You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT
Ang Kasaysayan ng Nawawalang Pusa
II. MAY-AKDA/ DIREKTOR
Direk Chavit Zulueta
III. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Ang kahulugan ng naturang pamagat na ‘Ang Kasaysayan ng Nawawalang Pusa’ ay
tumutukoy sa mga pangyayari kung paano nakaapekto sa tao o sa mga tauhan ang pagkawala
ng pusa, sa kasulukuyan.
IV. MGA TAUHAN
 Prinsesa- ang magandang anak ng Reyna at Hari.
 Kawal- ang matapang na kawal na nakahanap sa pusa at may pagtingin sa magandang
Prinsesa.
 Hari- ang makapangyarihang asawa ng mapagmahal na Reyna.
 Reyna- ang mapagmahal na asawa ng makapangyarihang Hari.
 Katulong- ang matapat na tagasilbi sa kaharian.
 Pusa- ang nawawalang alaga na pag-aari ng magandang Prinsesa.
 Kurtina- ang nagbubukas ng kurtina hudyat ng panibagong senaryo at tagpuan.
V. INTRODUKSYON
Ang pagkakaroon ng solusyon sa isang bagay ay hindi nangangahulugang tapos na ang
tagisan. Ito ang reyalidad kung saan lahat ay bitag. Ang bawat desisyon at solusyong ating
isinasagawa ay may magandang naidudulot sa ating mga problema ngunit, ang nasabing
maganda’y hindi nangangahulugang wala tayong dapat ipangamba. Sa kwentong ito,
tututukan ang pagkawalang bahala sa mga hakbang na ginawa ng tauhan na sobrang
nakaapekto sa kanila sa kasulukuyan.
VI. MGA SULIRANIN
Pagkawalang bahala sa mga magiging epekto ng desisyon, maging maayos lang ang
pangkasulukuyang problema o pinagdadaanan.
Ang pagsasantabi sa mga bagay na kailangang tinitutukan.
VII. TUNGGALIAN
Tao vs tao
Tao vs sarili
VIII. KASUKDULAN
Ang kasukdulan sa kwento ay ang paghahanap ng kawal sa pusa at ng makita ito ay ang
kanyang hiniling ay ang ang kamay ng Prinsesa. Hindi pumayag ang Hari kaya naman ng
makita niya ang dalwang nagsasaya at nagsasayaw ay siya’y nagalit mabilis na binawian ng
buhay.
IX. WAKAS
Ang wakas ay ang pagkasawi ng lahat ng mga tauhan na halos magkakaparehas ang
dahilan at paraan.
X. BUNGA
Bunga ng pag-iisantabi ng mga maaring mangyari sa hinaharap, masulosyunan lamang
isang nawawalang pusa ay binawian ng buhay ang lahat ng tauhan.
XI. PANDAMDAMIN
Isantabi ang nakakatuwang paraan ng pagtatanghal ng mga tauhan sa entablado ay sa
pangkalahatan, ang kwentong ito’y may lungkot na dala sapagkat, sa hindi inaasahan, ang
mga tauhan ay binawian ng buhay dahil sa mga desisyong dapat munang pinagisipan.
XII. REAKSYON
Una pa lang, nakaramdam na agad ako ng pag-aalinlangan dahil sa maling naging
paraan ng Hari sa paghahanap ng alaga ng Prinsesa. Dapat niya sanang pinag-isipang maigi
ang kanyang naging desisyon at ginawan ng limitasyon ang mga maaaring maging hiling ng
kawal. Ang naging solusyong ito ay nakasagot kaagad ng direkta sa problemang kanilang
kinahaharap, ngunit ang pagkawalang bahala o ang hindi maiging pagbibigay pansin sa
kanyang isasagawang solusyon ay nakabuo naman ng panibagong suliranin. Ang unang
desisyon na iyon sa kwento, ay masasabing siyang naging ugat ng mga sunod-sunod na
suliranin na kinaharap ng mga tauhan.
XIII. ARAL
Ang nakuha kong aral sa kwentong ito ay ang maiging pagbibigay pansin sa mga
solusyong ating isasagawa. Ang hindi pag-iisip ng maigi sa magiging desisyon ay maaaring
makabuo muli ng panibagong suliranin at maaaring mas matindi pa. Ang pagkakaroon ng
solusyon ay sa isang problema ay hindi hudyat ng kasiyahan, bagkus ay dapat pa natin itong
mas pag-isipan at tutukan. Kaya naman, bawat segundo sa ating buhay ay
napakaimportanteng pagisipang maigi ang magiging desisyon, maliit man ito o malaki.
XIV. MAIKLING BUOD
Isang araw, sa isang kaharian, binuksan ng tagabukas ng kurtina ang kurtina kung saan
makikita ang trono ng makapangyarihang Hari. Pumasok ang Hari at Reyna kasama ang
tagasilbi nito. Pinag-usapan nila ang ilang araw ng pagluha ng magandang Prinsesa na kanila
naming ikinabahala. Noong mga oras na ring iyon ay walang nagawa ang Hari kundi ang
ipatawag ang Prinsesa sa katulong upang ito ay kausapin. Sa pagbalik ng tagasilbi, iniharap
niya ang lumuluha pa ring Prinsesa na noo’y ipinaliwanag niya ang kanyang paghihinagpis.
Ang pagkawala ng kanyang alagang pusa ay lubos niyang ikinalulungkot na umabot siya sa
ganoong estado. Malungkot at may pag-aalala namang ipinaliwanag ng Hari at Reyna na lahat
ng kawal sa buong kaharian ay kumikilos upang hanapin ang alaga. Ani naman ng katulong
ay lahat ng alipin ay taranta upang makita ang pusa ng mahal na Prinsesa. Sa pagsingit na ito
ng alipin sa usapan ng mga maharlika’y nabatukan siya ng Hari’t pinagsabihan. Sa puntong
iyon ay ipinaliwanag ng tagasilbi ang kanyang awang nararamdaman para sa Prinsesa na mas
tumindi pa ng sambitin ng Prinsesa ang kanyang kagustuhang mamatay kung sakaling hindi
mahanap ang kanyang nawawalang pusa. Ang lahat ay nabigla kaya naman nagdesisyon ang
Haring muling pakilusin lahat ng nasa kaharian, ngunit na putol ito ng ang pumasok ang isang
matapang na kawal. Ibig ng kawal na makatulong sa paghahanap. Noon ay sinabi ng walang
pag-aalinlangan ng hari na anumang gustohin ng kawal ay kanyang makukuha, kaya naman
ay agad na ding lumakad ang kawal upang maghanap.
Sa ikalawang tagpuan, binuksang muli ng tagabukas ng kurtina ang kurtina kung saan
makikitang muli ang trono ng makapangyarihang Hari. Noo’y kinakausap muli ng Prinsesa
ang kanyang ama’t ina ng pumasok ang matapang na kawal na buong ipinagmamalaki ang
pusang nawawala ng prinsesang kanyang natagpuan sa ika-13 na bundok. Pinaalala ng Hari
ang kanyang pinangako sa kawal at ito’y pinapili, ngunit sa hindi inaasahan ang kamay ng
Prinsesa ang nais nito at wala ng iba. Nagalit ang Hari at ipinaliwanag na kahit ano na lang
ang kanyang hilingin basta’t wag lamang ang kanyang anak. Sa puntong iyon walang nagawa
ang kawal kundi ang umalis dahil sa posibilidad na atakihin ang Hari sa galit.
Sa huling yugto ng kwento’y, binuksang muli ng tagabukas ng kurtina ang kurtina kung
saan makikita ang Prinsesa, kawal, ang pusa at ang katulong. Nag-aalalang sinabi ng katulong
na mali ang kanilang ginagawa, ngunit wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang Prinsesa at
kawal na nagsasayaw. Sa puntong iyon ay nahuli sila ng Hari at pinapasok niya ang mga
Prinsesa at kinausap ang kawal. Di nagtagal inatake at namatay ang Hari na ikinatakot naman
ng kawal na siya’y mapagbintangan. Sa pagtakas ng kawal ay siya naming pagpasok ng
Reyna. Sobra ang kanyang paghihinagpis ng makita ang asawa, kaya naman nagdesisyon
siyang inomin nag bote ng lason at namatay. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay pumasok
naman ang Prinsesa na ikinabigla rin nito’t walang nagawa kundi ang inomin rin ang lason.
Sa pagpasok ng katulong ay tatlong bangkay na ng mga maharlika ang kanyang natagpuan
kaya naman, sa takot nitong mapagbintangan ay ininom na lamang rin niya ang lason. Muli
namang pumasok ang kawal at nabigla sa nakita, umiyak siya at napagtantong wala ng silbi
ang kanyang buhay sapagkat wala na ang Prinsesa, sa huli ay ganun rin ang kanyang
kinihantungan. Nakita naman ng pusa ang bote at saka ito dinilaan at namatay. Sa huli, ay ng
pumasok naman ang tagabukas ng kurtina’y nakita rin nito ang bote, ininom at namatay.
Department of Educatin
Region IV MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
Bansud National High School
Regional Science High School
Pag-asa Bansud, Oriental Mindoro

“Ang Kasaysayan ng Nawawalang Pusa”


Direk Chavit Zulueta

Pangalan; Elessa A. Villanueva


Taon/ Baitang; Grade 8- Prolixus

Guro; Aurora Japon

You might also like