LAYUNIN: differentiates natural and man-made objects with repeated or alternated shapes and colors and materials that can be used in print making. Paglilimbag A2EL-IIIa Tukuyin kung ano ang nasa larawan Balik Tanaw Alam mo ba na maraming bagay ang maaring gamitin upang makabuo ng isang sining?
Mula sa hinating gulay, palapa ng saging at marami pang iba.
Maaari ding gumamit ng mga manmade na bagay sa ating paligid tulad ng tissue, foam at iba pa.
Tayo ay nakalilikha ng iba’t-ibang disenyo at nagiging malikhaing
sining mula sa mga ito. Suriin mo ang nasa larawan na nasa ibaba . Ano ang ginamit upang makabuo ng disenyong bulaklak sa unang larawan? Paano kaya ito ginawa? Ano pa ang maaaring gamitin upang makabuo ng disenyong bulaklak? Ihanda ang mga kailangang gamit. Watercolor, Kalamansi, Oslo Paper at Foam.
Subukan mong gawin ito.
1.Upang makalikha ng disenyong bulaklak kumuha ng kalamansi at hatiin ito sa gitna. 2.Sa pamamagitan ng brush ay pahiran ng watercolor ang hinating kalamansi. 3.Ipatong ng maingat ang nakulayang bahagi ng kalamansi sa puting papel at diinan ng bahagya. 4.Ulit-ulitin hanggang sa makabuo ng disenyong bulaklak. Maari ka ding gumamit ng man-made na bagay tulad ng foam upang gawing disensyo sa gilid ng iyong unang nilikha. 5.Lagyan ang foam ng watercolor at ilapat ito sa gilid ng papel upang maging damo. Isulat ang salitang Natural kung ang larawan ay nagpapakita ng paggamit ng mga natural na bagay sa paglilimbag at isulat naman ang salitang Man-made kung ang mga ginamit na bagay sa paglilimbag ay gawa ng tao.
___1. (Dahon) ___2. (Tinidor)
___3. (Sili at sitaw)
___4. (Repolyo)
___5. (bubble wrap )
Tandaan: Ang paggamit ng mga natural na bagay tulad ng hinating gulay, palapa ng saging at iba pa ay nakakalikha ng iba’t-ibang disenyo na nagpapakita ng likhang sining. Maari din makagawa ng paglilimbag ng iba’t-ibang disenyo gamit ang mga manmade o gawa ng tao na bagay tulad ng tela, papel, at styrofor o foam. Takdang Aralin Gumawa ng isang likhang sining gamit ang mga gulay na matatagpuan sa inyong bahay at watercolor. Ilagay ito sa oslo paper. THANK YOU FOR LISTENING!