You are on page 1of 2

Pagsusulit sa MAPEH - I

Pangalawang Markahan

I – MUSIKA – Panuto: Isulat ang Tama kapag ang sinasaad sa pangungusap ay wasto at
Mali kapag hindi wasto.
_____1. Ang telepono ay may mataas na tono/tunog.
_____2. Ang ngiyaw ng kuting ay may mataas na tono.
_____3. Ang tono/tunog ng baka ay mataas din.
_____4. Ang tambol ay may mababang tono.
______5. Ang huni/tunog ng sisiw ay mataas.
II – ARTS – Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
6. Alin ang pangunahing kulay?
A. asul, berde, lila C. asul , dilaw , pula
B.pula , dilaw , asul
7. Alin naman ang pangalawang kulay?
A. berde , kahil ,lila C. kahel , dilaw , asul
B. pula , dilaw , asul
8. Ano ang pambansang bulaklak ng Pilipinas?
A. gumamela B. sampagita C. dahlia
9. Alin ang nakikita sa paaralan?
A. kaldero B. aklat C. unan
10. Ang bahay na mayroong dalawang palapag ay tinatawag na _______.
A. bungalow B. two-storey C. bahay-kubo
III – P.E – Panuto: Isulat ang ( / ) kung ang sinasaad na kilos ay kilos lokomotor at ( X ) kung
hindi.
_____11. Paglalakad
_____12. Pag -unat ng kamay
_____13. Pagtakbo ng mabilis
_____14. Pagpikit ng mata
_____15. Pagkandirit
IV – Health – Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ginagawa mo araw-araw ang
gawain sa ibaba upang manatiling malinis at malusog ang iyong pangangatawan.
_____16. Naliligo araw – araw.
_____17. Nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
_____18. Kumakain ng masustansiyang pagkain.
_____19. Naghuhugas ng kamay sa tuwina.
_____20. Nagsusuot ng malinis na damit.

You might also like