You are on page 1of 57

Ikatlong Markahan/Ikaapat na

Linggo

MAPEH (ARTS)
Pagbakat ng mga Bagay

Nasubukan mo na bang magbakat ng isang bagay sa


papel? Ano-ano kaya ang mga sangkap na maaari mong
gamitin dito? Saan natin magagamit ang sining na ito?
Sa araling ito,
• makalilikha ka ng imprenta sa pamamagitan ng pagkuskos ng lapis o
pangkulay sa papel na nakapatong sa isang bagay na may ukit o
hulma ang yari.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga
bagay na ito ang may ukit o hulma?
Natutuhan mo sa mga nakaraang aralin na ang bawat bagay ay may
kani-kaniyang pagkakayari. Ang iba ay patag at makinis, ang iba
naman ay may ukit o hulma. Nalaman mo rin na maaaring mapanatili
ang mga ukit at hulma ng mga bagay na ito kung lalagyan ng
pangkulay at itatatak sa papel.

Mas madaling lumitaw ang mga detalye at kabuuang hitsura


ng isang bagay sa imprenta kung ang mga ukit at hulma nito
ay malinaw na nakayari.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagsunod-sunurin ang mga bunga sa
larawan mula sa pinakamakinis hanggang sa pinakamagaspang.
Sulatan ng bilang isa hanggang tatlo, ang 1 ang pinakamakinis at ang
3 ang pinakamagaspang. Gawin ito sa iyong sagutang papel .

B A C
Bukod sa mga bagay na matatagpuan sa kalikasan tulad ng mga prutas,
gulay, bato at kahoy, ano-ano naman ang mga bagay na gawa ng tao na
may ukit at hulma?
Ano-ano pa ang iba’t ibang paraan ng pagbakat? Isipin ang mga
halimbawang ito:

Ang isang matigas na


bagay ay maaari
mong ibakat sa lupa
upang mag-iwan ng
bakas.
Pagbakat ng mga bagay

Ang mga bakas ng


iyong talampakan sa
buhangin ay magiiwan
din ng marka.
Pagbakat ng mga bagay

Ang aso o gulong ng


motorsiklo na dumaan sa
basang semento ay
gagawa rin ng imprenta.
Takdang Aralin: Sundin ang sumusunod na hakbang upang
maibakat sa papel ang hitsura ng isang bagay.
Mga kailangan: Lapis o pangkulay Papel Barya

1. Ipatong nang madiin ang papel sa barya hanggang humulma ang


hugis bilog.
2. Panatilihin ang puwersa ng iyong daliri sa barya upang hindi ito
gumalaw.
3. Banayad na kuskusin ng lapis o krayola ang bahagi ng papel kung
saan nakapailalim ang barya.
4. Gawing dalawang direksiyon lamang ang pagkuskos (taas-baba
kaliwa-kanan).
Ikatlong Markahan/Ikaapat na Linggo

MAPEH
(HEALTH)
Sa araling ito, pag aaralan
natin ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng malinis na
hangin
Ang Hangin ay Mahalaga

Ang hangin ay isa sa mga mahalaga nating pangangailangan.


Ito ay kailangan natin sa paghinga upang mabuhay. Ito ay
mararamdaman kahit saan. Ang hanging dumadaloy sa loob ng
ating tahanan ay tinatawag na indoor air. Ang indoor air ay
maaari ring matagpuan sa loob ng mga paaralan, mall,
simbahan at iba pang mga gusali. Dahil sa pandemya, tayo ay
mas madalas na nananatili sa loob ng ating mga tahanan. Ang
malinis na hangin sa loob ng tahanan (indoor air) ay
napakahalaga upang tayo ay manatiling buhay at malusog
Epekto ng Malinis na Indoor Air sa ating
Kalusugan

1. Pinapanatili tayong buhay.


2. Tumutulong sa pagpapalakas ng ating
resistensiya.
3. Tumutulong upang tayo ay magkaroon ng
lakas (energy) na ginagamit natin sa ating
pangaraw-araw na gawain.
Epekto ng Maruming Indoor Air sa Ating
Kalusugan

1.paghina ng ating puso at baga.


2. pagkakaroon ng iritasyon o allergies
sa ilong at mata
3. pagkakaroon ng sakit tulad ng hika
4. hirap sa paghinga
TANDAAN

Ang panloob na polusyon sa hangin ay maaaring


mangyari mula sa maraming iba't ibang mga
kemikal, produkto o kahit na mga alagang hayop.
Maaari itong magpalala o sa ilang mga kaso ay
magdulot ng malubhang pinsala sa kalusugan ng
tao. Ang pagkakalantad sa mataas na
konsentrasyon ng panloob na polusyon sa hangin
ay maaari ring maging sanhi ng pangangati ng
mata, pananakit ng ulo, pangangati ng lalamunan
at ilong.
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang
makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin.
Isulat ang sagot sa malinis na papel.

Ang hanging dumadaloy sa ____________ ng ating


____________ ay tinatawag na ____________ .
indoor air loob tahanan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang
letrang A sa patlang kung ito ay epekto ng
malinis na hangin. Isulat ang letrang B kung
epekto ng maduming hangin. Isulat ang sagot
sa papel.

______1. nagpapalakas ng ating resistensiya


______2. humihina ang puso at baga
______3. pinapanatili tayong buhay
______4. nagbibigay – lakas
______5. nahihirapang huminga
Ikatlong
Markahan/Ikaapat na
Linggo

FILIPINO
Pagbibigay ng
Paksa ng Talata
at Tula
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang maibibigay ang
paksa ng talata/tula at matutukoy ang salita/
pangungusap sa isang talata

Ano ang talata?

Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga


pangungusap na magkakaugnay. Ito ay binubuo rin
ng pangunahing paksa at pantulong na detalye.
Ang pangunahing paksa ay tumutukoy sa tema ng
talata.
Halimbawa;

Si Dr. Jose Rizal ay ating


Pambansang Bayani. Siya ay
ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo
1861 sa Calamba, Laguna. Namatay
siya sa Bagumbayan na ngayon ay
Luneta. Namatay siya noong ika-30 ng
Disyembre 1896.
HALIMBAWA:

Aklat
Ako ay aklat maraming nakasulat,
Ako’y pangalagaan,
Laging pag-ingatan,
Sa kinabukasan mo,
Ako’y maaasahan.

Pangalagaan ang aklat


Watawat
Ang ating bandila ay may tatlong kulay,
Pula ang sagisag ng katapangan, Puti
naman ay kalinisan, At bughaw ay
kagitingan.

Ang ating bandila ay may


tatlong kulay
Ang Aking si Bantay

Ang aking alaga Bantay ang pangalan,


Sa araw at gabi kami’y inaalagaan,
Kapag nakakita ng mga kalaban,
Ipagtatanggol aming sambahayan.

Maalaga si Bantay
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ibigay ang paksa ng
talata. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Nang magbukas ng radyo at makinig ng


balita ang Tatay ni Rosie ay laking gulat nito
sa narinig. May paparating na napakalakas
na bagyo ang pangalan ay “Rolly”. Hindi na
nagdalawang-isip ang kaniyang ama at
ipinaghanda na niya ang kaniyang pamilya.
Ayaw na niyang maranasan pa ang
nangyari sa nakaraang bagyong Ondoy.

Paghanda sa bagyo
TANDAAN:

Ang pangunahing paksa ay


tumutukoy sa tema ng talata at kung
ano ang nais iparating ng manunulat
Ngayon ay Biyernes , Ika
Tatlumpu ng Abril,
Dalawang libo dalawamput
isa
PANALANGIN
Dakilang Ama, Salamat
po sa araw na ito.
Gabayan po ninyo kami
sa makabagong paraan
ng aming pag aaral.
Liwanagan niyo po ang
aming mga isipan upang
kami ay matuto sa aming
aralin.
Pagbabakas para sa Imprenta
Pagbabakas para sa Imprenta

• Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang iba’t


ibang paraan ng imprenta at pagtatak.
• Ngayon, matutuklasan mo kung paano pagsasama-
samahin ang mga paraang ito. Sa araling ito,
makalilikha ka ng disenyo ng istensil sa papel,
plastik, karton, dahon o iba pang bagay, at
magagamit ito sa pag-imprenta sa papel, tela,
pader, o iba pang patag na bagay.
Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang iba’t ibang paraan
ng imprenta at pagtatak. Ngayon, matutuklasan mo kung paano
pagsasama-samahin ang mga paraang ito. Sa araling ito,
makalilikha ka ng disenyo ng istensil sa papel, plastik, karton,
dahon o iba pang bagay, at magagamit ito sa pag-imprenta sa
papel, tela, pader, o iba pang patag na bagay. Tingnan ang mga
larawan sa ibaba. Ano ang mga ipinapakita rito?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang mga
ipinapakita rito?
Maraming posibleng paraan ng pag-imprenta:
• Pagtatak ng bagay na may pangkulay
• Paggamit ng bahagi ng katawan bilang pantatak
• Pagbakat ng bagay sa papel
• Pag-istensil

Ang istensil ay ang paglikha ng marka o imahe na ginabayan


ng isang patag na bagay na may disenyong butas. Ang
bahaging lilitaw sa loob ng butas ay lalagyan ng marka, guhit,
o pangkulay upang mabuo ang balangkas ng disenyo ng
istensil. Ito ay nagsisilbing gabay upang maging perpekto ang
imprenta.
Halimbawa ng pag
istensil
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang TAMA
kung ang bahagi ng katawan sa larawan ay
maaaring gawing pantatak. Isulat naman ang MALI
kung hindi.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng nakatatandang
kasama sa bahay, sundin ang sumusunod na mga hakbang upang
gumawa ng modelo ng imprenta. Mga kailangan: Tatlong maliliit na
dahon Lapis at papel Gunting at Karton Pangkulay (putik, toyo, o
kape

1. Ipatong ang mga dahon sa karton at iguhit ang balangkas


o outline nito.
2. Gupitin ang bakas ng iyong guhit.
3. Ipatong ang bahaging ito ng karton sa papel at bakasin
ang butas na hugis gamit ang lapis.
4. Maaaring kulayan ang nakalitaw na bahagi ng papel.
Ikatlong Markahan/Ikalimang Linggo

MAPEH
(HEALTH)
Polusyon sa Hangin sa Tahanan

Ano ang nakikita mo sa larawan? Maaari bang maging marumi


ang hangin sa loob ng tahanan? Paano?
• Sa araling ito, matututuhan
mo ang pinagmumulan ng
polusyon sa hangin sa loob
ng tahanan.
• Ang pagdumi ng hanging
panloob ay tinatawag na
indoor air pollution.
Pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa loob ng
tahanan
1. Usok mula sa pagluluto. Ang
usok mula sa pagluluto na hindi
nakalalabas ay sumasama sa
hangin at nagiging dulot ng
polusyon sa loob ng bahay.
2. Mga kemikal na ginagamit sa
bahay tulad ng pamatay- insekto
(insecticides) bleach at pabango.
Ang insecticides, pabango at mga
kemikal na ginagamit sa bahay tulad
ng bleach ay naglalaman ng
nakalalason na kemikal na maaaring
humalo sa hangin na iyong
hinihinga.
3. Alikabok, dumi at mikrobyo
mula sa mga madudumi at di -
nalilinisang gamit sa bahay. Ang
hindi palagiang paglilinis ng mga
kagamitan sa bahay ay
nagreresulta sa pagkaipon ng
dumi at alikabok.

4. Pintura. Ang pintura ay


naglalaman ng kemikal na
humahalo sa hangin na
nakasasama sa kalusugan.
5. Usok mula sa pagsisiga ng
papel at mga dahon. Ang usok
mula sa pagsisiga ng papel at
dahon sa labas ay maaaring
makapasok sa loob ng tahanan
at magdulot ng pagdumi ng
hangin sa loob ng bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Suriin ang mga larawan.
Piliin ang letra ng mga bagay na nagdudulot ng polusyon
sa hangin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ayusin ang
mga letra upang makabuo ng salita
tungkol sa mga pinagmumulan ng
polusyon sa hangin sa loo b ng tahanan.

1. U O S K
2. I M U D
3. I P N U T A R
3. I P N U T A R

4. A P A B N G O

5. L E M K K I A
Ikatlong
Markahan/Ikalimang
Linggo

FILIPINO
Paglalarawan ng Damdamin ng
Tauhan sa Kuwento

• Sa araling ito, ikaw ay inaasahang mailalarawan ang damdamin


ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan o nabasa at
maipahahayag ang sariling idea/damdamin o reaksiyon tungkol sa
kuwento, tekstong pang-impormasyon, at tula

• Ang pagpapahayag ng damdamin, reaksiyon, at ideya ay pagbibigay ng


sariling isipan, saloobin, at karanasan. Maaaring ipahayag ang
damdamin/ reaksiyon o ideya nang pasalita o pasulat.
Ilan sa mga halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin.

pagkatuwa pagkatakot panghihinayang


pagkagulat pagkainis pagkagalit
pag-iwas pagkamuhi pagdadalamhati
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan ang larawan. Isulat ang
letra ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang damdamin o reaksiyon
sa bawat pangungusap. Isulat ang letra ng sagot sa iyong
kuwaderno.
A.Pagkatuwa E. paghanga
B. panghihinayang F pagsisisi
C. pagkatakot G.pagtatampo
D. pag-aalala H. pagkagulat
I. pagkainis

______ 1. Malakas ang buhos ng ulan at nagbabadya ang pagbaha.


______ 2. Nagtakbuhan ang mga tao sa pagsalakay ng mga armadong
lalaki.
______ 3. Hindi ako ang tumama sa grand prize.
——— 4. Ang ganda ng regalong manika ni Lolo sa akin.
______ 5. Napansin ng lahat ng tao ang damit ng bunso namin pero sa
akin ay hindi.

You might also like