You are on page 1of 3

Ikatlong Markahan

Unang Linggo
Sining
Paglilimbag Gamit ang Kalikasan

I. Layunin
 nasasabi ang mga nailimbag na gamit ang mga bagay sa kalikasan
 nakalilimbag ng iba’t ibang bagay mula sa kalikasan;
 naipagmamalaki ang sariling gawang limbag mula sa kalikasan.

II. Subject Matter


Paglilimbag Gamit ang Kalikasan
Elements and Principles of Art: hugism kulay at emphasis
Value Focus: Pagpapahalaga sa Kalikasan
Materials: Found objects, water color or poster paint, water-based paint, brush, ink pad or
sponge
Reference: TG. pp. 66 – 68, LM. pp. 169-171
MAPEH (Sining) Ikatlong Markahan Modyul 1:Division of Pasig

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagkuha ng liban

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral
Sa mga larawang ito, naalala ninyo pa ba kung ano ang tawag at meron dito?

Ang mga larawang ito ay nagsasabi kung alin teksturang balat ng mga sumusunod na
mababangis na hayop. Na kung saan, ipinakikita nito ang tekstura ng balat ng tumitingin. Ito ay
ang teksturang magaspang , makinis, matigas, malambot.
2. Paglalahad/Pagmomodelo
 May mga bagay mula sa ating kalikasan ang maaari nating gamitin upang tayo ay
makapaglimbag, tulad ng sanga, balat ng kahoy, dahon , bato, balahibo ng hayop at iba
pa.
 Sa pamamagitan nito makalilikha tayo ng di karaniwang disenyo sa paglilimbag.
 Halimbawa:

 Ang Paglilimbag ay isang paraan ng paglilipat o pagpaparami sa mga teksto o larawan at


pagiiwan ng bakat gamit ang tinta sa papel o iba pang kagamitan.
 Ito ay isang paraan ng paglilimbag upang ipakita ang disenyo na may diin sa mga kulay.
Inilalapat natin ito sa bond paper upang makalikha ng bakat o limbag sa disenyong
abstract.
 Narito ang isang halimbawa ng disenyong abstrak gamit ang tangkay.

 Maglimbag ng iba’t-ibang disentyo gamit ang mga bagay na matatagpuan sa kalikasan.


Mga kagamitan:
mga likas na bagay sa paligid, water color at brush.
Pamamaraan:
1. Ihanda ng mga likas na bagay tulad ng dahon, sanga, bato at iba pa.
2. Umisip ng disenyong abstract sa gagawing paglilimbag.
3. Patungan ng lumang diyaryo ang mesang paggagawaan ng abstract.
4. Idampi ang anumang bahagi ng bagay na napili sa ink pad.
5. Itatak sa bond paper upang makalikha ng tatak o ng bakat batay sa disenyong abstract.
3. Ginabayang Gawain
Pagsasanay 1
Bilugan ang mga larawan ng likas na bagay na ginagamit sa paglilimbag.

Pagsasanay 2
Piliin sa kahon ang tamang sagot.

likas na bagay disenyong abstract malinis


emphasis masaya

1. Gumagamit tayo ng _________ sa paglilimbag.


2. Ang bakat ay nagpapakita ng disenyong ______ na may diin sa mga kulay.
3. Maging __________ sa lugar na paggagawaan ko ng Sining.
4. Binibigyan ng _______ ang nais kong idisenyo.
5. __________ nakagawa ako ng likhang sining na paglilimbag

4. Paglalahat
• Paano natin inililimbag ang gamit na mula sa kalikasan?
• Paano mo maipakita ang pagpapahalaga sa kalikasan gamit ang paglilimbag?

5. Pagpapahalaga
• Bakit kailangan nating pagyamanin at pag ibayuhin ang ating kakayahan?

6. Pagtataya
Basahin at unawain ang pangungusap. Lagyan ng Tama o Mali ang bawat bilang.
_____ 1. Gumagamit tayo ng disenyong abstract o di makatotohanan sa paglikha ng bakat o limbag.
_____ 2. Ang mga dahon, sanga , balat ng kahoy, bato at balahibo ng hayop ay ilan lamang sa mga likas
na maaaring gamitin sa paglilimbag.
_____ 3. Ang paglilipat ng larawan o pag iiwan ng bakat gamit ang tinta sa papel o iba pang kagamitan ay
tinatawag na printing o paglilimbag.
_____ 4. Gumamit tayo ng krayola sa paglilimbag upang ilipat ang disenyo sa paglilimbag.
_____ 5. Sa paglilimbag gumagamit tayo ng mga likas na bagay upang makalikha tayo ng karaniwang
disenyo.

You might also like