku 7. Bingkam 3. Usos 8. Agad 4. Hasa 9. Akab 5. Wabarak 10. Usap PABULA - ay isang uri ng kathang isip na panitikan kung saan ang mga tauhan na gumaganap ay mga hayop. Ito ay naglalayong magbigay aral sa mga mambabasa nito. Halimbawa: 1. Si Pagong at si Matsing. 2. Ang Kuneho at ang Leon. (4) APAT NA ELEMENTO NG PABULA 1. Tauhan – ang gumaganap at kumikilos sa akda. 2. Tagpuan – ang lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari. 3. Banghay – ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. 4. Aral – ito ay nagsisislbing gabay sa mga mag-aaral. Panuto : Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng mga larawan. Panuto: Basahan at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Sino ang nakatira sa ilog? a. Pagong b. Matsing c. Suso 2. Sino ang mabait na dapat na tularan? a. Pusa b. Matsing c. Pagong 3. Ito ay naglalayong magbigay aral sa mga mambabasa a. Tauhan b. Pabula c. Banghay 4. Isang uri ng kuwento na mga hayop ang gumaganap bilang tauhan. a. Alamat b. Pabula c. Tauhan 5. Ano ang puno na nakita nina Pagong at Matsing sa kagubatan? a. Mangga b. Lansones c. Saging 6. Ano ang nilagay ni Pagong sa ilalim ng puno ng saging upang hindi makababa si Matsing? a. Tinik b. Apoy c.Kumukulong tubig 7. Ito ang lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kuwento. a. Banghay b. Pabula c. Tagpuan 8. Anu ang napagtanto ni Matsing nang siya ay nalamangan ni Pagong? a. Dapat na gumanti b. Masakit malamangan c. Dapat huwag manlamang sa kapwa 9. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. a. Banghay b. Tagpuan c. Aral 10. Ang gumaganap at kumikilos sa paksa. a. Aral b. Tauhan c. Banghay TAKDANG ARALIN Magsaliksik ng isang pabula, basahin at unawain ito. Isulat ang mga tauhan, tagpuan at aral na inyong nakuha mula sa kwento.