You are on page 1of 1

Ang Pabula ng �Si Haring Tamaraw at Si Daga�

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis
at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan at nakarating siyang pagod na pagod. Kaagad
siyang nakatulog sa ilalim ng punong narra.

Dumating naman si Daga na tuwang-tuwang naglalaro sa may puno ng narra. Sinaway


siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno at ipinaalam nilang natutulog si
Haring Tamaraw.

Dali-daling tumakbong paalis si Daga at hindi sinasadyang matapakan ni Daga ang paa
ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Sumigaw si
Daga at nagising si Haring Tamaraw.

Galit na galit si Haring Tamaraw at hinuli niya si Daga. Bilang parusa, kakainin
sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw at nangakong hindi na siya
uulit at sinabi pang baka siya�y makakatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng
panahon.

Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga ta nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang


paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na gamit panghuli ng
malalaking hayop sa kagubatan. Nakulong sa hawla si Haring Tamaraw at walang
magawang tulong ang ibang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang
gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano�y dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat


kaagad niya ang mga tali sa hawla at nakawala si Haring Tamaraw. Nagpasalamat si
Haring Tamaraw kay Daga.

Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

You might also like