Professional Documents
Culture Documents
Si Haring Tamaraw at Si Daga
Si Haring Tamaraw at Si Daga
Siya ay malaki,
mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan,
nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-
tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na
nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw.
Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang
paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga.
Umirit si Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong
hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.
Tauhan
Haring Tamaraw at si Daga
Tagpuan
Kagubatan
Nilalaman ng kuwento
Dalawang hayop na magkaiba ng lahi isang Haring Tamaraw at si Daga na nag
kakilala.
Aral sa kuwento
Maging mabait ka sa hayop tao at iba pa upang masuklian Kadin ng kabaitan