You are on page 1of 8

SINING V

Date: _____________

SINING V

Date: _____________

I. Layunin:
 Naipapakita kung paano gagawing malamlam ang isang matingkad na kulay.

II. Paksang-Aralin:
Pagpapalamlam ng isang Matingkad na kulay
BEC PELC I A 3.3 pah 111
Umawit at Gumuhit V pah 103
Kagamitan: pangulay tulad ng krayola, color wheel

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Pag-usapan ang iba’t-ibang sangkap ng kulay.
2. Pagganyak:
 Anu-ano ang iba’t-ibang sangkap ng kulay?
 Paano magagawang malamlam ang isang matingkad na kulay?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Ihanda ang mga bata sa paggawa.

2. Pagtalakay.
a. Ngayon ay titingnan ko kung magagamit ninyo ang inyong kaalaman sa mga sangkap ng
kulay sa paggawa ng gawaing pangsining.
b. Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?

Halinang magkulay
Kagamita: workbook at krayon
Pamamaraan:
 Gumuhit ng dalawang katutubong damit o anumang kasuota na pagkkakilanlan ng
pagiging Pilipino.
 Kulayan ng isang matingkad na kulay ang kabuuan ng dalawang kasuotan.
 Kapag magkatulad na ang kulay na dalawa ay gawin mong malamlam ang kulay ng
pangalawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
 Anong matingkad na kulay ang ginamit mo?
 Paano mo nagawang malamlam ang kulay ng pangalawang kasuotan?

IV. Pagtataya:
Halinang magkulay
Kagamita: workbook at krayon
Pamamaraan:
 Gumuhit ng dalawang bulaklak na nais ninyo.
 Kulayan ng isang matingkad na kulay ang kabuuan ng dalawang kasuotan.
 Kapag magkatulad na ang kulay na dalawa ay gawin mong malamlam ang kulay ng
pangalawa.

V. Takdang Aralin:
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga sangkap ng kulay sa paggawa
ng gawaing pangsining?
SINING V

Date: _____________

I. Layunin:
 Nakalilikha ng isang gawaing pansinng na nagpapahiwatig ng masaya o tuwangtuwa, malungkot
o naiiyak, galit o naiinis o takot o nagugulat.

II. Paksang-Aralin:
Pagpapahiwatig ng damdamin
BEC PELC I A 3.4 pah 111
Umawit at Gumuhit V pah 103
Kagamitan: pangulay tulad ng krayola, color wheel

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Pag-usapan ang mga natutuhan ninyo tungkol sa linya, hugis at kulay.
2. Pagganyak:
 Anong uri ng linya (kulay o hugis) ang nagpapahiwatig ng katuwaan? ....ng galit?...ng
kalungkuta?.....ng takot?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Ihanda ang mga bata sa paggawa.

2. Pagtalakay.
a. Ngayon ay titingnan ko kung makalilikha kayo ng gawaing pangsining na
nagpapahiwatig ng isang damdamin.
b. Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?

Isang Damdamin
Kagamita: workbook at krayon
Pamamaraan:
 Isipin kung anong damdamin ang iphahayag mo.
 Sa pamamagitan ng linya, hugis at kulay ay ipahahayag mo ang damdaming napili mo.
 Lagyan ng pamagat ang nilikha mong gawaing pansining.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
 Paano mo naipakita ang kaalaman mo sa kulay, linya at hugis?
 Magkuwento tungkol sa nilikha mong gawaing pansining.

IV. Pagtataya:
Isang Di Malilimutang Pangyayari sa inyong buhay
Kagamita: workbook at krayon
Pamamaraan:
 Isipin kung anong damdamin ang iphahayag mo.
 Sa pamamagitan ng linya, hugis at kulay ay ipahahayag mo ang damdaming napili mo.
 Lagyan ng pamagat ang nilikha mong gawaing pansining.
V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng isang gawaing pansining uol sa kuwento na gustong-gusto ninyo. Lagyan ito ng
angkop na kulay at pamagat.
SINING V

Date: _____________

I. Layunin:
 Nakikilala ang tatlong uri ng tekstura: tunay, artipisyal at biswal.

II. Paksang-Aralin:
Tekstura
BEC PELC I A 4.1 pah 111
Umawit at Gumuhit V pah 105
Kagamitan: tunay na bagay at yari sa plastic at larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Pag-usapan ang mga sangkap ng kulay.
2. Pagganyak:
 Anu-ano ang mga sangkap ng kulay?
 Paano mo nagawang malamlam ang kulay ng pangalawang kasuotan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Pag-usapan ang mga natutunan tungkol sa tekstu sa ikatlo at ikaapat na baitang.
2. Pagtalakay.
 Ano ang pagkaunawa ninyo sa tekstura?
 Magbigay ng mga halimbawa.
3. Ilahad ang bagong aralin tungkol sa tatlong uri ng tekstura.

4. Ipakita sa mga bata ang mga tunay na bagay na halimbawa ng teksturang tunay, mga
teksturang artipisyal at teksturang biswal.

5. Pagtalakay:
 Suriin ang mga naklahahd na mga bagay sa harap.
 Anu-ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
 Alin ang may teksturang tunay?Bakit?
 Ano ang tekstura nila?
 Alin naan ang teksturang artipisyal? Bakit?
 Ano ang teksturang taglay nito?
 Alin ang teksturang biswal?
 Paano mo nasabi na biswal ang tekstura ng mga ito?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
 Anu-ano ang tatlonguri ng tekstura?
 Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?

IV. Pagtataya:
Pangkatang paggawa.
 Ipapangkat sa mga bata ang mga halmbawa ng mga bagay na ginamit sa paglalahad ng aralin,
ayon sa tatlong uri ng tekstura.
 Pahalagahan kung wasto ang kanilang ginawa.
V. Takdang Aralin:
 Magdala ng mga halimabawa ng iba’t-ibang uri ng tekstura, pandikit at gunting, lapis at ruler.
 Maghanda para bukas sa gagawing malikahaing pansining.
SINING V

Date: _____________

I. Layunin:
 Naipapakita ang tatlong uri ng tekstura sa pamamagitan ng mga gawaing sining.

II. Paksang-Aralin:
Mga Montage ng Tekstura
BEC PELC I A 4.3 pah 111
Umawit at Gumuhit V pah 106
Kagamitan: tunay na bagay at yari sa plastic at larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Ano ang tekstura?
 Anu-ano ang tatlong uri ng tekstura?
2. Pagganyak:
 Nakakita na ba kayong collage. Ngayon ay may gagawing tayong malikhaing sining.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Ihanda at ganyakin ang mga bata sa paggwa.
2. Pagtalakay.
 Ngayon ay titingnan ko kung magagamit ninyo ang inyong mga kaalaman sa tekstura
sa paggawa ng mga gawaing sining.
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?

Mga Montage ng Tekstura


Mga Kagamitan:
 Tatlong pirasong karton na kasiglaki ng bond paper
 Papel na pambalot sa karton
 Halimbawa ng mga bagy na may tunay na tekstura, artipisyal na tekstura at biswal na
tekstura
 Gunting, pandikit at tape
Pamamaraan
1. Balutan o takpan ang mga karton.
2. Umisi[ ng disenyong nais gawin sa mga karton.
3. Tabasin ang mga halimbawa ng bagay na may tekstura. Unahin ang mag teksturang
tunay. Iaayos at idikit sa unang karton.
4. Sa pangalawang karton ay iaayos at idikit ang naman ang mga napiling teksturang
artipisyal.
5. Sa pangatlong karton ay iayos at idikit ang mga ginupit na teksturang biswal.
6. lagyan ng pamagat ang bawat pahina at itayo ang natapos na sinig.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
 Anu-ano ang mga bagay ang ginamit mo sa paglikha ng disenyo ng mga teksturang
tunay, teksturang artipisyal at teksturang biswa?
 Ano ang pagkakaiba ng ng bawat uri ng tekstura?
IV. Pagtataya:
1. Ano ang teksturang tunay, artipisyal at biswal?
2. Magpakita ng halimbawa ng bawat uri ng tekstura?
3. Ipakita ang ginawang komosisyon.

V. Takdang Aralin:
Tapusin sa bahay ang di nayaring likhang sining ninyo at bukas ay itatanghal sa loob ng silid-
aralin.

You might also like